PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Idol PH judges sing Parokya ni Edgar mash-up on ASAP Natin 'To

Idol PH judges sing "Harana" and "Gitara"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 31, 2022
Idol PH
Idol Philippines judges (L-R) Regine Velasquez, Chito Miranda, and Gary Valenciano took the ASAP Natin 'To stage on Sunday, July 31, 2022, with their mash-up of Parokya ni Edgar hits.
PHOTO/S: ASAP NATIN TO

Sinamahan ng kapwa Idol Philippines judges na sina Asia's Song bird Regine Velasquez at Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda na mag-perform sa ASAP Natin 'To stage.

Ngayong Linggo, July 31, 2022, masayang sinalubong si Chito ng kanyang ASAP family sa kanyang muling pagbabalik sa Sunday noontime show.

Kinanta ng Idol PH judges ang mga hit song ng bandang Parokya ni Edgar na "Gitara" at "Harana."

Pagkatapos nilang mag-perform, tinanong ni Gary si Chito kung ano ang pakiramdam nito sa muli niyang pagbabalik sa ASAP.

Ayon sa Parokya ni Edgar vocalist, kinakabahan siya dahil wala ang kanyang mga ka-banda, at bukod pa rito ay kasama niya ang dalawang tinitingalang singer sa industriya na sina Regine at Gary.

Saad niya, “Nakakakaba parati, first of all, to perform outside my comfort zone kasi wala yung mga kabanda ko.

"'Tapos, kasama ko pa kayong dalawa [Regine Velasquez and Gary Valenciano]. Kahit sanay na ako makasama kayo sa judges’ [table sa Idol Philippines], iba pa rin yung performance. So, kinakabahan talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Regine, magaling si Chito kaya hindi niya siya dapat kabahan.

Kasunod nito ang tanong ni Regine kung ano ang pakiramdam ni Chito sa magandang feedback na natatanggap ng ikalawang season ng Idol PH.

Sagot ni Chito, “Thank you sa lahat ng nanonood sa show natin. I really enjoy what we are doing. Masaya sa magagandang comments, imposible namang ma-depress ka doon.

"We are very thankful when we do something 'tapos naa-appreciate ng mga tao. Lahat kami, [Regine Velasquez, Gary, Valenciano, Moira Dela Torre] nag-e-enjoy lang talaga kami sa taping."

Excited din si Chito sa mga susunod na mga episode ng nasabing singing competition.

"Sobrang excited talaga akong makita sila, kasi ang daming magagaling na I'm really looking forward kung paano sila maglalaban-laban sa mga susunod na rounds."

Sa huli ay inanyayahan ng tatlong Idol PH judges ang kanilang mga taga-subaybay na manood ngayong gabi, July 31, para sa pagsisimula ng mid-rounds.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Idol Philippines judges (L-R) Regine Velasquez, Chito Miranda, and Gary Valenciano took the ASAP Natin 'To stage on Sunday, July 31, 2022, with their mash-up of Parokya ni Edgar hits.
PHOTO/S: ASAP NATIN TO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results