Watch Now

Netizens react to Jane de Leon's first transformation as Darna

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 20, 2022
Darna
Jane de Leon takes flight as Darna for the first time on the August 19, 2022 episode.

Naganap na ang inaabangang transpormasyon ni Jane de Leon bilang Darna nitong Biyernes, August 19, 2022.

Sa latest episode ng Mars Ravelo's Darna, lumindol sa bayan nina Narda (Jane), kung saan isa siya sa mga emergency medical technician na rumesponde at tumulong sa pagsagip sa mga sugatan sa gumuhong gusali sa Nueva Esperanza.

Umakyat si Narda sa isang gumuhong pader upang sagipin ang isang sugatang lalaki nang bigla muling nag-aftershock, dahilan ng kanyang pagbasak sa ibaba.

Sa tulong ng aparisyon ng kanyang inang si Leonor (Iza Calzado), ipinaalala nito kay Narda ang kanyang responsibilidad na tumulong sa oras ng pangangailangan.

Read: Iza Calzado as Darna becomes hot topic; pilot episode gets 300K live viewers

Mula sa langit, bumagsak ang batong Martean, hudyat para isubo ito ni Narda at maging isang ganap na superhero na si Darna.

Kahit hindi pa umano siya handa, buong tapang na isinubo ni Narda ang bato sa paniniwala niyang "ang pinakamalaking kasalanan ay kapag may kakayahan kang tumulong pero wala ka namang ginawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa katawang tao niyang si Narda nag-transform siya sa pagiging isang superhero nang isubo niya ang bato at sumigaw ng "Darna."

NETIZENS' REACTION

Ito ang kauna-unahang pagkakataong ipakita ang hitsura ni Jane na nakasuot ng iconic costume ni Darna.

Kasabay nito ang pag-post ng ABS-CBN Entertainment ng official poster ng Darna: The TV Series sa kanilang mga social-media accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, maraming netizens ang napa-wow sa kanyang transpormasyon at sa anila'y bagong disenyo ng iconic costume ni Darna na bumagay raw kay Jane.

Sa Twitter, nag-trending kahapon, August 19, ang #LipadDarna, kung saan maraming netizens ang nagbigay ng saloobin tungkol sa mga bumabatikos kay Jane bilang bagong Darna.

Narito ang ilang mga komento:


Darna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Darna

Darna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Darna

Darna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Darna

Darna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Darna

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane de Leon takes flight as Darna for the first time on the August 19, 2022 episode.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results