PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miguel Tanfelix excited for Ysabel Ortega's first lead role

Miguel admits Ysabel has the qualities he's looking for in a woman.
by Rose Garcia
Published Aug 20, 2022
ysabel ortega miguel tanfelix gma gala night
Miguel Tanfelix on love team with Ysabel Ortega: "Palagay na ang loob ko sa kanya, comfortable na ako sa kanya. Gamay ko na siya, gamay na namin ang isa’t isa. Saka very open kami. Kapag may gusto kaming gawin, pinag-uusapan namin. Very mature ang pag-uusap namin sa career namin. And we make sure na hiwalay ang career sa personal life.”
PHOTO/S: Pau Guevarra

Mula sa BiGuel love team nila ni Bianca Umali, na tumagal ng apat na taon, mapapanood na ngayon ang Kapuso heartthrob na si Miguel Tanfelix na may bagong kapareha sa katauhan ni Ysabel Ortega.

Sina Miguel at Ysabel ang magkatambal sa romance drama na What We Could Be at sa inaabangang live-action remake ng beloved animé series na Voltes V: Legacy.

Ano ang nasa isip ni Miguel na nagsisimula na naman siya ng bagong love team?

“Well, unang-una, exciting para sa akin ang makatrabaho palagi ang bagong artista,” sagot ni Miguel nang makausap ng entertainment press, kabilang ang Philippine Entertainment Porta (PEP.ph), sa Zoom mediacon para sa What We Could Be kamakakilan.

Paliwanag pa niya, “Kasi, unang-una, marami akong matututunan sa kanila. Marami akong makikilalang bagong kaibigan.

"So, never kong nakita na 'love team na naman' or parang ayoko nang ma-love team.

“Feeling ko, magkaiba kasi ang love team namin ni Ysabel. Kasi, nag-start naman kami na kanya-kanya kaming career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, love team kami, pero may kanya-kanya kaming career. Yun ang ipinagkaiba.

"And yun ang gusto ko sa love team na ‘to. Hindi siya stereotype na love team na isa lang ang karerang pinupuntahan niyo.

“Meron kayong path para sa love team niyo and meron din kayong path individually.

"So, overall, exciting para sa akin ang love team na ‘to. Kasi, si Ysabel ang kasama ko.

"Palagay na ang loob ko sa kanya, comfortable na ako sa kanya. Gamay ko na siya, gamay na namin ang isa’t isa.

“Saka very open kami. Kapag may gusto kaming gawin, pinag-uusapan namin.

"Very mature ang pag-uusap namin sa career namin. And we make sure na hiwalay ang career sa personal life.”

EXCITED FOR YSABEL

Sobrang excited din daw si Miguel para kay Ysabel dahil ang What We Could Be ang first lead role nito sa isang teleserye. Ito ay kahit na nauna nilang gawin ang Voltes V: Legacy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Kasi nga po, bukod sa ito ang first lead role niya, kumbaga ito ang launch niya sa GMA.

"Yung tiwala ko po kay Ysabel, hindi po nawala ‘yan. Ever since na magkakilala kami, nagka-work kami sa Voltes V, nakakita ko ng malaking potential sa kanya.

“And hindi lang yung talent, yung pagiging mapagkumbaba niya. Isa po yun sa hinahanap kong traits kapag nakita ko po sa tao. Na kahit gaano sila kasikat, alam kong magiging humble pa rin po sila.”

Dagdag pa ni Miguel, “Naniniwala po ako sa talent ni Ysabel, sa kakayahan niya.”

Natanggap nina Miguel at Ysabel ang offer na pagbidahan ang What We Could Be, na unang collaboration sa pagitan ng GMA-7 at Quantum Films, habang ginagawa nila ang Voltes V.

Ang nangyari nga, mas una silang mapapanood sa What We Could Be simula sa August 29, 2022. Ang Voltes V: Legacy ay sa 2023 pa ipalalabas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Miguel, “Kapag nakakatanggap naman po ako ng bagong show, never nawawala ang excitement ko.

“Kumbaga, ibang-iba talaga ‘to sa Voltes V. Ang Voltes V, sci-fi, action. Hindi naka-focus sa love story yun.

“And noong malaman namin ni Ysabel na kami ang magkakasama for this show, na-excite kami, kasi mae-explore namin ang aspect ng pagiging love team naming dalawa.

"Na hindi namin masyadong nae-explore sa Voltes V. Kasi, naka-focus yun sa ibang story like family, war. So, ito, na-excite kami noong malaman namin kasi mag-a-adjust kami.”

Dahil sabay nilang ginagawa ang What We Could Be at Voltes V, halos araw-araw raw silang nagte-taping.

“Salitan siya,” sambit ni Miguel.

“Kung M-W-F ang Voltes V, T-Th-S ang What We Could Be.

"So, na-excite kami dahil sa challenge ng pagbabagu-bago ng looks every day at kailangan naming aralin.

“And of course, what’s exciting for me is maia-apply namin ang mga natutunan namin sa acting coach namin sa Voltes V... sa What We Could Be.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga usap-usapang higit pa sa pagiging magka-love team ang turingan nila sa isa’t isa. Diretsahang tinanong ng PEP.ph si Miguel kung nanliligaw pa lang ba kay Ysabel o may espesyal na ngang namamagitan sa kanila.

Sagot ng binata, “Honestly, kami ni Ysabel, very close kami ngayon. I think it’s inevitable kasi araw-araw kaming magkasama.

"And aaminin ko na yung mga traits na hinahanap ko sa babae, nakikita ko kay Ysabel. Yun muna."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix on love team with Ysabel Ortega: "Palagay na ang loob ko sa kanya, comfortable na ako sa kanya. Gamay ko na siya, gamay na namin ang isa’t isa. Saka very open kami. Kapag may gusto kaming gawin, pinag-uusapan namin. Very mature ang pag-uusap namin sa career namin. And we make sure na hiwalay ang career sa personal life.”
PHOTO/S: Pau Guevarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results