Laurice Guillen reveals pivotal moment in Apoy Sa Langit: "Lumakas yung viewership."

by Rommel Gonzales
Sep 2, 2022
Laurice Guillen
Laurice Guillen says Apoy Sa Langit is not just about pangangaliwa, but "different types of experiences ng babae."
PHOTO/S: @lauriceguillen on Instagram

Nilinaw mismo ni Laurice Guillen na ang Apoy Sa Langit ay hindi tungkol lamang sa pangangaliwa o pakikiapid, na siya ring tema ng 2106 serye ng direktor, ang Ika-6 Na Utos.

“Siguro dahil pamilyar na problema iyan, siguro marami talagang nangangaliwa, di ba?

"Pero that being said, actually, itong Apoy Sa Langit hindi lang naman tungkol sa kaliwaan, e."

Maaring naging misconception ito ng mga taong hindi naumpisahan ang serye.

Paliwanag ng batikang director, “Kung napanood mo mula sa simula, hindi iyon ang simula ng istorya, hindi sa kaliwaan nagsimula.

"Nagsimula sa pamilya na there was a crime, na because of that crime yung bata nagkaroon ng trauma.

"Marami siyang mga blank spaces in her mind. Si Ning yun paglaki.

“And then Gemma also, the trauma na parang her way of coping with it was parang ayaw niyang, marami siyang dinededma sa buhay niya.

“So hanggang sa nung pumasok ngayon yung lalaki na kung kanino siya na-in love hindi nakabukas, hindi siya masyadong aware dahil marami din siyang sinasara sa buhay niya para hindi niya makita, hindi niya nakita yung nakikita ng iba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Mikee Quintos ang gumanap bilang Ning Hidalgo, anak ng karakter ni Maricel Laxa na si Gemma.

Kasama rin sa serye sina Zoren Legaspi, na gumaganap bilang Cesar Monastrial, ang second husband ni Gemma, at si Lianne Valentin, na gumaganap bilang Stella Fernandez.

Sa halip na kaliwaan, ang tingin ni Direk Laurice na tema ng serye ay "different types of experiences ng babae."

Pagtuloy niya, “So ang mga tauhan dito, sa tingin ko, including si Stella na menor de edad pa nung sumama kay Cesar, so si Cesar naging kapatid, magulang, lover, friend, lahat.

“So it gives you different experiences, different types of experiences ng babae na siguro lahat tayo, may nakilala tayo sa buhay natin na ganyan. Kung hindi isa tayo dun sa mga tauhan na yun, di ba?

“Kaya that’s why I feel na nung umabot na sa ganung parte ng istorya marami nang umangkas kasi maraming may ganung karanasan sa buhay, maraming may ganung klase ng predicament na hindi nila alam kung paano takasan yun, kung paano makaalis dun sa situwasyon na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

direk laurice on viewers' reactions

Samantala, napansin ni Direk Laurice na "somewhere in the middle, our ratings started to go up."

Dahil sa dami ng nagsasabing na-hook sila sa serye, binabasa rin daw niya ang mga comments, lalo na ang mga natatanggap nila sa live streaming.

Aniya, “Binabasa ko lahat at ang pinaka-ano, bakit parating natatalo yung mabuti, nananalo yung masama, kailan ba magkakaroon ng hustisya, and so on.

“Na iniisip ko rin naman, siyempre hindi ko sasagutin, pero dumating ang hustisya, e, di wala na, tapos na ang istorya."

Sa tingin ng direktor ay may pivotal moment ang show kung saan tumaas ang viewership at ratings.

“Pero ang laking bagay, talagang lumakas ang show, lumakas yung viewership, lalo na nung malaman na ni Gemma ang tunay na sitwasyon talaga sa buhay niya, na niloloko siya ng asawa and all the shocking things na sobrang shocking sa isang babaeng katulad niya na sheltered, lumaki na may moral values and so on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So akala natin dun na nagtapos dahil tungkol sa kaliwaan ang istorya, pero hindi tungkol doon ang istorya,” pagdidiin ni Laurice.

May tema ring mental health ang serye.

Pagtuloy niya, “Because may mga sinabi si Mikee noon and also Lianne tungkol sa mga mental issues ng babae.

"Hindi natin alam sa ating paligid, kung hindi man sa atin nangyayari, we are undergoing a lot of trauma, we are dealing with problems like that. And we’re dealing with, even in our families, we’re dealing with mental issues.

“So ganun, nakikita mo lalo na itong mga panahon na ito na medyo nagdi-disintegrate, parang nakikita mo ng unti-unting nagiging marupok yung mga buhay-buhay na kanilang pinuproteksiyunan."

Tinitiyak ng direktor sa mga fans na naghahanap ng hustisya na darating naman ito.

“Pero darating siya in such a way that is when the women come together to protect one another against the enemy.

“So darating siya in a way that you do not expect!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Because doon makikita mo na talaga ang totoong katauhan ni Cesar. Akala mo alam mo na, pero dito he becomes really the sociopath that he is from the beginning pero tinatagu-tago lang.

“At ang hustisya na hindi mo inaasahan. So I mean there is a lot to look forward to, sana huwag tayong mag-stay lang dun sa conflict ng kaliwaan kasi hindi iyon ang buong istorya, meron talagang pinupuntahan na mas grabe."

Kung si Direk Laurice ang tatanungin, nais ba niyang magkaroon ng Book 2 ang Apoy Sa Langit?

“Well, you know, it’s not up to me.

"But it can easily have a Book 2 and a Book 3, you know because sundan mo lang ang mga issues.

"And we have very good writers. We have a very good headwriter in J-mee Katanyag, ang husay-husay nang pagkakasulat, you know.

"So we can easily have another book, but then that’s not up to us. It’s not up to us.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Laurice noong Lunes, August 22, 2022, sa Zoom presscon na ipinatawag para sa finale week ng Apoy Sa Langit.

Eere ang huling episode ng Apoy Sa Langit sa Sabado, September 3, 2022, sa GMA-7.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Laurice Guillen says Apoy Sa Langit is not just about pangangaliwa, but "different types of experiences ng babae."
PHOTO/S: @lauriceguillen on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results