Ginulantang ni Janella Salvador ang mga netizens sa unang paglabas niya sa Mars Ravelo's Darna bilang si Valentina.
Sa episode ng Darna noong Huwebes, September 1, 2022, unang nakita ang inaabangang transpormasyon ng karakter ni Regina Vanguardia (Janella) bilang si Valentina—ang mortal na kaaway ng bidang si Darna (Jane de Leon).
Read: Netizens react to Jane de Leon's first transformation as Darna
Sa Twitter ay umani ng papuri ang unang patikim ni Janella bilang Valentina. Bagamat hindi pa umano finale ang ipinasilip na costume, bumuhos ang komento at paghanga ng mga fans sa anila'y kakaibang hitsura ni Valentina dahil sa head dress nitong punung-puno ng ahas.
Marami rin ang pumuri sa aktres sa pag-arte nito lalo na't isa raw ang kanyang karakter sa kaabang-abang sa nasabing teleserye.
Narito ang ilang mga komento:







Agad nakarating ang mga comments kay Janella at nag-tweet ito tungkol sa kanyang Valentina outfit.
Saad niya, “Special announcement for the vadengs: That wasn’t V’s final costume. Don’t worry. We gotchu."
Ikinatuwa naman ito ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil mayroon pa palang pasabog na aabangan sa kanyang hitsura bilang si Valentina.
"Omg tama behaviour, may pa costume reveal pa in the coming episodes." - @darnarchieves
"Excited to see your full costume." - @Its_CrisRainer
"Bagay na bagay maging valentina .galing talaga pumili ng abs cbn galing mo din miss janella ay valentina pala sabi mo kanina eh di ka si regina ikaw si VALENTINA." - @liNapicol
"Hahahahahahahahahaha nakaka excite. Pwedeng upload na lahat ng episode? Hinihila ko na ang oras pag nasa work na sana 5PM na." - @balderama_pj
