Amy Perez calmly continues spiels on morning program amid fire alarm

by Arniel C. Serato
Sep 6, 2022
Amy Perez grace under fire
Amy Perez keeps her cool and continues to deliver her spiels amid smoke alarm sounded at ABS-CBN studios.
PHOTO/S: Courtesy: @jeffcanoy on Instagram

Hinangaan ng netizens ang TV host na si Amy Perez dahil hindi ito nagpatinag sa kanyang trabaho kahit pinatunog na ang fire alarm sa ABS-CBN building.

Habang ini-intro ni Amy ang isang balita sa programa nilang Sakto sa TeleRadyo, biglang tumunog ang fire alarm sa studio bandang 7:03 ng umaga ngayong Martes, September 6, 2022.

Sa post ng co-host niyang si Jeff Canoy, humingi ito ng dispensa dahil kaagad silang nagpaalam sa ere dahil sa sunog.

Saad ni Jeff, “Sorry guys, we had to cut our morning news show earlier. Had to evacuate after smoke alarms went off at the ABS-CBN main building.

“Thanks for the kind messages. We’re all okay. And heading back to work.”

Sunod naman niyang sinaluduhan si Amy na itinuloy at tinapos ang nakaatang na spiels saka ito nag-cue ng commercial bago sila lumisan sa studio.

Dagdag pa ni Jeff, “Here’s Tyang @amypcastillo trying to get through a news item before we had to evacuate. Fighting!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa video, nakangiti lang si Amy kahit na naririnig na ang smoke alarm.

Tanong pa niya sa gitna ng kanyang spiel: “Ano ba yang alarm na naririnig natin? O, mamaya. Recess na?”

Sa kabila nito ay idiniretso pa rin niya ang pagbabalita.

View this post on Instagram

A post shared by Jeff Canoy (@jeffcanoy)

Sa comments section, humanga ang netizens sa pagiging professional ni Amy sa kanyang trabaho.

Amy Perez professional

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagsabi namang literal na ipinakita ni Amy ang “grace under fire.”

Amy Perez grace under fire

Saad naman ng isa, “Congratulations Tsang @amypcastillo for keeping calm even though feeling ko deep inside gusto nyo na pong mag Darna para makalabas ng studio, good to hear everyone's okay”

Amy Perez keeps her calm amid fire alarm

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon ng sunog sa isang bahagi ng ABS-CBN compound kaninang umaga na naging dahilan upang matigil ang lahat ng live programs ng istasyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amy Perez keeps her cool and continues to deliver her spiels amid smoke alarm sounded at ABS-CBN studios.
PHOTO/S: Courtesy: @jeffcanoy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results