Apoy Sa Langit fires up the ratings chart on its finale

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 8, 2022
Apoy sa Langit finale
Apoy Sa Langit ended with a bang as its finale episode on September 3, 2022 got 10% rating and 4 million livestream views on Facebook.
PHOTO/S: GMA DRAMA INSTAGRAM

Umariba at umani ng mataas na ratings ang finale ng Kapuso afternoon prime drama series na Apoy Sa Langit.

Noong September 3, 2022, napanood ang pagtatapos ng kuwento nina Cesar Monastrial (Zoren Legaspi), Gemma (Maricel Laxa), Ning Hidalgo (Mikee Quintos), at Stella Fernandez (Lianne Valentin).

Ayon sa AGB Nielsen NUTAM, nagtala ng 10% rating ang Kapuso series. Mas mataas ito kumpara sa katapat nitong It's Showtime sa Kapamilya channel na mayroon lamang 2.7%.

Nakakuha rin ng four million views ang livestream ng Apoy Sa Langit sa Facebook.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post noong September 4, 2022, nagpasalamat ang GMA Drama sa lahat ng sumubaybay at tumangkilik sa Apoy Sa Langit.

Ang sabi sa caption, "Mula simula, hanggang sa pagwakas, nariyan kayo, Kapuso! Maraming maraming salamat sa mainit na pagtanggap, pagmamahal at suporta sa #ApoySaLangit!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala ang direktor ng serye na si Laurice Guillen na ang tagumpay ng Apoy Sa Langit ay dahil sa makabuluhang kuwento nito na tumatalakay sa maraming aspeto ng buhay ng tao.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Laurice noong August 22, sa Zoom presscon na ipinatawag para sa finale week ng serye, nilinaw ng direktor na hindi lamang tungkol sa pangangaliwa o pakikiapid ang kuwento ng serye.

Tinatalakay din dito ang iba't ibang problema ng ating lipunan, kabilang na ang mental health.

Read: Laurice Guillen reveals pivotal moment in Apoy Sa Langit: "Lumakas yung viewership."

Saad niya, "Hindi natin alam sa ating paligid, kung hindi man sa atin nangyayari, we are undergoing a lot of trauma, we are dealing with problems like that. And we’re dealing with, even in our families, we’re dealing with mental issues.

“So ganun, nakikita mo lalo na itong mga panahon na ito na medyo nagdi-disintegrate, parang nakikita mo ng unti-unting nagiging marupok yung mga buhay-buhay na kanilang pinuproteksiyunan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"LIFE IS FULL OF SURPRISES"

Samantala, halos hindi makapaniwala si Lianne Valentin, o mas kilala bilang Stella sa Apoy Sa Langit, sa nakuhang rating at papuri mula sa mga tagasubaybay ng serye.

Sa panayam ni PEP.ph contributor Rommel Gonzales kay Lianne, ibinahagi ng aktres ang kanyang pasasalamat at pangarap ni Direk Laurice na ngayon ay naisakatuparan na.

Kuwento niya, "Naku maraming, maraming salamat po, very happy po kaming buong cast ng Apoy Sa Langit and ako personally.

"Actually ang nagkuwento sa amin si Direk Laurice na parang it's her dream na sana mag-two digits yung Apoy Sa Langit.

"Pero nung bandang patapos na, parang medyo, 'Okay, baka hindi na possible.'

"Pero yun nga life is full of surprises. And we're very shocked and happy noong nalaman namin na nag-ten kami sa rating ng Apoy Sa Langit."

Bukod kina Lianne, Zoren, Maricel, at Mikee, kabilang din sa cast ng Apoy Sa Langit sina Mariz Ricketts (Blessie), Carlos Siguion-Reyna (Edong), Dave Bornea (Tony), Coleen Paz (Patring), Celine Fajardo (Iyah), Patricia Ismael (Lucy), at Mio Maranan (Toto).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Apoy Sa Langit ended with a bang as its finale episode on September 3, 2022 got 10% rating and 4 million livestream views on Facebook.
PHOTO/S: GMA DRAMA INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results