Anthony Taberna grateful to ALLTV for second chance on television

by Arniel C. Serato
Sep 8, 2022
Anthony Taberna 30 years broadcast industry
Broadcaster Anthony Taberna (center) signed ecxclusive contract with ALLTV last September 6, 2022 together with his wife Rossel Taberna (left) and AMBS 2 President Maribeth Tolentino.
PHOTO/S: Courtesy: ALLTV on Facebook

Ipinagdiriwang ng batikang broadcaster na si Anthony Taberna ang kanyang ika-30 anibersaryo sa larangan ng pagbabalita at komentaryo ngayong Huwebes, September 8, 2022.

Sa kanyang social media accounts, pabirong binati ni Anthony ang kanyang sarili.

Dito ay inisa-isa rin niya kung bakit masuwerte sa kanya ang number “2.”

Mensahe ng Dos Por Dos host, “Binabati ko lang ang sarili ko ng Happy 30th Anniversary sa larangan ng pamamahayag.

“Naalala ko pa, 17 years old ako nung nagsimula akong maging news writer sa radio station DZEC habang nag-aaral ako ng Mass Communications sa New Era University.

“'Pinirata' ng DZMM noong 1997 at nirelease ng ABSCBN noong July 2020."

Ang tinutukoy ni Anthony na "nirelease" ay ang pamamaalam nila ng co-host na si Gerry Baja sa DZMM noong August 2020.

Read: Anthony Taberna documents last day with Gerry Baja on DZMM

Dagdag pa niya, "Minessage ako nung isang araw ng aking kaibigang si Gil Cabacungan para sabihing suwerte raw ako sa number 2. Sige Boss GilCab, pagbibigyan kita. Limiin nating mabuti [thumbs up emojis]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“*Nagsimula ako sa DZEC noong 1992

“*Nagsimula ako sa DZMM noong 22 y/o ako

“*Nabuo ang tambalang DosPordos (2x2)

“*Naalis sa Dos after 22 years in service

“*Naging 2 hours ang DosPordos sa DZRH on our 2nd Year sa kumpanya

“*At ngayong 2022, pumirma ng kontrata sa AMBS Channel 2.

"Mabuti na lang at wala akong number 2 dahil siguradong gulpi ako sa Number 1! [laughing in tears emojis]”

Nagpasalamat si Anthony sa pamunuan ng ALLTV (AMBS 2), lalo na kay dating Senate President na si Manny Villar, sa pagkakataong makabalik siya sa free-TV.

Aniya, “Anyway, maraming salamat sa aking bagong pamilya sa All TV dahil sa pagtanggap sa akin bilang bagong miyembro ng inyong pamilya.

“Thank you Mr. Chairman Manny Villar, AMBS President Maribeth Tolentino at sa tahimik lang pero sumisigaw ang gawa, Sen. Mark Villar! Ayooown!

“Sa mga naniniwala sa amin, heto ang 2nd chance ko sa TV!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong nakaraang September 6 lamang pumirma ng network contract si Anthony sa ALLTV.

Read: Former ABS-CBN broadcaster Anthony Taberna inks contract with ALLTV

Sa September 13 na magsisimula sa kanilang regular programming ang istasyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Broadcaster Anthony Taberna (center) signed ecxclusive contract with ALLTV last September 6, 2022 together with his wife Rossel Taberna (left) and AMBS 2 President Maribeth Tolentino.
PHOTO/S: Courtesy: ALLTV on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results