"Monarch" star Inigo Pascual on meeting Hollywood celebs: "Kalma lang, di ka pwede fanboy dito."

by Rachelle Siazon
Sep 13, 2022
Inigo Pascual
Inigo Pascual on landing a role in the Hollywood series Monarch: "Andami akong beses na na-humble sa pinagdaanan ko before. Just because of what you have in the Philippines, it doesn't define who you are in a bigger stage. Sobrang amazing experience." Seen with Inigo on the right photo is his love interest in Monarch Emma Milani.
PHOTO/S: Noel Orsal / Screengrab from The Monarch

Surreal pa rin para kay Inigo Pascual na napabilang siya sa American musical drama series na Monarch.

Nagsimulang umere ang Monarch sa Fox Channel noong September 11, 2022, at iWantTFC noong September 13.

Na-shoot iyon sa Atlanta, Georgia.

Read: Inigo Pascual recounts how he got his big break in Hollywood TV series, Monarch

Sobrang na-enjoy raw niya katrabaho ang co-stars na sina Academy Award-winner Susan Sarandon (Deadman Walking), Golden Globe nominee Anna Friel (Pushing Daisies), at Emma Milani (Solve).

Si Emma ang gumanap na love interest ni Inigo sa kuwento.

Saad ng Filipino actor-singer, "She plays as my girlfriend on this show. Working with her on this project, I was able to introduce her to a lot of Filipino culture including love teams.

"It surprises me that American culture and other cultures are not as attached to love teams as they are in the Philippines.

"It was nice to introduce her to that actually kasi siyempre, with Filipino supporters, it would most likely be a thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And off the bat, I just had to explain to her the pros and cons of it. I wanted her to be aware with what could happen potentially with it.

"Like any other artist out there, we're grateful for whatever we're given."

Anna Friel at Monarch

Pero kung siya ang tatanungin, "Whatever happens, happens, whatever blossoms, will blossom. I guess, let's break that stereotype."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa kanyang co-stars, nakahalubilo ni Inigo ang iba pang Hollywood stars sa social functions na nadaluhan ng cast ng show.

"A lot of projects are being filmed in Atlanta and meron kaming parang mga Halloween event.

"Andami namin kasama na puro artista—si Nina Dobrev, I've been a fan of her since Vampire Diaries.

"Kasama namin si Adam Levine. Andami kong beses na, 'Kalma lang, di ka puwede fanboy dito.'"

Susan Sarandon at Monarch

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

EMOTIONAL OVER "AMAZING" SHOOTING EXPERIENCE

Puno ng pasasalamat si Inigo dahil maituturing na Pinoy pride ang pagkakasama niya sa isang Hollywood series lalo pa't isa siya sa main cast ng Monarch.

Gumaganap siyang Ace Grayson, ang adopted son ni Nicky (Friel) mula sa Pilipinas.

Ani Inigo: "Andami akong beses na na-humble sa pinagdaanan ko before. Just because of what you have in the Philippines, it doesn't define who you are in a bigger stage.

"Sobrang amazing experience. It makes you realize, yung mga pangarap mo, di naka-box sa iisang lugar."

Wala raw siyang expectations nang mag-shoot siya ng series sa Atlanta.

"Siyempre unang araw ko sa set, unang takot ko wala akong road manager, wala akong handler na sasama sa akin.

"Hindi ko alam kung saan tatambay, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nahihiya ako magtanong.

"After they did my makeup, nandun lang ako, nakaupo lang ako sa makeup trailer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hanggang sa I needed to use the restroom, 'Excuse me, where is the restroom?'
Sabi sa akin ng mga nagme-makeup, 'Why don't you use the restroom in your trailer?'"

Sa dami ng trailer sa set, inisa-isa raw ni Iñigo para makita kung saan ang para sa kanya.

Hindi raw niya napigilang maging emosyunal nang makita ang trailer niyang may nakapaskil na pangalan ng kanyang karakter.

"And then I entered the trailer, umiyak ako siyempre. Kasi di ko in-expect na I would have my own trailer.

"Inisip ko siguro meron kaming shared standby area sa other stars that aren't there yet."

Pero base sa karanasan niya, siniguro raw ng produksiyon na maging kumportable ang cast ng Monarch dahil may sarili rin daw siyang upuan sa set na nakapangalan sa kanya.

Dagdag niya, "In a way, VIP treatment. Pick-up from the airport tapos naka-luxury car.

"'Hala, big time, sinundo kami sa bahay papunta sa airport tapos galing sa airport papunta sa hotel.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"A lot of things na, in a way, when you experience it, parang, 'Bakit ako?'

"Kasi siyempre, starting from nothing, hindi ko ilalagay kung anong meron ako sa Pilipinas dito."

INIGO ON SIMILARITIES WITH HIS ROLE

Malapit din kay Iñigo ang kanyang debut project sa Hollywood dahil nakaka-relate siya sa kanyang role.

Tulad ng inner struggles ng character niya bilang adopted son, alam daw niya ang pakiramdam na hindi alam kung saan lulugar.

Tumira si Inigo sa U.S. mula noong siya ay 8 to 17 years old kasama ng kanya ina.

Taong 2014 nang malunsad siya sa pelikulang Relaks It's Just Pag-ibig, at taong 2015 hanggang sa kasalukuyan ay mainstay siya ng Kapamilya musical-variety show na ASAP Natin 'To.

"One is moving to the Philippines, wherein all of a sudden I am Piolo's son. All of a sudden I have to be this actor, that you had no training whatsover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I lived a normal childhood in America. I feel like all my life I've always had to be challenged with that.

"Paano ko ba malulugar ko sarili ko sa posisyon ko? Na parang akala nila expected na porke't anak ka ni Piolo, alam mo na dapat kung ano kailangan mo gawin.

"And a lot of times, I had to learn through the experiences that I go through."

AUDITIONING FOR OTHER HOLLYWOOD PROJECTS

Sa huli, ibinahagi ni Inigo na kung papalarin ay nais niyang ipagpatuloy ang karera sa Hollywood scene.

"I'm currently auditioning for a couple of stuff. I've been sending my self-tapes.

"It feels good kasi marami akong kaibigan from the Philippines sending their self-tapes in Hollywood."

Pero prayoridad pa rin daw niya ang Monarch.

Sabi niya, "Di lang ako puwede ma-lockdown sa isang long-term project.

"We're still waiting if w'ere gonna continue with Season 2 [of The Monarch]. But of course, we're asking for your support. Sana magkaroon ng Season 2."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inigo Pascual on landing a role in the Hollywood series Monarch: "Andami akong beses na na-humble sa pinagdaanan ko before. Just because of what you have in the Philippines, it doesn't define who you are in a bigger stage. Sobrang amazing experience." Seen with Inigo on the right photo is his love interest in Monarch Emma Milani.
PHOTO/S: Noel Orsal / Screengrab from The Monarch
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results