Beauty Gonzalez says family life not a hindrance to having a successful career

by Rose Garcia
Sep 16, 2022
Beauty Gonzalez
Beauty Gonzalez on beating stereotypes about being a lead actress in showbiz: "Yung pagkabuntis ko, naging challenge ko talaga na I want to prove to everyone na even if you’re happily married and you have a kid, I can still go back and have a good career."
PHOTO/S: Sany Chua / Rose Garcia

Isa ang Kapuso actress na si Beauty Gonzalez sa mga artistang lalong nag-bloom ang ganda at mas sumeksi nang mag-asawa at magkaroon ng anak.

Naniniwala si Beauty na walang dahilan para hindi patuloy na magpaganda sa panloob at panlabas na kaanyuan.

“Of course, hindi puwede,” sabi niya.

“It’s really important that you feel good about yourself. Paggising mo sa umaga, happy ka, you’re healthy and you're fit. Para tuluy-tuloy ang mga pangarap mo sa buhay.”

Dugtong pa ni Beauty, “Of course, ang dami ngayong mga bagong artista. And you have to keep up, not only you have the talent but to keep up the looks.

"You have the responsibility to be beautiful inside and out. Kailangan talaga para sa longevity ng career mo sa business."

Naging pahayag ito ni Beauty sa contract signing niya sa Luxent Hotel bilang pinakabagong celebrity endorser ng BeatéHaus, ang major beauté clinic sa Angeles City, Pampanga, at magkakaroon na rin ng satellite clinic sa Metro Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON JUGGLING HER CAREER AND FAMILY LIFE

Aminado si Beauty na papaangat pa lang ang kanyang showbiz career nang mabuntis siya noong 2015 at manganak noong February 2016.

Ikinasal sila ng painter-boyfriend niyang si Norman Crisologo noong May 2017.

Pero, hindi raw niya hinayaan na dahil sa kasal at may anak na siya, doon na rin magtatapos ang kanyang career at malilimitahan na ang roles na puwede niyang gawin.

Balik-tanaw niya, “Nangyari sa akin before when I got pregnant, paakyat na ang career ko noon and I got pregnant.

"Yung pagkabuntis ko, naging challenge ko talaga na I want to prove to everyone na even if you’re happily married and you have a kid, I can still go back and have a good career.

“And I thank God, I think, I’ve proved it to everyone na ‘eto, I’m here and I’m still doing what I love. I’m happily married and I have a beautiful daughter waiting for me at home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It was a challenge to prove to everyone that I can still balance my life.”

Bida si Beauty sa mga ABS-CBN teleserye na Pusong Ligaw (2017-2018) at Kadenang Ginto (2018-2020).

Ppaglipat niya sa GMA-7 ay lead roles din ang nakuha niya sa mga teleseryeng Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette (2021) at The Fake Life (2022).

ON HER BEAUTY ROUTINES

Sa isang banda, naniniwala si Beauty sa natural na pagpapaganda, pero wala rin problema sa kanya kung kailangan ng enhancement mula sa mga dermatology experts.

“As much as possible, if I can do it in a natural way, why not? And if I need a little help from my fairy godmothers, I’m open for it.”

Pero dugtong niya, “Not to the extent na nagbago na ang hitsura ko. Baka pagbalik ko, 'Sino ka?' Konting adjustment lang and not yung hindi na ako makikilala.

“I think, wala namang masama kung may konting tulong sa mga experts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And yun nga, I want to prove to everyone that even if you’re happily married, you can still do any roles. Mapa-bata man ang partner ko, like I did a role in GMA na bagets and partner ko and it did well.”

Ang tinutukoy ni Beauty ay ang ginawa niyang teleserye sa GMA-7 na Loving Miss Bridgette at ang naging leading man niya ay si Kelvin Miranda.

Diin niya, “I mean, I can do any roles, so that’s my goal talaga.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty Gonzalez on beating stereotypes about being a lead actress in showbiz: "Yung pagkabuntis ko, naging challenge ko talaga na I want to prove to everyone na even if you’re happily married and you have a kid, I can still go back and have a good career."
PHOTO/S: Sany Chua / Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results