Dra. Vicki Belo weighs in on Xilhouete's impersonation of her in Drag Race Philippines

by Bernie V. Franco
Sep 17, 2022
dra vicki belo
Dra. Vicki Belo (right) was impersonated by Xilhouete (left) in the "Snatch Game" episode of Drag Race Philippines. For her impressive impersonation and runway performance, Xilhouete was declared the winner and received a Ru badge.
PHOTO/S: Drag Race Philippines / @viktoria_belo

Nag-react si Dra. Vicki Belo sa panggagaya sa kanya ng isang contestant sa reality-based TV show na Drag Race Philippines.

Sa "Snatch Game" episode ng kilalang drag-race TV program na ipinalabas noong Miyerkules, September 14, 2022, ang challenge sa contestants ay gayahin ang mga sikat na personalidad.

Kailangan ding mapatawa ng drag contestants ang judges sa pamamagitan ng kanilang impersonation at mga sagot sa questions.

Viral sa social media ang panggagaya ng contestant na si Xilhouete kay Dra. Belo.

Ang skit ni Xilhouete ay makakalimutin na ito at hindi na naigagalaw ang mukha dahil sa dami ng “medications at injections.”

Ang katuwaang ito ay ginagatungan pa ng fellow contestants at maging ng host ng HBO Philippines program na si Paolo Ballesteros.

Dahil sa kanyang impersonation at runway performance, si Xilhoute ang nag-top sa naturang episode at nakakuha ng Ru Badge.

DRA. BELO REACTS

Nag-post sa kanyang social media accounts si Dra. Belo bilang reaksiyon sa panggagaya sa kanya ni Xilhouete sa Drag Race Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption ng celebrity doctor sa post: “Ang funny, right? [laughing emoji] congrats Xilhouete on your ru badge and so glad it was with me.”

May statement din si Dra. Belo sa short video na ipinost niya.

Inamin nitong mixed emotions siya, pero pinipili na lang niyang magpakapositibo.

Sabi niya, “Okay, guys, that was really funny.

“I don’t know whether to be angry or flattered.

“But I will choose flattered because I know you have to be famous to be impersonated.

“Congratulations, Xilhouete, for winning and for impersonating me very well.”

Bago matapos ang video ay may hirit pa ang doktor.

“By the way, guys, I can move, ha?” sabi nito, at iginalaw ang kanyang mukha at kumindat, na reaksiyon sa ginawang impersonation sa kanya sa Drag Race PH.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PAOLO, NETIZENS REACT

Nag-iwan naman ng comment si Paolo sa post ni Dra. Belo.

“Labyu doc!” komento ni Paolo na may kasama pang positibong emojis.

Ang mga netizen, nagpasalamat sa cosmetic doctor sa pagiging “sport” nito.

paulo ballesteros comment

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comments

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dra. Vicki Belo (right) was impersonated by Xilhouete (left) in the "Snatch Game" episode of Drag Race Philippines. For her impressive impersonation and runway performance, Xilhouete was declared the winner and received a Ru badge.
PHOTO/S: Drag Race Philippines / @viktoria_belo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results