Gina Alajar admits getting nervous about her role in Start-Up PH

by Rose Garcia
Sep 17, 2022
gina alajar glamour
Gina Alajar on her role as Lola Joy in Start-up PH: "Will I be able to do the same? Will I be able to give the heart? Kahit hindi ko siya gayahin, ganun kaya ang mangyayari? Yun kaya ang mako-contribute ko sa show? Will I be the heart of the show?"
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa larangan ng pag-arte, ang pangalang Gina Alajar ay siguradong hindi mawawala sa listahan ng mga kinikilalang mahusay na aktres sa Pilipinas.

Sa loob ng mahigit limang dekada, napatunayan ni Gina ang kanyang husay hindi lamang sa pag-arte kundi bilang direktor din.

Kaya nakagugulat nang ipagtapat niyang may kaba siyang naramdaman sa pagganap bilang Lola Joy sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Start-Up PH.

Ang Start-Up PH ay ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Start-Up na ipinalabas sa Netflix noong 2020.

Pahayag ng veteran actress, “I must admit, nahirapan ako noong una. I saw the K-drama, 2020 pa. So, sabi ko, medyo natatandaan ko pa naman, pero sabi ko, sana hindi ko muna panoorin para hindi maano ang isip ko.”

Noong nagte-taping na sila, pinanood daw niyang muli ang original Korean version ng Start-Up, at doon na raw siya nagsimulang kabahan.

“Medyo kinabahan ako,” nakangiting pag-amin ni Gina sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In fact, I approached Ms. Mona Costales [production head] and I said, 'Ms. Mona, puwede bang ma-reshoot ang ibang mga eksena, kasi parang may mali ako? Parang may mali ako sa mga dapat na reaction or dapat na iniisip or saan manggagaling si Lola Joy.'

“And then, sabi ni Ms. Mona, 'I’ll check and we’ll see what we can do.'

"And I talked to our director also, Direk Jerry Sineneng, na baka naman pupuwede. But Direk Jerry assured me na, 'Huwag kang mag-alala. Kung hindi naman tama, ipapaulit ko sa inyo.'

“But he feels na tama naman ang mga ginagawa ko. Sabi niya, 'You just trust me and believe me na kapag may mali kang ginagawa, I will tell you.'

"So, nagkaroon ako ng confidence nang konti sa sarili ko."

Napagtanto rin daw ni Gina na posibleng nata-trap siya sa orihinal na aktres na gumanap sa role, si Kim Hae Sook bilang si Mrs. Choi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Napakagaling naman talaga pero, no, dapat mag-iba ka. Kung ano ang nararamdaman ni Lola Joy sa eksena, yun ang gawin ko. My intuition will not let me down.”

Sinang-ayunan ni Gina nang sabihin naming may ideya kami kung saan nanggagaling ang kaba niya. Ngayon lang kasi namin siya naringgan na nagsabing kinakabahan dahil sa pagganap sa isang karakter.

Posibleng ito ay dahil adaptation ang Start-Up PH ng isang well-loved K-drama. Bukod dito, ang role niya bilang si Lola Joy ang isa sa pinakaminahal na karakter at masasabing puso ng kuwento.

“True! Tamang-tama, you hit the point,” bulalas niya.

“Kasi, there can be comparison, lalung-lalo na sa mga nakapanood.

"Tama ka, well-loved si Mrs. Choi. At parang marami ang nagsasabi nga na siya ang buhay ng Start-Up, puso ng Start-Up.

“So, the question will come from there: Will I be able to do the same? Will I be able to give the heart?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit hindi ko siya gayahin, ganun kaya ang mangyayari? Yun kaya ang mako-contribute ko sa show? Will I be the heart of the show?"

THE PHILIPPINE VERSION

Sa September 26, 2022 na ang world premiere ng Start-Up Ph sa GMA-7. Tampok dito sina Alden Richards, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, at Bea Alonzo.

Ano ang mga nakikita ni Gina na talagang dapat abangan ng mga manonood dito?

Tugon ng actress-director, “Well, as an audience, I really love Start-Up the original. I’m sure marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi nakakapanood, walang access sa Netflix.

“Pero, the production of Start-Up PH tried very hard to be at par with the production of the original. Hindi ko pa nakikita ang kabuuan, pero nakita ko nga ang trailer, and I’m, 'Woah!'

"Kasi, I saw the original so, wow! Ang galing naman ng mga directors namin, di ba?

“Nakakabusog visually at hindi naman magpapahuli visually. Pati yung looks ng drama, parang bago sa mata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Gina, “The tandem of Bea and Alden is something to look forward to. Ewan ko, kasi ako, kinikilig kapag kaeksena ko silang dalawa.

“And they have those sweet moments. Talagang ako, nag-o-observe lang ako and tinatanong ko ang sarili ko, ‘Kinikilig ba ako sa kanila?’ You know, ang sagot, ‘Oo! Kinikilig ako sa kanila.'

“Nahihiya lang akong mag-joke. Nahihiya lang akong mag-joke sa kanila in respect to Bea’s boyfriend, si Dominic Roque, na mahal na mahal ko rin na bata. But, you know, they have good chemistry.

“Bea and Alden, they have very good chemistry. So, yung joke ko, I just kept it to myself. But, yes, kinikilig ako sa kanilang dalawa.”

Sabi pa niya, “What else to look forward, Lola Joy and other cast. There’s so many good actors in the show.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gina Alajar on her role as Lola Joy in Start-up PH: "Will I be able to do the same? Will I be able to give the heart? Kahit hindi ko siya gayahin, ganun kaya ang mangyayari? Yun kaya ang mako-contribute ko sa show? Will I be the heart of the show?"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results