Willie Revillame to celebrities sending feelers about joining ALLTV: “We will have a meeting with you.”

by Bernie V. Franco
Sep 17, 2022
willie revillame
Willie Revillame to critics of ALLTV: “Mahirap magpuna ng pagkakamali ng kapwa mo. Tingnan mo muna ang sarili mo.”
PHOTO/S: YouTube (Wowowin)

Humingi ng pasensiya si Willie Revillame sa mga artistang nakikipag-ugnayan sa kanya at nais magtrabaho sa bagong ALLTV station.

Ang ALLTV ang TV station ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pagmamay-ari ng business tycoon na si Manny Villar.

Si Willie ay talent at consultant ng bagong tatag na television station.

Nitong mga nakalipas na araw, unti-unting nabubunyag ang mga detalye tungkol sa nalalapit na official launching ng bagong TV network sa 2023.

Pagdating sa mga artista, tiyak nang kabilang sa network si Willie.

Pumirma na rin ng kontrata sina Toni Gonzaga, Ciara Sotto, Anthony Taberna, at Mariel Rodriguez .

Sa episode ng Wowowin: Tutok To Win nitong Biyernes, September 16, 2022, nagbahagi ng iba pang detalye si Willie.

Aniya, “Nagmi-meeting na sila kung ano ang mga programang ipapalabas sa ALLTV. Inaayos na ang concepts.

“Meron nang mga artistang makakasama, may daily show. Tatlong magagaling na hosts, may parenting, friendship, at cooking...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiniyak ni Willie na pagsapit ng 2023, mas palalakasin nila ang bagong TV station at mas marami pang programa ang ilulunsad.

Sabi pa ni Willie, isang noontime show ang niluluto nila. Mapapanood din sa ALLTV ang kanyang game show at magkakaroon din ng news programs.

CELEBRITIES INTERESTED TO JOIN AMBS

Naibahagi ni Willie na may mga artistang tumatawag sa kanila dahil interesadong magtrabaho sa ALLTV.

Ani Willie, “Sa lahat ng mga… well, alam ko tumatawag na yung ibang artista na gustong mag-join.

“We will have a meeting with you… everyone [kung] talagang desidido kayo."

Humingi naman siya ng pasensiya kung natatagalan man sila magbigay ng feedback.

“Pasensiya na kayo. We’re just starting, hindi kami masyadong nagmamadali," sabi ng veteran TV host.

“Dahan-dahan itong inaayos. We have Ka Tunying Anthony Taberna, magkakaroon siya ng programa dito every Saturday.

“We have Ciara Sotto, we have Mariel already, and of course, we have Toni Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, may mga artista hong medyo kinakausap at nakikipag-usap na sa amin na kasabay.

“Next year ho, may teleserye na rin tayo.

“Lahat ng napapanood niyo sa ibang channels, ganundin naman, e, ibibigay namin sa inyo.”

NOT ONLY CELEBRITIES

Samantala, idinagdag ni Willie na hindi lang mga artista ang hinahanap ng bagong TV station.

“Hindi lang artista, we need directors, creative directors, writers, game writers… The door is open,” sabi niya.

Humihingi rin ng paumanhin si Willie sa mga kritiko na pinupuna ang kanilang equipment dahil sa technical glitches.

“May mga nagko-comment na masamang sound system. Bago lang po ito [network]. Bear with us.

“Pagpasensiyahan niyo na po kami…”

Katuwiran ni Willie, nagsisimula pa lamang sila pero maraming tao silang nabigyan ng trabaho dahil sa kanilang bagong tatag na network.

“Dinadahan-dahan namin. Halos lahat ng empleyado [namin] ay galing sa ABS-CBN.

“Sana ho matuwa tayo na ang ALLTV may natutulungang ibang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Minsan po nakakasama ng loob. Pinupuna pa yung pagkakamali namin.

“Mahirap magpuna ng pagkakamali ng kapwa mo. Tingnan mo muna ang sarili mo,” saad niya.

Bagamat nagkaroon na ng soft launch ang ALLTV, sinabi ni Willie na pinaplano nilang magkaroon ng official launching sa darating na October 1, 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame to critics of ALLTV: “Mahirap magpuna ng pagkakamali ng kapwa mo. Tingnan mo muna ang sarili mo.”
PHOTO/S: YouTube (Wowowin)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results