Nalalapit na ang pagsisimula ng Start-Up PH, ang Pinoy adaptation ng GMA-7 ng hit Korean series na Start-Up.
Read: Start-Up PH’s first official teaser is out!
Ipinakilala ang powerhouse cast sa media conference sa Cinema 2 Robinsons Galleria sa Ortigas Avenue, Ortigas Center, sa Quezon City noong September 17, 2022.
Kasabay nito ang pagpapatikim ng pilot episode ng inaabangang serye.

Mula sa kuwento ng pagpupursigi, pangarap, at pag-ibig, bibida ang mga bigating artista sa Kapuso Network upang bigyan ng bagong timpla at buhay ang bawat karakter sa serye.
BEA ALONZO
Ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo ang gaganap bilang Dani Sison.
Si Dani ay si Seo Dal-mi, ang orihinal na karakter na ginampanan ni Bae Suzy (While You Were Sleeping and Vagabond) sa Korean version.
Si Bea ay determinado upang makapasok sa Sandbox PH para sa kanyang pamilya at pangarap.
Ang Sandbox PH ay ang fictional world ng aspiring entrepreneurs na may business ideas na maaaring mabigyan ng financial grant sakaling manalo ito sa kompetisyon.

ALDEN RICHARDS
Gaganap si Alden Richards bilang si Tristan Hernandez o mas kilala bilang "Good Boy." Makikilala rito si Alden bilang isang venture capitalist na long-lost childhood friend ni Dani Sison.
Si Tristan si Han Ji- Pyeong sa orihinal na karakter na ginampanan ng Korean actor na si Kim Seon Ho (Hometown Cha Cha Cha).

JERIC GONZALES
Si Jeric Gonzales ay gaganap bilang Davidson Navarro o Nam Do-san, na ginampanan sa orihinal na serye ni Nam Joo-Hyuk (Weightlifting Fairy and Twenty Five Twenty One).
Si Jeric ay isang genius computer engineer na kilalang ka-penpal ni Dani at co-founder ng Three SonsTech. Ang Three SonsTech ang grupo ng aspiring entrepreneurs na sasali sa Sandbox PH.

YASMIEN KURDI
Isasabuhay ni Yasmien Kurdi ang karakter ni Won In-jae o mas kilala bilang Kang Ha-na (My Roommate is A Gumiho) sa Korean original series. Si Yasmien ay gaganap bilang long lost-sister ni Dani na isang mayamang CEO.

GINA ALAJAR
Ang award-winning actress na si Gina Alajar ang gaganap bilang Lola Joy (Halmeoni Choi) ang lola ni Dani at Ina. Isa ito sa karakter na minahal sa orihinal na korean series.

ROYCE CABRERA
Si Royce Cabrera ay gaganap bilang Jeff Katipunan (Kim Yong-san) isa sa matalik na kaibigan ni Dave. Isa sa mga miyembro ng Three SonsTech.

BOY 2 QUIZON
Si Boy 2 Quizon ay gaganap bilang Wilson Espiritu (Lee Chul-san), matalik din na kaibigan ni Dave at Jeff. Isa rin siya sa mga miyembro ng Three SonsTech.

JACKIE LOU BLANCO
Si Jackie Lou Blanco ang gaganap bilang Ms. Sandra (Yoon Sun-Hak) ang co-founder ng Sandox PH.

GABBY EIGENMANN
Si Gabby Eigenmann bilang Arnold Diaz o (Won Doo-Jung), ang stepfather ni Ina.

AYEN MUNJI-LAUREL
Si Ayen Munji-Laurel naman ay gaganap bilang Alice Diaz o (Cha A-Hyun) ang nanay nina Dani at Ina.

Sa direksiyon nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata, mapapanood na ang Start-Up PH simula sa Lunes, September 26, 2022, sa GMA-7, 8:50 p.m., pagkatapos ng Lolong.
READ MORE:
