Vic Sotto says about daughter Tali's pag-aartista: "Hindi mo maaawat..."

by Rommel Gonzales
Sep 23, 2022
First show of Vic Sotto, Pauleen Luna, and Tali
Vic Sotto on daughter Tali entering showbiz: "Behind the camera, she’s very funny." Pauleen Luna adds, "What’s also nice is that we are present dun sa kumbaga first acting experience niya."
PHOTO/S: PR

Sasabak na rin sa showbiz si Tali Sotto, ang unica hija nina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Sina Vic, Pauleen, at Tali ang hosts ng Love, Bosleng and Tali, ang bagong show ng NET25 na may format na tulad ng Magpakailanman at Maalaala Mo Kaya.

Bakit pumayag sina Vic at Pauleen, na kilala rin bilang Bossing at Poleng, na mag-artista na rin si Tali?

“Pagka iyon ang kinalakihan niya, napapanood niya sa TV yung daddy niya, yung mommy niya. Hindi mo maaawat, e!

“Siguro nasa dugo na niya, nasa dugo niya siguro ang magaling na singer, magaling na aktres,” sabay-turo ni Bossing kay Poleng.

Dugtong niya, “Yung pagka-comedian naman, e, sa kanya pa rin namana.

Saka tumawa ang mag-asawa.

Nakausap sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand mediacon para sa mga programa noong September 21, 2022, sa studio ng Eagle Broadcasting Corporation sa Diliman, Quezon City.

Pagpapatuloy pa ni Bossing Vic tungkol kay Tali, “Kasi behind the camera she’s very funny. Nakakatawa siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And hilig, e! E, alam mo na, pag ang hilig ng bata, hindi mo maaawat, e, hindi mo mapipigil.

“So ang importante naman, e, nag-e-enjoy siya, na enjoy siya sa ginagawa niya, looking forward siya parati pagka may taping kami.”

Dagdag namang sinabi ni Poleng, “And for me, what’s also nice is that we are present dun sa kumbaga first acting experience niya.

"We can lead her, we can, you know, somewhat protect her. And also I think it is, she’s very fortunate dahil di ba, she’s given this chance to learn from the best!”

Kaya hindi naman naging mahirap para sa mag-asawa ang magdesisyon tungkol sa pag-aartista ni Tali.

“Parang wala namang pagkukumbinsing nangyari,” at tumawa si Poleng.

Ang unang plano pala ay si Vic lamang ang mapapanood sa Love, Bosleng, and Tali.

“And then nung nag-meeting sila with NET25, siya lang din mag-isa.

“And then after the meeting sabi niya, ‘O, kasama pala kayo sa show!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Ha, kasama kami?’

“'Tapos that’s it, wala namang pag-aalinlangan kasi we know naman that we’re in good hands,” sabi pa ni Pauleen.

Kasinglaki rin ba ng talent fee nila ni Bossing ang talent fee ni Tali?

“Sa kanya naman napunta yung talent fee ko, hindi, pero sa kanya napunta yung talent fee ko,” at tumawa ulit si Pauleen.

Napapanood ang Love, Bosleng and Tali tuwing Linggo, alas sais ng gabi sa NET25.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto on daughter Tali entering showbiz: "Behind the camera, she’s very funny." Pauleen Luna adds, "What’s also nice is that we are present dun sa kumbaga first acting experience niya."
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results