Naglabas ng pahayag si Vice Ganda matapos itong hindi makadalo sa grand finals ng "Miss Q&A: Kween of the Multibeks" ng It’s Showtime ngayong Sabado, October 22, 2022.
Humingi ng paumanhin ang TV host-comedian dahil hindi siya pinayagan “for a valid reason” kahit kagabi pa siya umiiyak.
Ayon pa kay Vice, sinabihan siya ng produksiyon na ilipat na lamang sa ibang petsa ang grand finals ng "Miss Q&A" pero hindi raw siya pumayag na hindi ito ituloy kahit wala siya.
Hindi raw tungkol sa kanya ang natirang segment kundi sa mga grand finalist.
Sabi niya sa kanyang tweet ngayong hapon: “Sorry po wala pa rin ako sa Showtime. Kagabi pa ko umiiyak dahil di ako napayagan for a valid reason.
“Di ako pumayag na iadjust ang date ng Finals kasi this event is not about me. It’s about these beautiful girls and their talents. So for now let’s focus on them.
"Sorry po! [broken heart emoji]"
Dagdag pa ni Vice, masakit sa kalooban niyang hindi makadalo sa grand finals ng "Mis Q&A" dahil malapit ito sa kanyang puso.
Aniya, “Kung alam nyo lang kung gaano to kasakit para sa akin. This segment is very inportant to me and very close to my heart.
"Aside from the fact na di ko masusuot yung mga pinagawa kong gowns para aliwin ko [broken hearts emojis]”
Read: "Miss Q&A" contestant, pinagsabihan ni Vice Ganda sa pagbanggit ng "ngongo" at "Mongoloid"
