Dahil trending palagi at maganda ang mga reviews sa Start-Up PH, labis ang pasasalamat ng isa sa mga bida sa serye na si Jeric Gonzales na gumaganap bilang Davidson Navarro.
Lahad niya, “Thank you po, maraming salamat po and sa lahat ng sumusuporta at nanonood. Nakakataba ng puso na yung Philippine adaptation ng Start-Up pinapanood nila, sinusuportahan nila.
“Kasi siyempre pinaghirapan namin ito and grabe, grabe yung challenge ng paggawa n ito, sobra. Kahit even the directors, the production talagang hindi nila ito tini-treat as yung usual teleserye na ginagawa natin dito.
“Gusto nilang mag-level up, gusto nilang pantayan yung expectation na nakita nila dun sa original na Start-Up.
“So happy kami na yung mga feedback magaganda, and then yung mga scenes ko with Bea and Alden, napapansin ako, so thank you, thank you talaga.”
JERIC'S ''TATLONG BIBE'' SCENE WITH ALDEN GOES VIRAL
Spealing of scenes, isa sa nag-trending at kinaaliwan ng viewers ay ang eksena nila ni Alden Richards (as Tristan Hernandez) sa networking party ni Yasmien Kurdi (as Ina Diaz) na kunwari ay nag-uusap sila nang masinsinan habang nakamasid sa kanila sina Bea Alonzo (as Dani Sison) at Ayen Munji-Laurel (as Alice Sison).
Dahil inoobserbahan sila ng tatlo, sinabi ni Tristan kay Davidson na magkunwari silang nag-uusap tungkol sa pagnenegosyo.
Nang hindi na nila alam ang kanilang sasabihin sa isa’t isa, on-the-spot na sinambit na lang nila ang lyrics ng Filipino nursery rhyme na "Tatlong Bibe."
“Oo, nakakatawa yun! Kasi nung gabing nag-air yun, parang, nag-trending na siya.
“'Tapos, nung sumunod na araw, trending pa rin. 'Tapos, andaming nagno-notify sa akin, so parang mga three days na siya hindi pa rin matapos kaya nakakatawa talaga.
“Paulit-ulit ko siyang pinapanood.
“Masaya ako, I’m happy kasi napapansin nila yung mga ganung scenes, e. Natuwa ako na andaming nakaka-appreciate.
“And then, siyempre first time kong maka-work si Alden sa teleserye and first time naming magkulitan nang ganun, so hindi ko alam na magkakaroon kami ng chemistry na ganun, na mapapansin ng tao yung eksena naming dalawa.”
JERIC RECALLS LAUGH TRIP WITH ALDEN PRIOR TO SHOOTING THE SCENE
Hindi ba sila natatawa ni Alden habang kinukunan ang nabanggit na eksena?
Tumawa muna ng tumawa si Jeric bago sumagot.
Pagbabalik-tanaw niya, “Yes, pero actually, before nung eksena dun kami natatawa ni Alden kasi sabi ko, ‘Paano ba natin gagawin ito? ‘Kakantahin ba natin ito or yung ire-recite lang natin yung lines?’
“Sabi niya, ‘Hindi ah, hindi ko kakantahin iyan, ire-recite lang natin iyan!’
“Ayun! Tawa na kami nang tawa before pa nung scene kaya nung eksena na medyo okay na, wala na.”
JERIC LEVELS UP HIS ACTING GAME
Marami ang nagsasabi na rebelasyon si Jeric sa Start-Up PH dahil muling pinatunayan ni Jeric na marunong siyang umarte.
Kahit kaeksena niya ang mahuhusay na co-stars niyang sina Bea, Yasmien at Alden, hindi siya nasasapawan o “nilalamon” ng mga ito sa aktingan. Bagkus ay sumasabay si Jeric sa pahusayan sa pag-arte sa tatlo.
“Naku, salamat po! Hindi ko rin ma-explain pero siyempre, siguro kasi magagaling yung mga kasama ko dito.
“Si Ms. Bea Alonzo, si Yasmien Kurdi, si Alden Richards, so I have to step up sa acting ko kasi natatakot ako baka maiwanan nila ako kasi magagaling na sila.
“I mean marami na silang nagawang projects na pumatok, so ako, talagang pinaghandaan kong mabuti and bawat eksena. Talagang mine-make sure ko na maibibigay ko yung best ko,” paninigurado ni Jeric
Sabi pa ng iba, kahit sa mga eksena nilang dalawa ni Alden, lume-level up siya at nakikipagsabayan sa husay ni Alden.
Pag-amin ni Jeric, “Siyempre, flattered ako lalo na pag nababasa ko yung mga comments nila.
"Hindi ko lang ma-express nang maayos pero deep inside, talagang… kasi ayoko namang maging kampante, na porke nasabing ganun…
"Ako kasi, gusto ko talaga continous learning so…
"Pero thank you, thank you sa lahat ng nagsasabing nag-level up ako.
“I’m happy.”