PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sandara's brother Thunder joining ABS-CBN's Dream Maker as mentor

Iba pang Korean mentors, ipinakilala na
by KC Cordero
Published Nov 6, 2022
Photo of Thunder
Agree ang netizens sa pagkuha kay Thunder bilang isa sa mga South Korean mentors sa Dream Maker ng ABS-CBN dahil matagal itong nanirahan sa Pilipinas.

Ipinakilala na ang mga South Korean mentors sa upcoming survival program na Dream Maker ng ABS-CBN.

Ang announcement ay ibinahagi ng allkpop sa Twitter noong November 6, 2022.

Kabilang sa mga ito si Thunder, ang dating member ng South Korean boy band na MBLAQ, na binuo ng South Korean superstar na si Rain.

Photo of Thunder

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Thunder ay kapatid ni Sandara Park.

Ang tunay niyang pangalan ay Park Sang-hyun. Ipinanganak siya noong October 7, 1990 sa Busan, South Korea, pero sa Pilipinas siya lumaki at nanatili sa ating bansa hanggang 2007.

Marunong siyang magsalita ng Tagalog, at nag-aral sa Philippine Pasay Chung Hua Academy.

Naging bahagi siya ng MBLAQ mula 2009 hanggang 2014. Umalis siya sa grupo para i-pursue ang kanyang music studies.

Mula naman noong 2018, nasa pangangalaga na siya Lighthouse agency.

Bukod sa pagiging dating miyembro ng MBLAQ, si Thunder ay singer, songwriter, actor, at model.

Madalas din siyang kasama sa mga documentaries tungkol kay Sandara.

Photo of Thunder with Sandara Park

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa netizens, tama lang ang pagkakakuha kay Thunder bilang isa sa mga mentors dahil matagal siyang nanirahan sa Pilipinas.

Magiging mentors din sina Momoland/Lapillus choreographer Bae Wan Hee, choreographer and former “Produce 101” dance mentor Bae Yoon Jung, K-pop composer/producers Seo Won Jin and Bullseye!, at ang miyembro ng Brown Eyed Girls na si JeA.

Ang Dream Maker ay eere tuwing Sabado at Linggo, at magsisimula sa November 19.

Gagamitin ng programa ang audition-show format na naging popular sa South Korea kung saan maglalaban-laban ang 77 contestants mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas para mag-form ng seven-member group.

Ang Dream Maker ay partnership sa pagitan ng MLD Entertainment, KAMP Global, at ABS-CBN.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agree ang netizens sa pagkuha kay Thunder bilang isa sa mga South Korean mentors sa Dream Maker ng ABS-CBN dahil matagal itong nanirahan sa Pilipinas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results