Tulad ng inaasahan, ang Philippine pride na si Billy Crawford at ang kanyang kapareha, ang French dancer na si Fauve Hautot, ang itinanghal na grand champion sa final show ng 12th season ng Danse avec les stars (Dance With The Stars).
Read: Billy Crawford, Fauve Hautot give best performance of the season at Danse Avec Les Stars semi-finals
Nagwakas ang French edition ng Dancing With The Stars nitong Biyernes ng gabi, November 11, 2022, sa France [Sabado ng umaga, November 12, sa Pilipinas).

Ang 17-year-old French singer at The Voice Kids France 2018 fourth placer na si Carla Lazzari ang mahigpit na nakalaban ni Billy sa huling gabi ng Danse avec les stars.
Kahit inaasahan ang tagumpay ni Billy sa Danse avec les stars, umiral pa rin ang tensiyon sa pagitan ng mga supporter nila ni Carla dahil sa kanilang mahigpit na tagisan ng husay sa pagsasayaw.
Pero sa huli, si Billy ang nagwagi dahil sa kanyang galing na ipinamalas mula nang mag-umpisa ang Season 12 ng Danse avec les stars noong September 9, 2022, hanggang matapos ito nitong Biyernes, November 11.
Ang consistent at almost perfect performances ni Billy sa bawat episode ng kumpetisyon ang rason kaya binansagan siyang "Billy The Favorite" dahil sa mga papuri sa kanya ng mga hurado.
Para sa kanyang huling dance number, pinili ni Billy na muling isayaw ang paborito nitong contemporary dance sa tugtog ng "L’Enfer de Stromae," na malapit sa puso niya dahil sa kanyang mga personal na karanasan.
Madamdamin ang sumunod na tagpo dahil pagkatapos ng sayaw nila ni Fauve, hinalikan ni Billy ang sahig at lumuha nang sabihin niyang “It’s the last dance. I’m going to miss you all so much.”

Nakakuha si Billy ng 53.5% na boto mula sa publiko, samantalang 46.5% lamang ang natanggap ni Carla, kaya malinaw na ang Filipino celebrity ang panalo.

“I don’t believe it, it’s a dream for me,” lumuluhang reaksyon ni Billy nang tanggapin niya ang tropeyo ng Danse avec les stars.
Related Articles:
- Billy Crawford, umani ng papuri sa unang salang niya sa Dancing With The Stars
- Coleen Garcia "so proud" of husband Billy Crawford's standing ovation in France
- Billy Crawford, ibinahagi sa Danse avec le stars ang "hell" na pinagdaanan sa buhay
- Billy Crawford, highest scorer sa Danse avec les stars kahit may injury
- Coleen Garcia still gushing over her Danse avec les stars performance with Billy Crawford
- Billy Crawford, patuloy ang pamamayagpag sa "Danse avec les stars"; iniintrigang paborito ng judges
- Billy Crawford, pasok sa quarterfinals ng "Danse avec les stars"
- Billy Crawford, binansagang "Billy The Favorite" sa Danse avec les stars