Madalas mag-trend ang veteran broadcaster na si Mel Tiangco at iba pang news anchors ng GMA-7 prime-time newscast na 24 Oras kapag may bloopers sila.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong namin si Mel kung natatawa siya sa sariling bloopers.
"Of course," mabilis niyang sagot.
Natawang dagdag niya, "Naiinis ka sa sarili mo na, 'Bakit ko ba sinabi iyon?'"
- 10 Hilarious Bloopers of TV News Anchors and Reporters
- Light moments during live reporting of 2022 Presidential Elections coverage
- VIRAL: Vicky Morales almost says "hindi natutuli ang balita" in 24 Oras wrap-up
Aware daw sila nina Mike Enriquez at Vicky Morales kapag nagti-trend sila.
"They are trending kasi there are positive and negative na mga ano dun.
"Pag positive, of course, I love it. It means that your televiewers love you, ganun lang yun, e.
"Kapag negative naman, gustung-gusto ko nang sumagot!” natawang pakli niya.
Dugtong pa ni Mel, "Kung minsan kasi, talagang the comments are totally uncalled for. The comments are out of this world.
"Parang ako ang magugulat na, 'Ganun ba? Ganun ba ang ginawa ko?'"
Pero hindi na para dibdibin niya kung mayroon man siyang basher.
Ani Mel, "But you know, it’s part of the job. Pasok dito, labas dun."
May mga pagkakataong mas nagiging viral ang bloopers kapag na-TikTok ito ng netizens. Pero nilinaw ni Mel na wala siyang TikTok account.
"Ayoko nun!" natawang sabi niya.
Wala rin daw siyang kahit na anong personal social media account.
"Meron ako sa foundation, sa 24 Oras. Pero sa personal ko, hindi ko na kaya," paglilinaw ni Mel.
Bilang batikang broadcaster, aminado si Mel na kailangang updated siya sa current events.
Pero wala raw siyang planong pasukin ang mundo ng vlogging.
“Kasi, hindi naman talaga ako... I mean, meron din talaga [akong social media], yung sa foundation. Pareho lang din naman. Magpakailanman, meron. Parang meron din naman.
"Pero wala akong vlog. Ayaw ko ng ganoon. Kung minsan, pagmumulan lang ng away. Iwas ka na lang, di ba?"
Hindi raw siya GenZ na karaniwang aktibo sa social media.
Dugtong pa ni Mel: "Iniimbita nga ako sa Family Feud, ay ayoko, baka wala akong maisagot. Ang edad namin hindi na dapat ganoon, mapapahiya ka pa."
ON GIVING COMMENTARIES ON AIR
Noong panahon ng eleksyon, tila may mga pagkakataong hindi niya napigilang makapagbitiw ng sariling opinyon sa ere.
"Ewan ko, ‘no. But ako, I was trying to recall if I did give a comment,” sabi ni Mel tungkol dito.
Paliwanag pa niya: "Kapag medyo siguro... There are just things in life na wrong. Like, you don’t even have to think that it is wrong to abuse a woman. Hindi mo na kailangang mag-isip, it is really wrong, yun sigurong mga ganun.
"It’s really wrong kung pababayaan mo ang mga anak mo. It’s really wrong kung ina ka, tapos ipapangalandakan mong ibenta ang anak mo, that’s wrong, that’s evil.
"Yung mga ganun siguro, I will. Kasi, dati rin akong komentarista sa radio. Ten years din ako diyan."
Pero hindi raw siya papasok sa mga usapang o komentong pulitika.
"I will not go political, yun naman ang hindi puwede,” saad niya.
"Pero more on social commentary. Basta alam kong kapag prinsipyo, prinsipyo talaga."
ON 20TH ANNIVERSARY OF MAGPAKAILANMAN
Nakapanayam ng PEP.ph si Mel sa solo presscon niya para sa Magpakailanman, na ginanap noong Biyernes, November 18, 2022.
Dalawang dekada na ang Magpakailanman, ang long-running drama anthology ng GMA-7 kunsaan ang host ay si Mel.
Sa isang programa sa telebisyon, hindi biro at hindi madaling tumagal ng ganito kahabang taon na hanggang ngayon nananatiling matatag at isa sa mga top-rating show ng network.
Sa pagdiriwang ng 20th anniversary ng show, sinabi nI Mel kung ano ang sangkap sa tatag at tagumpay ng Magpakailanman.
"I think, it is the sincerity of the show, more than anything else," sambit niya.
"Yung mga televiewers namin, nakikita nila that this is a sincere show. Na talagang inihahandog namin for the televiewers.
"Kaya ang mga kuwento nito ay pawang totoong kuwento, di ba? Ano ang ibig sabihin? Kuwento ng bawat isa sa atin.
"Lahat kayo, puwedeng ilagay sa Magpakailanman. Why? Because we have our own story, all of us, each one of us.
"We have our own challenges, we have our own personal triumphs. Lahat iyan, meron tayong pinagdaanan.
"So, palagay ko, iyon, nakikita nila, e. Nakikita nila ang mga totoong kuwento, totoong tao."
May kaibahan din para sa kanya ang mga pinagdaanan ng Magpakailanman noon at ngayon.
Kuwento ni Mel: "Yung noon, pumupunta ko kung saan-saan. Ang hirap gawin nun. I tell you, hindi biro yun.
"Nandiyang bagsakan na ako ng bubungan ng kubo. Kasi, yung hangin ang lakas-lakas.
"Nasa labas ka, you’re open to the sound. Mag-shoot, biglang may dadaan na tricycle. Nakaka-twenty takes kami.
"To the point na nahihimatay ako sa pagod. Twice na nangyari sa akin iyon."
May pa-trivia rin si Mel kung bakit Magpakailanman ang title ng programa at kung bakit dagat ang nasa background ng opening billboard nito.
"Because the body of water never ends—magpakailanman. Noong bumalik iyan on the air after five years, nag-isip nang nag-isip.
"Nakapag-suggest ako na, 'So, kung hindi tubig, the only thing I can think of na magpakailanman is the sky.'
"Yun iyon, kaya Magpakailanman, forever… So we were forever looking at the body of water."
