PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano teases Mavy Legaspi about his blooper in Family Feud

Mavy Legaspi reacts after being teased by Luis Manzano.
by Bernie V. Franco
Published Nov 24, 2022
luis manzano mavy legaspi
Hindi pinalampas ni Luis Manzano (left) na biruin si Mavy Legaspi dahil sa sagot nitong "hotdog" sa isang tanong sa Kapuso game show na Family Feud.
PHOTO/S: YouTube (Luis Manzano / Family Feud Philippines)

Biniro ni Luis Manzano, 41, si Mavy Legaspi, 21, kaugnay ng naging sagot ng huli sa isang tanong sa GMA-7 game show na Family Feud.

Isa sa si Mavy sa celebrity players sa November 23, 2022 episode ng daily game show na hinu-host ni Dingdong Dantes.

Sa jackpot round, sumalang si Mavy at sinagot ang mga tanong ni Dingdong.

Unang tanong ni Dingdong: “Kapag nagbibiruan, anong kalokohan ang isinasagot ng friend mo kapag tinanong mo siya n, ‘one plus one [1+1]…’”

Sagot ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi: "Hotdog."

Ang video clip na ito ay kumakalat na ngayon sa social media.

Mixed ang reactions ng netizens at lumalabas na generational gap ang ugat ng usapan.

Ayon sa iba, makukuha raw ng older generation ang joke. Ang karaniwan kasing sagot sa naturang tanong, base na rin sa lumabas na survey, ay “Magellan.”

Pero may Gen Z netizens naman ang nagkomentong hindi sila pamilyar sa joke.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hotdog” o “hakdog” ang karaniwang isinasagot ngayon ng young generation kapag hindi nila alam ang sagot sa tanong.

LUIS TEASES MAVY

Nakuhang pagtawanan ni Mavy ang sarili dahil sa kanyang sagot na "hotdog."

Reaction ng Kapuso young actor: “Feeling ko lang proud na proud mga magulang ko. maliit na bagay! Ako lang toh…”

mavy legaspi family feud

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi pinalampas ni Luis ang pagkakataong mag-comment.

“Kinabahan ako, akala ko ako naglalaro,” tweet ng Kapamilya host, kalakip ang video clip ni Mavy.

Hindi nag-elaborate si Luis kung ang nais niyang ipunto ay kahawig niya si Mavy o dahil sa binitawang sagot ni Mavy na nakakatawa.

Si Luis ay kilala sa kanyang humor kahit sa social media.

may legaspi family feud

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumagot si Mavy ng “weary face emoji” at naka-tag si Luis.

Animo’y nais ipunto ni Mavy na mas lalo pang nadiin ang kanyang maling sagot sa game show dahil sa gatong ni Luis.

mavy legaspi family feud

Ang screenshot ng kanyang sagot kay Luis sa Twitter ay ipinost ni Mavy sa IG Story.

Dagdag pang komento ni Mavy kay Luis: “Thank you nalang sa lahat kuya @luckymanzano…” at may kalakip pa ring weary face emoji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahihinuhang nagkukulitan lang sina Luis at Mavy dahil sa blooper ni Mavy sa Family Feud.

mavy legaspi family feud

Sa mga hindi nakakaalam, si Luis ay naging host din ng Family Feud, mula 2016 hanggang 2017, noong nasa ABS-CBN ang franchise ng game show na ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pinalampas ni Luis Manzano (left) na biruin si Mavy Legaspi dahil sa sagot nitong "hotdog" sa isang tanong sa Kapuso game show na Family Feud.
PHOTO/S: YouTube (Luis Manzano / Family Feud Philippines)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results