Matapos na makansela nung nakaraang Sabado, tuloy na tuloy na ang pagpapalabas ng Magpakailanman episode na pagbibidahan ni Sanya Lopez mamayang gabi, 8:15 p.m.
Tampok ang kuwento ng buhay ni Maegan Aguilar, anak ng legendary OPM artist na si Freddie Aguilar, pinamagatan ang episode mamayang gabi na "Listen To My Heart: The Maegan Aguilar Story."
Ano ang una niyang reaksyon nang nalaman niyang siya ang gaganap sa papel ni Maegan?
“Alam niyo po, nakakakaba siya kasi hindi po biro ang pinagdaanan sa buhay ni Ms Maegan.
"At marami ka ring kapupulutang aral, kaya na-excite rin ako na ako ang gaganap sa story niya," saad pa ni Sanya.
Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho nila ni Maegan?
“Siguro yung pagiging strong sa mga pinagdaanan niya sa buhay. Kung gaano katapang niyang hinarap ang struggles niya sa buhay," tugon pa ni Sanya.
Mabigat ang papel ni Sanya sa Magpakailanman o MPK dahil matindi ang kuwento ng buhay ni Maegan.
Base sa teaser, unti-unting nakakagawa ng pangalan si Maegan sa OPM scene nang maging balakid ang mga personal niyang isyu.
Nasadlak si Maegan sa sitwasyon kunsaan binubugbog siya ng live-in partner. Bukod dito, masalimuot din ang father-daughter relationship nila ng amang si Freddie Aguilar.
READ: Maegan Aguilar, mala-"Anak" ang nangyayari ngayon sa buhay
Paano naghanda si Sanya?
“Every role na binibigay sa akin ay pinaghahandaan ko po. Hindi po enough yung basta makabisa ko lang po ang script. I always ask kung ano ang napi-feel ng character ko towards the scene.
"Kailangan matumbok ko yun bago ko i-deliver ang lines ko. Same thing din ang ginawa ko dito sa story ni Ms. Maegan Aguilar, pinanood ko po halos lahat ng mga videos and interviews niya.
"Kaya po iba ang pakiramdam na gampanan ang istorya po ng buhay niya," sagot ni Sanya na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng e-mail nung nakaraang Nobyembre 18, 2022.
Paano ang atake ni Sanya sa role na ito, knowing na maraming nakakakilala kay Maegan dahil isa itong celebrity?
“Inalam ko po muna ang characteristics ni Ms. Maegan. Ginaya ko ang mga yun. Pero when it comes sa pag-atake sa mga scenes, sinunod ko na yung nararamdaman ko sa eksena.
"Kasi napakaimportante nun para mai-deliver mo ito nang maayos."
Nakilala o nakausap ba ni Sanya si Maegan nang personal? Ano ang mga napag-usapan nila?
“Hindi ko po siya nakakausap pero kung mabibigyan sana ng pagkakataon na makausap ko siya ay siguro magpapasalamat ako kay Ms. Maegan Aguilar. Thank you for making me a part of her beautiful story sa MPK.
"At nagpapasalamat din ako sa MPK sa tiwala nila na ako ang gumanap sa 'Maegan Aguilar story.'”
Bukod kay Sanya ay tampok din sa naturang episode si Neil Ryan Sese bilang Freddie Aguilar, Dion Ignacio as Oliver, Jason Abalos as Xander, Jon Lucas as Lyndon, JM San Jose as Zion, Noreah Casaljay as Alyssa, Choline Bautista as Mafi, at si Shyr Valdez bilang ina ni Maegan.
Sa direksyon ni Neal del Rosario, bahagi ang episode na ito ng month-long 20th anniversary celebration ng Magpakailanman.
- Victor Consunji, Rachel Carrasco all smiles at famous bridge in Paris
- Justin Cuyugan on breakup with Dawn Chang: "It was very traumatic."
- Sharon Cuneta lovingly calls out Mavy Legaspi for calling her "Ms."
- Herlene Budol, nabatikos dahil sa pajama photos niya sa puntod ng kanyang lola
