PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Which Magpakailanman stories had the most impact on Mel Tiangco?

Who is Mel Tiangco's dream life story feature for #MPK?
by Rommel Gonzales
Published Nov 26, 2022
Mel Tiangco
Mel Tiangco reveals which Magpakailanman episodes had a profound impact on her over the past 20 years: “Gusto ko yung naa-uplift yung tao. Gusto ko yung talagang meron silang matututunan, meron silang dadalhin para sa sarili nila."

Ika-20 anibersaryo ng Magpakailanman ngayong 2022, at buong buwan ng Nobyembre ang kanilang month-long celebration.

Sa dami ng mga naipalabas na tunay na kuwento ng buhay sa Magpakailanman o #MPK, ano kaya ang istorya na tumatak sa host ng programa na si Mel Tiangco?

“Alam mo, uumpisahan kong sagutin iyan with an apology," panimula niyang pagpapaumanhin.

"I have grown twenty years older and so my memory is not as good as it was twenty years ago, pero kung mga recent ang gusto mo, i-genre ko na lang, ha?

“Sa dinami-dami ng genre na itinatampok namin sa Magpakailanman, alam niyo naman yan, iba’t ibang story ng buhay talaga ang mapapanood niyo. Gusto ko yung genre na nakakatulong sa kapwa.

“Gusto ko yung hindi ka lang na-entertain, hindi ka lang nasiyahan sa istorya, pero nakapaghandog kami sa iyo ng realization, maybe a sense of inspiration…

"Yung meron kaming ganun na naiwan sa iyo, na naiwan sa puso mo, naiwan sa kaisipan mo…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na once in a while, na babalikan mo yung, ‘Ah hindi, napanood ko iyan sa Magpakailanman. Ganun yun, e.

“Di ba? Hindi yung klase na nanood ka, mamaya wala na, tapos na.

“Gusto ko yung mga istoryang merong dala-dalang ganun.

“In short, gusto ko yung naa-uplift yung tao. Gusto ko yung talagang meron silang matututunan, meron silang dadalhin para sa sarili nila.

“Ganun yung mga type ng mga kuwento na naiibigan ko. Pagkatapos naming gawin yung istorya, naaano ako, mismong ako rin, ganun din ang tama sa akin, sa lahat ng klase ng mga kuwentong aming itinatampok sa Magpakailanman.

MEL WANTS TO MAKE A DIFFERENCE IN PEOPLE'S LIVES

Ayon pa kay Mel, sa taping nila kailan lamang ay “tinamaan” siya.

“Tinamaan ako dun sa batang lalaking iyon although it had nothing to do with the story that we were shooting, ano? Pero, pag-upong pag-upo ko kasi, sabi ni direk, ‘Ah Tita Mel may pakiusap sa inyo yung subject.’ ‘Ah okay sure, what is that?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, ‘E, meron po akong konting diperensiya sa tenga.'

“Ako naman wala lang, ano? ‘Ah sure, sure, sure.’

“Sabi ko. ‘Lalakasan ko boses ko, okay? Is that what you want,’ sabi ko sa kanya. ‘Opo.’

“Alam niyo bang umiyak yung… he is a thirty-year old boy, good-looking at maganda itsura niya at mabait, very decent… umiyak!

Mel Tiangco
Magpakailanman

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mel Tiangco
Magpakailanman

“Sabi ko, ‘Ay, bakit ako nagpaiyak?’

“I couldn’t help it, I went to him and I sort of, you know, comforted him, not knowing why he was crying! Sabi ko, ‘Bakit iho? Nasaktan ba kita? Meron ba akong nasabing mali?’

“Alam mo ang sagot niya? ‘Kasi po kasiraan ko po yun, e.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, ‘Hindi! Hindi kasiraan yung magkaroon ka ng problema sa pandinig, hindi kasiraan,’ sabi ko. ‘Ang kasiraan yung masamang tao ka. Yung ikaw ay nang-aapi ng kapwa mo, yun ang masamang tao! Hindi yung ganyan.’

“And so right away, I asked my office, the foundation, to give me my referral letter. I gave him a referral letter to the… basta marami na kaming pinag-usapan, marami na kaming… may mga ganung bagay na iyon ang nagbibigay din sa akin ng fulfillment.

“Hindi lang sa televiewers kundi maging iyon mismong subject.

“Parang napi-feel ko na if I do this, I will change this boy’s life for the better. Hindi niya ako makakalimutan, hindi niya makakalimutan ang Magpakailanman.

“So, marami akong experiences in the program na nananatili sa kaisipan ko at nananatili sa puso ko, at isa iyon. Ganun yung mga pangyayari that gives me the fulfillment of doing Magpakailanman.”

Referral letter para sa isang ospital ang ipinagkaloob sa naturang lalaki upang matingnan ito ng doktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Then we will find out kung ano ang kailangan niya.”

“I want to know how to improve his life and how to take, tanggalin ko yung pait na yun sa buhay niya na sasabihin niyang kasiraan niya yun.

“Gusto ko mangyari yun, whatever it is, whatever it will take.”

WILL MEL'S LIFE STORY EVER BE FEATURED IN MAGPAKAILANMAN?

Sumunod na itinanong namin kay Mel ay kung kailan kaya mapapanood sa Magpakailanman ang mismong kuwento ng buhay niya?

“Lilybeth Rasonable cannot afford me, cannot afford my story, I’m sorry,” ang tumatawang sagot ni Mel na ikinatawa rin ng mga dumalo sa mediacon ng 20th anniversary ng Magpakailanman nitong Biyernes, November 18 sa Harold’s Evotel sa Quezon City .

MEL'S DREAM LIFE STORY FEATURE

Sa tanong naman kung kaninong life story ang nais niyang maipalabas sa Magpakailanman

“E, hindi ano e… hindi natin kaya yung gusto ko sanang mapanood diyan. Gusto ko si George Clooney e,” ang tumatawa ring sagot ni Mel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Sabado, 8:15 pm sa GMA ay mapapanood sa Magpakailanman ang unang bahagi ng life story ni Maegan Aguilar na pinamagatang "Listen To My Heart: The Maegan Aguilar Story" na pagbibidahan ni Sanya Lopez.

Kasama dito ni Sanya sina Neil Ryan Sese bilang Freddie Aguilar, Dion Ignacio as Oliver, Jason Abalos as Xander, Jon Lucas as Lyndon, JM San Jose as Zion, Noreah Casaljay as Alyssa, Choline Bautista as Mafi, at si Shyr Valdez bilang ina ni Maegan.

Ito ay sa direksyon ni Neal del Rosario.

Read Next
Read More Stories About
Mel Tiangco Magpakailanman
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mel Tiangco reveals which Magpakailanman episodes had a profound impact on her over the past 20 years: “Gusto ko yung naa-uplift yung tao. Gusto ko yung talagang meron silang matututunan, meron silang dadalhin para sa sarili nila."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results