Meet the three Pinays competing in Asia's Next Top Model Cycle 3

Three Pinays (left to right)—Amanda Bianca Chan, Franchesca Lagua and Monika Sta. Maria—will represent the Philippines as they vie for the top slot in Cycle 3 of Asia's Next Top Model.


Palaban pa rin ang mga Pinay sa bagong cycle ng Asia’s Next Top Model (ANTM).

Sa Cycle 3 this 2015, tatlong Pinay models ang kasali at makikipagtunggali sa ibang models na mula sa mga bansang Singapore, Japan, Vietnam, Hong Kong, Thailand, Indonesia and Malaysia.

Ang tatlong Pinay models na ito ay sina Amanda Bianca Chan, Franchesca Denise Lagua at Marlena Monika Sta. Maria.

AMANDA CHAN. Bilang isa sa pinakabata sa 14 finalists para sa Cycle 3 ng ANTM, ang 17-year-old contestant na si Amanda Chan was ipinanganak at lumaki sa Sydney, Australia at nag-audition din siya sa Australia’s Next Top Model.

Noong hindi siya makapasa sa audition, in-encourage siya ng kanyang ama na subukan ang mag-audition for Asia’s Next Top Model in Manila. Sinuwerte naman siyang makapasa dito.

Sa pilot episode na nag-premiere sa StarWorld last March 25, nakuha ni Amanda ang “Best Photo” at pinuri siya ng mga judges na binubuo nina Alex Perry, Joey Mead King at ng host na si Georgina Wilson.

FRANCHESCA LAGUA. Isang professional model naman ang 26-year-old na si Franchesca Lagua who has been doing modeling for various products and walking the runway for the past five years.

Naging stunt double din siya ng actress na si Solenn Heussaff sa pelikulang Sosy Problems ng GMA Films.

First time ngang sumali sa isang modeling contest si Franchesca at sa unang episode ay naging “safe” naman siya, pero sinabihan siya ni Joey Mead King to “step up your game if you want to go very far in this contest.”

MONIKA STA. MARIA. Hindi rin bago sa modelling world ang 23-year-old na si Monika Sta. Maria dahil nanalo ito bilang Century Tuna Superbod grand winner in 2013 kunsaan co-winner niya si John Spainhour.

Isang psychology major graduate ng De La Salle University si Monika at kabilang siya sa nag-audition sa Cycle 2 ng Asia’s Next Top Model pero hindi siya nakapasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan niya ulit ang kanyang suwerte this cycle at natuwa naman siya’t nakapasa siya.

Isa si Monika sa paborito ng mga judges ng Asia’s Next Top Model dahil sa unang photoshoot pa lang nila ay nagpakita na ito ng husay tulad ng kapwa Pinay niyang si Amanda.

PINAY BEAUTY RULES! For the past two cycles ng Asia’s Next Top Model ay napansin ang husay ng Pinay.

Sa first cycle in 2013 ay naging representative natin ay si Stephanie Retuya na nagtapos as first runner-up sa winner na si Jessica Amornkuldilok of Thailand.

Sa second cycle naman ay dalawang Pinay ang sumali na sina Jodilly Pendre at Katarina Rodriguez, who both emerged as runners-up sa winner na si Sheena Liam of Malaysia.

This cycle ay sana ay isa man lang sa tatlong Pinay ang mahirang bilang Asia’s Next Top Model.

OTHER FINALISTS. Ang ibang mga contestants ng Asia’s Next Top Model Cycle 3 ay sina Aimee Rose Cheng-Bradshaw (Singapore), Barbara Akemi Katsuki (Japan), Duong Celine Thuy-vi (Vietnam), Kirsteen Ching Wing MacGregor Barlow (Hong Kong), Ayu Gani (Indonesia), Kiana Anora Guyon (Thailand), Loretta Chow (Hong Kong) and Melissa Tan Li Hsia (Malaysia), Rani Ramadhany (Indonesia), Tahlia Raji (Indonesia) and Shareeta Selvaraj (Malaysia) na na-eliminate na sa first episode.

This cycle ay dadaan ang 14 contestants sa isang kakaibang model boot camp kunsaan may mga activities sila at may magtuturo sa kanila kung paano maglakad sa catwalk, mag-pose for fashion shoots at ma-develop ang kanilang personalities para maihanda sila sa pagharap nila sa highly-competitive world of fashion.

Mapapanood ang Asia’s Next Top Model Cycle 3 on StarWorld every Wednesday at 10:45 pm.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN