PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kelvin Miranda on working with Angel Guardian, Kate Valdez

Is Kelvin Miranda willing to do butt exposure?
by Melba R. Llanera
Published Dec 1, 2022
Kelvin Miranda partners Kate Valdez and Angel Guardian
Kelvin Miranda on his mission as an actor: "Tinanong ko ang sarili ko nung nag-i-start pa lang ako, kung itutuloy ko ba ito, ano ang real purpose ko? Ano ba talaga ang goal ko? Para ba ito sa sarili ko o para sa ibang tao? Ang sagot ko, para makapagpasaya at para din sa art." Seen on photo are Kelvin and his onscreen partners Angel Guardian (left) and Kate Valdez (right).
PHOTO/S: @itsangelguardian / @iamkelvinmiranda / @valdezkate_ Instagram

Para kay Kelvin Miranda hindi isyu sa kanya kung i-build up man siya ng Kapuso Network bilang isang solo actor or may ka-loveteam.

Isa ang Kapuso actor sa mga artistang hindi tali sa isang ka-loveteam at napapareha sa iba't ibang leading ladies mula kay Angel Guardian, Beauty Gonzales, Mikee Quintos, at Kate Valdez.

"Masaya ako to be paired kahit na kanino kasi iba't ibang learnings ang nakukuha ko and knowledge talaga," sabi ni Kelvin.

Hangga't maaari ay ayaw niyang mamili kung sino ang pinaka-enjoy siyang katambal.

"Bawat tao may kanya-kanyang istorya, bawat tao may kani-kaniyang experiences. Sa totoo lang nae-enjoy ko ang lahat. Walang partikular, lahat naman sila goods, di ko naman masasabing hindi.

"Kahit ako rin naman di ko makita kung good ako sa kanila bilang co-actor nila or bilang katrabaho nila. Di ko rin masabi, wala akong partikular na kung kanino ako masaya.

"Pero yung pinakakumportable ako, yun ang masasagot ko, kay Angel Guardian, yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Angel ay isa sa mga unang onscreen partners ni Kelvin.

"Si Angel kaklase ko since nung mga unang workshops. Ako rin ang nagpakilala sa kanya kay Sir Ty."

Ang tinukoy niyang "Sir Ty" ay si Tyrone Escalante. Co-managed sina Kelvin at Angel ni Tyrone at ng Sparkle.

ON KATE VALDEZ

Sa ngayon ay napapanood si Kelvin sa seryeng Unica Hija kung saan siya ang leading man ni Kate Valdez.

Natutuwa ang aktor sa mga positibong komento ng mga sumusubaybay sa kanilang show.

"Actually, pumunta muna tayo sa pisikal. Nagwo-work ang pisikal namin kasi morena siya, tisoy daw ako.

"Pagdating naman sa chemistry, emotionally, okay naman kami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kung good scene yung director or nakikita naman namin sa positive comments sa YouTube, minsan nagre-reply ako sa YouTube about our chemistry or about our work.

"In terms naman of mentally, sa mental state naming dalawa opposite talaga. May pinaniniwalaan siya na di ko pinapaniwalaan, kanya-kanya kami.

"Combined din naman, okay din naman yun. Di kayo nagpapaunahan sa mga ideas. Batuhan lang kayo nang batuhan ng thoughts, insights.

"Thankful na ganun naman yung outcome ng partnership namin, and hopefully magkaroon pa ng opportunities na magkasama kami."

ON GMA-7 entrusting him with projects

Para kay Kelvin, hinahayaan niya ang manager at GMA bosses na magdesisyon pagdating sa karera niya.

"Ganun ang nangyayari, kailangan kong sakyan. Pero well, kung bigyan din naman nila ako ng ka-loveteam, parehas lang talaga. Di ako namimili.

"Basta bibigyan ako ng pagkakataon at nakikita ko ang sarili ko sa proyekto or ino-offer, tatanggapin ko.

"Pero kung dun sa ino-offer nila di ko nakikita ang sarili ko, ako na mismo ang magsasabi na para na lang sa iba, para ibigay na lang yung chance sa iba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labis ang pasasalamat ni Kelvin sa tuluy-tuloy na mga proyekto na pinagkakatiwala sa kaniya ng GMA-7.

"Siyempre blessed dahil di rin naman tayo agad-agad nabigyan ng opportunities, di ba?

"Para sa akin pag lumapit na ang opportunities, kailangang i-grab mo na siya kaagad, kasi once na lumagpas sa iyo yun, di na agad babalik.

"Kahit habulin mo pa siya, napakalabo na ng possibility or tendency na bumalik pa sa iyo yung opportunity.

"Every time na may chance, sige susubok lang kami ni Sir Ty. Susubok lang kami para din sa growth ko as an actor and as an individual."

ON BUTT EXPOSURE

Halos karamihan sa mga artista ay sumusubok ng mga daring at sexy roles sa kanilang showbiz career.

Bukas kaya si Kelvin kung saka-sakaling may mag-alok sa kanya ng isang dekalidad na pelikula, pero mature at sexy ang role?

"As long as papayag ang management," sagot ni Kelvin.

Patuloy niya: "Ako, wala talaga akong pinipiling opportunity, pero depende kung gusto ko talaga yung materyal. Kung maganda yung materyal, maganda yung character, walang problema, tatanggapin ko, paghahandaan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Butt exposure? Walang problema, trabaho ko yun, kumbaga trabaho kong gampanan kahit na anong karakter o role. Trabaho kong gampanan kahit na anong character or role."

Ganun daw siya kaseryoso sa pag-arte.

"Trabaho ko ay aralin yun para gampanan, bigyan ng kulay, bigyan ng kuwento depende sa mga tao kung ano ang gusto niyang iparating.

"Mahal ko ang craft ko, para sa akin tatanggapin ko as long as na pumayag yung network saka management," ulit niya.

HOT STORIES

SINGING OR ACTING?

Kinakikitaan ng husay sa pag-arte at may talento din sa pagkanta si Kelvin.

Nang tanungin namin kung ano sa dalawang larangan ang mas gusto niyang i-pursue, sinagot kami agad ni Kelvin na ang pag-arte ang mas prayoridad niya.

"Kasi sa pag-arte, nandun yung kaya mong gawin ang lahat, kaya mong maging kahit na sino ang gusto mong maging. At the same time, nakakapagpasaya tayo ng mga manonood.

"Iba rin naman kasi ang intention ko, ang purpose ko kung bakit ako nasa show business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tinanong ko ang sarili ko nung nag-i-start pa lang ako, kung itutuloy ko ba ito, ano ang real purpose ko? Ano ba talaga ang goal ko? Para ba ito sa sarili ko o para sa ibang tao?

"Ang sagot ko, para makapagpasaya at para din sa art."

ON COLLAB SONG WITH NEWBIE SINGER

Ka-duet ni Kelvin ang baguhang singer na si Ally Gonzales sa revival ng kantang "Gusto Kita," na unang pinasikat ni Gino Padilla.

Papuri ni Kelvin kay Ally, magaan at masarap na katrabaho ang baguhang singer.

"Magaang katrabaho si Ally. Saka bilang nagsisimula, willing to learn siya. Lahat ng bagay ina-accept niya.

"Parang sa bagay na yun nakakabilib kasi di naman lahat ng tao ganun ang pinanghahawakan sa sarili nila, yung kumpiyansa nila.

"Thankful din na binigyan ako ng oportunidad na makatrabaho ko siya, siyempre mag-explore ng genre o kahit na anong type ng music, so thankful."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda on his mission as an actor: "Tinanong ko ang sarili ko nung nag-i-start pa lang ako, kung itutuloy ko ba ito, ano ang real purpose ko? Ano ba talaga ang goal ko? Para ba ito sa sarili ko o para sa ibang tao? Ang sagot ko, para makapagpasaya at para din sa art." Seen on photo are Kelvin and his onscreen partners Angel Guardian (left) and Kate Valdez (right).
PHOTO/S: @itsangelguardian / @iamkelvinmiranda / @valdezkate_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results