PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Martin del Rosario on playing Prince Zardoz in Voltes V: Legacy

Martin del Rosario gives an update on ongoing production of Voltes V: Legacy.
by Melba R. Llanera
Published Dec 14, 2022
Martin del Rosario for Voltes V: Legacy
Miguel Tanfelix as Prince Zardoz in Voltes V: Legacy: "Physically nag-prepare rin ako... Makanto yung mukha ni Prince Zandro so para medyo may resemblance nagpapayat ako nang kaunti."
PHOTO/S: Martin del Rosario

Aminado ang Kapuso actor na si Martin del Rosario na may pressure ang pagkakapili sa kanya bilang Prince Zardoz para sa Voltes V: Legacy.

Sa 2023 nakatakdang ipalabas ang Voltes V Legacy, ang live action adapation ng GMA Network sa sikat na animé series noong 70s

Alam ni Martin na malaking responsibilidad ang naiatang sa kanyang balikat para gampanan ang isang napakahalagang papel bilang Prince Zardoz.

Si Prince Zardoz ang prinsipe ng Boazanian Empire na nais sakupin ang Planet Earth.

"May pressure kasi, una, galing siya sa animé so may basis siya na pagku-compare-an. Siguro it's my job na i-humanize si Prince Zardoz.

"Yun ang challenge sa akin kasi nasa gitna siya ng animé and human, yun ang kailangan kong gawin," saad ni Martin.

Nakapanayam ng PEP.ph ang Kapuso actor sa Esquire Philippines Man At His Best, na ginanap sa Shooting Gallery Studio Makati, noong November 26, 2022.

Ayon kay Martin, marami siyang preparasyong ginawa para sa role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo, tinapos ko. Nung panahon ko kasi, Power Rangers na yung uso, so ngayon kailangan ko manood ng lahat ng episodes.

"At the same time, physically, nag-prepare din ako. Medyo nagpapayat ako nang kaunti kasi from animé, e.

"Makanto yung mukha ni Prince Zandro so para medyo may resemblance nagpapayat ako nang kaunti.

"Of course, nagbasa ng script."

Kamakailan ay nag-renew ng kontrata sa GMA Network si Martin dahil masaya siya sa mga proyektong ipinagkakatiwala sa kanya ng istasyon.

"Super happy ako sa ibinibigay nilang breaks sa akin ngayon, binigyan nila ako ng napakagandang role as Prince Zardoz sa Voltes V Legacy.

"Marami silang plans for me and I'm very happy to be a Kapuso," sabi niya.

Sa ngayon, tigil muna si Martin sa paggawa ng mga pelikula dahil nakapokus ang atensiyon niya sa Voltes V: Legacy.

"Wala pa kasi, right now, nakatali pa ako sa Voltes V. Pero ngayon patapos na kami. Malapit na kami sa dulo, siguro five to six tapings na lang then we're done na," banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VOLTES V: LEGACY SUMMARY

Ang kuwento ng Voltes V: Legacy ay tungkol sa tatlong magkakapatid na sina Steve (Miguel Tanfelix), Big Bert (Matt Lozano), at Little Jon Armstrong (Raphael Landicho).

Kasama nila ang mga kaibigang sina Jamie Robinson (Ysabel Ortega) at Mark Gordon (Radson Flores) na may misyong labanan ang humanoid aliens na Boazanians na planong sakupin ang mundo.

Ang makakalaban nila mula sa Boazanian Empire ay pangungunahan nina Prince Zardos (Martin del Rosario), Zuhl (Epy Quizon), at Draco (Carlo Gonzalez).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix as Prince Zardoz in Voltes V: Legacy: "Physically nag-prepare rin ako... Makanto yung mukha ni Prince Zandro so para medyo may resemblance nagpapayat ako nang kaunti."
PHOTO/S: Martin del Rosario
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results