Sa 2023 ay isang dekada na si Christian Bautista sa GMA-7.
Nagsimula ang career ni Christian sa ABS-CBN noong 2003 matapos maging runner-up sa singing competition na Star In A Million.
Lumipat siya sa Kapuso Network noong 2013.
Walang reklamo ang romantic balladeer sa kinabibilangang network na aniya'y nagpapakita sa kanya ng pagpapahalaga.
Sa katunayan, naging emosyonal si Christian nang mag-renew siya ng kontrata sa home network noong July 2021.
“Ewan ko ba. Pag tumatanda, nagiging emotional!” natatawang pagbabalik-tanaw ni Christian sa interview ng PEP.ph noong October 2022.
Paliwanag ni Christian, naiyak siya dahil ipinaramdam sa kanya ng Kapuso network na importante siya.
Pahayag niya, “Parang here’s a network who decides to renew you; to give you a contract; to give you work; who sees your value; who sees what you can deliver; and what you can contribute to the station."
Diin pa ng singer-actor, “Not everyone gets that.
“So to get that, I was just really grateful na natigilan ako nang konti, hindi ako makasalita nang konti, when I was saying my thank yous.”
Pagkatapos nga raw ng virtual contract signing ay nag-message pa sa kanya ang network executives para batiin siya.
“So it was really nice to hear, to feel that you’re wanted, to feel that people still want to work with you.
“It’s nice. It’s a very nice feeling, especially during a pandemic, di ba?
“So that was really a nice moment,” saad ni Christian.
TWO DECADES IN THE INDUSTRY
Ipagdiriwang ni Christian ang kanyang 20th anniversary sa entertainment industry ngayong 2023.
Ano ang pakiramdam niyang tumagal siya sa showbiz?
Tugon niya, “It is a blessing. It was a rollercoaster. May mga highs, may mga lows, may mga victories, may mga struggles…
“Pero kung tuluy-tuloy ka lang, talagang marami kang mararating.
“If you really revive your passions and if you really want… if you want to do more or do new things, then talagang other avenues can open up.”
Sa ngayon, excited si Christian sa mga puwede pa niyang gawin bilang isang alagad ng sining.
“At the same time, okay, after 20 years, what’s next? What else should I do? What else can I do? Who else can I help?
“Ano pang mga different paths? Ganyan… ang daming mga realizations.”
Looking forward si Christian na ipagdiwang ang kanyang dalawang dekada sa industriya sa isang concert ngayong January 2023.
