Nakachika ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennica Garcia sa special screening ng Dirty Linen, ang upcoming series ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN, na ginanap sa Cinema 17 ng Trinoma Mall nung nakaraang January 11.
Nang kumustahin namin ang relasyon nila ng asawa niyang si Alwyn Uytingco, nakiusap si Jennica na kung maaari ay huwag nang magtanong tungkol sa issue.
Matatandaang nauwi sa hiwalayan ang pagsasama ng dalawa noong early 2021, pero noong Oktubre din ng nasabing taon ay sinubukan nilang magkaayos at buuin muli ang kanilang pagsasama.
READ: Jennica Garcia dismisses speculations she and Alwyn Uytingco have reconciled
READ: Jennica Garcia admits she and husband Alwyn Uytingo are fixing their marriage
Wala nang lumabas na balita tungkol kina Alwyn at Jennica mula noon, kaya inakala ng lahat na naayos na kung anuman ang naging problema.
Pero kahit umiwas si Jennica na magsalita tungkol sa isyu, kinumpirma naman niya na hindi na sila nagkaayos pa ng ama ng mga anak.
Maikli niyang pahayag, "Sorry po no questions regarding Alwyn. Wala akong masasabi kundi we tried but it didn't work out. Yun lang po talaga."
Nang tanungin namin kung ano ang usapan nila pagdating sa kanilang dalawang anak ay umiwas na talaga na magkomento pa si Jennica.
Giit niya, "Sorry po, I will not comment, sorry po."
JENNICA MARKS TV COMEBACK AFTER SEVEN YEARS
Magbabalik-telebisyon si Jennica sa seryeng Dirty Linen na mapapanood sa January 23, 9:30 pm sa Kapamilya Channel, TV5 at A2Z.
Excited si Jennica sa karakter na gagampanan niya bilang Lala, kaya pinaghandaan niya nang husto ang role na pinagkatiwala sa kanya.
"Nung una excited talaga ako, pero ngayon nangingibabaw sa akin yung takot. Siguro mamaya pag napanood niyo, maiintindihan ninyo kung bakit."
"Ako dito si Lala. Nagsimula akong mag-artista seventeen. Thirty-three na ako ngayon, pero ito kasing role ko kasi, sa tinagal ko sa industriya, ngayon pa lang ako gumawa ng ganitong klaseng karakter. Kaya naman talaga yung pressure ko nandito [sabay turo sa lalamunan].
"Describe my character in one word? Fierce. Preparations? I had to make a Spotify playlist to boost my confidence and make myself fit for the role."
Panay din ang papuri ni Jennica sa mga co-stars niya gaya nila Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin at iba pang kasama sa serye.
"Napakabuti nila, napakabuti nilang lahat. Masayang-masaya ako dahil para kaming isang pamilya. Alam kong sa February 28 pa matatapos ang taping namin, pero di pa man nangyayari yun, alam kong mami-miss ko sila nang sobra."
Pitong taon na ang nakalipas mula noong muling napanood si Jennica sa telebisyon.
Ngayong mapapanood na siya sa serye ng ABS-CBN, nangangahulugan ba itong isa na ring Kapamilya star si Jennica?
"Oo nga, seven years is seven years. Matagal din akong nahinto.
"Kapamilya? Freelance artist naman ako," paglinaw niya.
