PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Atienza's daughter Chi shocked

Will Maynila make a comeback on GMA-7?
by Jojo Gabinete
Published Jan 27, 2023
chi atienza maynila theme song
Chi Atienza-Valdepenas (left), daughter of former Mayor Lito Atienza (bottom, in printed polo with Shaira Diaz and David Licauco): "Hearing from Kakai [Bautista, upper photo] na siya pala ang kumanta makes us grateful na kasama pala kami sa umpisa ng kanyang karera. Marami ang mga baguhang artista na nag-umpisa sa Maynila at marami sa kanila ngayon, big artists na talaga, kaya isa ito sa fulfilling side ng pagpo-produce ng Maynila."
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Isang malaking sorpresa sa publiko ang rebelasyon ni Kakai Bautista na siya ang kumanta ng theme song ng Maynila, ang weekly award-winning romance drama anthology ni former Manila City Mayor Lito Atienza na napanood sa GMA-7 mula December 1999 hanggang December 2020.

May kinalaman ang coronavirus pandemic sa pamamaalam ng Maynila sa telebisyon.

Pero lumipas muna ang dalawampu’t tatlong (23) taon bago ipinagtapat ni Kakai noong Huwebes, January 26, 2023, na siya ang umawit sa theme song ng programa.

Read: Kakai Bautista shocks netizens, fellow celebs after revealing she sang "Maynila" theme song

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-miss nila ang Maynila na kinalakihan nila at malaking bahagi ng kanilang buhay “ karamihan sa reaksiyon ng mga nakapanood sa video ni Kakai habang kinakanta nito ang" Maynila," na komposisyon ni Vince de Jesus at ni-record niya noong 2000.

maynila comments

maynila comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

maynila comments

maynila comments

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MAYOR ATIENZA'S DAUGHTER ALSO IN SHOCK

Kung nagulat ang mga tao nang malaman nilang si Kakai ang umawit ng "Maynila," higit na nasorpresa si Chi Atienza-Valdepenas dahil hindi rin nito alam na ang singer-actress ang kumanta ng theme song ng programa ng kanyang ama.

Si Chi, anak ni Mayor Atienza, ay dating member ng Star Circle ng ABS-CBN at occasional host ng Maynila, lalo na tuwing kumakandidato sa local at national elections ang kanyang ama.

Read: Maynila ng GMA-7, siguradong magbabalik; Chi Atienza-Valdepenas, hindi nabakante

Natuklasan lamang ni Chi na ang boses ni Kakai ang nasa likod ng theme song ng Maynila dahil nakipag-ugnayan sa kanya ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes para hingin ang panig niya tungkol sa rebelasyon ng singer-actress.

“Honestly, hindi ko alam na si Kakai ang kumanta ng theme song ng Maynila.

“We just contracted a group to make it and they had it approved, so hindi namin alam na si Kakai pala ang kumanta kaya talagang nakakatuwa to know na siya pala,” sabi ni Chi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw natapos ni Chi ang panonood sa revelation video ni Kakai dahil naaalaala niya ang Maynila kaya nalungkot at napaiyak siya.

Dahil sa viral video ni Kakai, na-miss ng mga tao ang namaalam na TV show ng former mayor ng Maynila.

Ganito rin ang nararamdaman ni Chi, na isa sa mga host ngayon ng Rise and Shine Pilipinas, ang morning program ng PTV4, at ng Ulat Bayan na napapanood naman tuwing Sabado sa government television network.

At bilang dating artista rin siya, nagkaroon si Chi ng special participation sa mga drama anthology show ng Regal Entertainment sa GMA-7.

Lahad niya, “Maynila was first produced by my sister Alessandra Atienza. I took over its production eight years ago lang.

“During the start ng Maynila, I was also just a teenager kaya childhood ko rin ang Maynila.

“I started my career sa showbiz when I was 15 years old and lumalabas rin ako noon sa Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, kung ano ang nararamdaman ng mga tao about the song, yan din ang nararamdaman ko.

“Mga magagandang alaala ang na-reminisce ko nung kinanta ito ni Kakai, and I’m thankful for the twenty years na nakasama ko rin ang Maynila sa buhay namin.

"And in God’s perfect time, babalik rin ang Maynila para magbigay-ligaya sa puso ng ating mga kapamilya.”

WILL MAYNILA RETURN TO TELEVISION?

Si Chi ang sumagot sa tanong ng bayan tungkol sa posibilidad na pagbabalik sa telebisyon ng Maynila na isinara dahil nga sa pandemya.

May hatid na pag-asa ang pahayag niya.

“Actually, ako rin na-miss ko ang Maynila," sambit ni Chi.

"Maynila has been on air for 20 years, and due to the pandemic we had to temporarily close the show.

“As much as we wanted to keep it on air dahil sa demand ng viewers, and para rin sa production team namin, talagang mahirap ituloy ang Maynila noong kasagsagan ng pandemya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In terms of future plans to revive the show, meron pa rin plano. Our line of communication with GMA-7 is still open and humahanap lang kami ng perfect timing to relaunch."

Dagdag pa niya, “Maynila was a hot bed for new talents — as stated by Joey Abacan, ang head ng GMA 7 programming.

“When the show was conceptualized and made years ago, lahat ng kasama namin were relatively new rin.

“We contracted people to make this song for us, pero hindi na namin alam ang mga detalye tungkol sa sino ang mga actual na bumuo ng theme song.

“So hearing from Kakai na siya pala ang kumanta makes us grateful na kasama pala kami sa umpisa ng kanyang karera.

“Marami ang mga baguhang artista na nag-umpisa sa Maynila at marami sa kanila ngayon, big artists na talaga, kaya isa ito sa fulfilling side ng pagpo-produce ng Maynila."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chi Atienza-Valdepenas (left), daughter of former Mayor Lito Atienza (bottom, in printed polo with Shaira Diaz and David Licauco): "Hearing from Kakai [Bautista, upper photo] na siya pala ang kumanta makes us grateful na kasama pala kami sa umpisa ng kanyang karera. Marami ang mga baguhang artista na nag-umpisa sa Maynila at marami sa kanila ngayon, big artists na talaga, kaya isa ito sa fulfilling side ng pagpo-produce ng Maynila."
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results