PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former child actress Xyriel Manabat back to acting in daring role

Xyriel admits having non-showbiz boyfriend
by Melba R. Llanera
Published Jan 29, 2023
Xyriel Manabat on doing sexy roles.
Xyriel Manabat on the possibility of accepting sexy and daring roles: "For me, kung kaya kong bigyan ng justice, wala namang mali if part siya ng role at di pinilit lang just to be sexual. If it's part of the role, of the story, sure, pero kung dahil mas sexier, mas sexual, hindi. It really depends sa story."

Marami ang nagulat na ang dating batang Xyriel Manabat na nakilala sa mga seryeng 100 Days To Heaven, Hawak Kamay, at Momay ay nagbalik-showbiz na at sumasabak sa isang daring role.

Gaganap siya bilang kontrabida/bida sa bagong teleseryeng Dirty Linen.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Xyriel sa nakaraang special screening at red carpet presentation ng Dirty Linen na ginanap sa Cinema 7 ng Trinona mall nung January 11, sinabi nito na bukas na siya sa pagtanggap ng mga sexy roles pero depende pa rin istorya.

Paglinaw niya, "Siyempre kailangan pa ring ipaalam sa Star Magic.

"For me, kung kaya kong bigyan ng justice, wala namang mali if part siya ng role at di pinilit lang just to be sexual.

"If it's part of the role, of the story, sure, pero kung dahil mas sexier, mas sexual, hindi. It really depends sa story."

Sa pagbabago ng imahe ni Xyriel, natanong kung mayroon ba siyang pinaghahandaan na isang proyekto na dapat abangan ng mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

XYRIEL reveals HER "LIBERATED, OPEN AND REAL" SELF

Lahad niya, "Siguro di siya sa pinaghahandaang iba. Magiging iba lang siya kasi nakasanayan nila yung batang Xyriel. Siguro ngayon liberated, open and real.

"Actually, di naman liberated pero more of di takot or conservative as what the usual tradition ng mga Filipino culture.

"Pero di naman liberated na pag pumasok sa isip mo, wild na. Di ganun, balanced pa rin."

Para kay Xyriel, ang mas ikinakakaba niya sa pagbabagong image niya ay ang magiging reaksyon dito ng mga manonood na nakasanayan na ang mga roles niya dati.

Saad niya, "Sa akin hindi, pero siguro sa mga manonood. Sa kanila siguro mahirap, kasi yun ang tumatak sa kanila, so mahihirapan talaga sila na mag-iba ang image ko sa kanila."

XYRIEL MISSES HER SHOWBIZ LIFE

Napapanood ngayon sa seryeng Dirty Linen ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment, aminado si Xyriel na na-miss niya ang showbiz sa kabila na na-enjoy din niya ang normal na buhay nung pansamantala niyang tinalikuran ang showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin niya, "Bumalik lahat ng memories nung nagtatrabaho ako nung bata ako. Sobrang nakaka-excite, mixed emotions talaga. Parang may pressure, excited na ewan. Sobra yung feeling.

"Sobra kong na-miss, di ko inexpect na mami-miss ko siya, kasi parang kampante ako dati na, 'ah, gusto ko normal life na.'

"Ngayong bumabalik ako, grabe ko pala siyang na-miss, grabe ko siyang kine-crave."

"Happy ako na nahabol ko ang mga na-miss ko since maaga ako nag-work.

"Nakapag-school ako nang dire-diretso, nakagala ako nang walang iniisip na schedule, nakakagising ako ng tanghali na walang iniisip na may taping ako nang maaga, may pull-out ako ng ganitong oras. Siguro na-miss ko lang ang regular life."

XYRIEL ADMITS HAVING NON-SHOWBIZ BOYFRIEND

Sa ngayon ay may non-showbiz boyfriend si Xyriel na pinagpapasalamat niya na suportado ng kasintahan ang kanyang pagbabalik-showbiz.

Pag-amin niya, "Ngayon po mayroon, student siya, same age kami. Bago pa lang.

"Hindi naman mahirap, naiintindihan naman niya yung sitwasyon, so di mahirap."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xyriel Manabat on the possibility of accepting sexy and daring roles: "For me, kung kaya kong bigyan ng justice, wala namang mali if part siya ng role at di pinilit lang just to be sexual. If it's part of the role, of the story, sure, pero kung dahil mas sexier, mas sexual, hindi. It really depends sa story."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results