Kasado na ang selebrasyon para sa ika-60 anibersaryo sa showbiz ni Star for All Seasons Vilma Santos.
Mapapanood ang Anim na Dekada... Nag-iisang Vilma sa February 18, 2023, 8:30 p.m., sa ABS-CBN via Kapamilya Channel.
Ayon kay veteran writer Ed de Leon, na siyang consultant ng showbiz anniversary celebration ng actress-politician, kakaiba ang concept ng show dahil si Vilma lang ang natatanging star ng entire celebration.
Ang celebrities na inimbitahan for the event are not performing on stage, at naroon lang bilang part ng audience.
Balik-ABS-CBN ang King of Talk na si Boy Abunda para interbyuhin si Vilma. Ipakikita sa malaking screen on stage ang videos ng mga pelikula ni Vilma, at hihingan ang aktres ng insights tungkol sa mga ito.
Pero bago mag-react ang iba, naipaalam na ni Boy sa GMA-7 ang pagbabalik niya sa Kapamilya Network bago pa man siya pumirma ng kontrata sa Kapuso Network.
At this writing, ang tanging production number ay ang pagkanta ni Concert Queen Pops Fernandez ng isang original song na kinompose para lang sa Star for All Seasons.
Ngayong Huwebes, February 9, ang taping ng 60th anniversary concert show ni Vilma sa Dolphy Theater at idinirek ito ni Alco Guerrero.
Karaniwang sine-celebrate ng Vilmanians ang showbiz anniversary ng aktres tuwing buwan ng Nobyembre dahil ito rin ang buwan ng birthday ni Vilma.
Pero sa pagkakataong ito ay pagsasabayin nila sa Pebrero ang selebrasyon ng birthday at showbiz anniversary ng Star for All Seasons.
Memorable ang buwan ng Pebrero para sa showbiz career ni Vilma dahil February 21, 1963, ang opening day ng launching movie niya na Trudis Liit na ipinalabas sa Life Theatre.
More hot stories on PEP.ph:
- Former Kapuso host Kiko Rustia weighs in on Willie Revillame's rant: “Wow. Sya pa ang inapi?”
- Male celebrity na may magandang misis, spotted na may kasamang ibang dilag sa Japan
- Aktres, tinanong ang dating karelasyong aktor tungkol sa pagkaka-link nito sa kapwa lalake
- Influential politician, nakipagbalikan sa sexy singer-actress pero dumadalaw rin sa condo ng young actress
- Marilag na artista, pumutok ang breast implant matapos aksidenteng nasubsob
