Humingi ng paumanhin ang produksiyon ng FPJ's Batang Quiapo sa mga miyembro ng Muslim community na nasaktan at nadismaya sa isang eksena sa episode ng ABS-CBN primetime series na umere noong February 14, 2023.
Maraming netizens, partikular na ang mga Muslim, ang umalma sa eksenang pagnanakaw ng karakter ni Coco Martin (Tanggol) at paghingi niya ng saklolo sa kaibigang Muslim na si Abdul (Rez Cortez) noong pinaghahabol siya ng kapulisan.
Read: Coco Martin admits his biggest mistake in life is being a director
Hindi natuloy pasukin ng mga pulis ang kutang pinagtaguan ni Tanggol dahil sa takot nila sa mga armadong Muslim na tumulong sa kanya.
Dahil dito, ilan sa mga kapatid na Muslim ang naglabas ng reaksiyon at saloobin sa kanilang napanood.
Anila, ang naturang eksena ay hindi kailanman katanggap-tanggap sa kanilang paniniwala at isang uri ng diskriminasyon.
Wala raw sa aral ng Islam ang pagkunsinti sa paggawa ng masama lalo't higit sa pagnanakaw.
May ilan din sa kanila ang nanawagan na i-boycott ang FPJ's Batang Quiapo dahil sa pagpapalabas nito ng mga maling impormasyon tungkol sa kanilang komunidad.
BATANG QUIAPO OFFICIAL STATEMENT
Sa pamamagitan ng official statement ngayong Huwebes ng gabi, February 16, 2023, humingi ng paumanhin ang programa sa mga na-offend lalo na sa mga kababayan nating Muslim.
Ayon sa kanila, ang mga kuhang eksena ay hindi sinadya para makapanakit ng iba.
Mababasa sa post ng Dreamscape Entertainment (published as is): "Nais naming humingi ng taos-pusong paumanhin sa mga manonood lalo na sa mga miyembro ng Muslim community na nasaktan sa isang eksena ng "FPJ's Batang Quiapo" na umere noong Pebrero 14.
"Nauunawaan namin ang mga naghayag ng opinyon at damdamin tungkol dito at sinisiguro namin na walang masamang intensyon ang programa na diskriminahin, saktan, at ilarawan ang ating mga kababayang Muslim sa negatibong paraan.
"Nangangako rin kaming maging sensitibo sa paghahatid namin ng kwento ni Tanggol at ng kanyang komunidad sa teleserye."
MTRCB REACTION
Maliban sa produksyon ng FPJ's Batang Quiapo, naglabas din ng opisyal na pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pangunguna ng chairperson nitong si Lala Sotto-Antonio.
Ayon kay Soto-Antonio, isinasaayos na ng ahensiya ang kanilang mga alintuntunin sa mga programa sa telebisyon at pelikula lalo na pagdating sa "cultural and religious sensitivities" ng mga Pilipinong Muslim.
Humingi na rin daw ng dispensa sa MTRCB ang producer ng FPJ's Batang Quiapo kalakip ng kanilang pangakong makikipagtulungan sila sa ahensya para hindi na maulit pa ang insidente.
READ MORE:
- Pen Medina reveals Coco Martin's financial assistance; Coco reacts
- FPJ's Batang Quiapo pilot episode, sobrang lakas online; Maria Clara at Ibarra, extended ng one week
- Coco Martin, posibleng ipasok sa Batang Quiapo ang mga nakasama niya sa Ang Probinsyano
- Coco Martin's reason for staying healthy and happy: "Maraming umaasa sa akin."
- Coco Martin wants to give Julia Montes “ring” as a Valentine's gift
