Umani ng samu’t saring komento at reaksiyon ang naging pagganap ng Kapuso actor na si Dennis Trillo sa historical portal fantasy ng GMA-7 na Maria Clara at Ibarra.
Sa episode ng serye nitong Martes, February 21, 2023, tuluyan nang namaalam ang karakter ni Dennis.
Kasabay nito ang pag-trending ng kanyang pangalan sa Twitter Philippines dahil sa madamdamin niyang pagkamatay na nagsilbing finale episode na rin niya bilang si Crisostomo Ibarra at Simoun.
Read: Team behind Maria Clara at Ibarra reveals who stands out best among impressive cast
Ipinost pa ni Dennis sa kanyang Instagram ang behind-the-scene video kuha sa kanyang huling eksena, kalakip ng kanyang pasasalamat sa lahat ng tumangkilik sa top-rating Kapuso primetime series na Maria Clara at Ibarra.
Mababasang caption sa kanyang post (published as is), “Nais kong ibahagi ang mga kaganapan sa pagtatapos ng aking huling eksena, sa maituturing kong isa sa pinakamakabuluhan at importanteng proyektong kinabilangan ko.
“Nais kong magpasalamat ng buong puso sa bawat tao ng naghirap para pagandahin ang programang ito, at siyempre walang tagumpay kung wala ang mga tumatangkilik. Salamat sa iyo, na minahal at naglaan ng oras para panoorin ang palabas, tenkyu (Praying and heart emoji) mahal ko kayo, hanggang sa muli.”
Read: Huling episode ni Dennis Trillo sa Maria Clara at Ibarra, trending na, panalo pa sa ratings
Sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang komento ng paghanga, pagbati, at pagsaludo ng kanyang fans at ilang kasamahan sa serye.
Proud na nagkomento ang leading lady niyang si Julie Anne San Jose, na kamakailan lang ay namalaam din sa kanyang karakter bilang si Maria Clara.
“Salud,” saad ni Julie na ang ibig sabihin sa English ay cheers.
Read: Julie Anne San Jose bids farewell to Maria Clara at Ibarra
Ilan din sa mga bumati kay Dennis ay ang mga co-star niyang sina Rocco Nacino, Juancho Trivino, David Licauco, at Jon Lucas.
Komento ni Rocco, “Napakagaling brother! Honor to always work with you! Congrats bro @dennistrillo!”
Saad ni Juancho, “Congratulations kuya [pray emoji].”
Red heart at hands up emoji naman ang iniwang komento ni David.
Nagpasalamat naman si Jon kay Dennis sa natatangi nitong pagganap, “Salamat sa lahat Ginoo [heart emojis].”
Binati rin si Dennis ng GMA Network's Senior Vice President for Entertainment na si Lilybeth Gomez-Rasonable.
Sabi nito, “Isa ako sa mga pumalakpak (at lumuha) sa eksenang ito kanina! Napakahusay mo! Take a bow @dennistrillo! Ipinagmamalaki kita. Ipinagmamalaki ko kayong lahat! [clap emojis].
Maging ang Kapuso actress na si Carla Abellana at ang Kapamilya singer na si Jona ay napahanga sa husay ni Dennis.
“Bravo!!!![clap emojis],” comment ni Carla, na naging co-star ni Dennis sa teleseryeng My Husband's Lover (2013).
Sabi naman ni Jona, “Amazing as always kuya Den [clap emojis].”
Sa Biyernes, February 24, 2023, nakatakdang magwakas ang Maria Clara at Ibarra.
Read: GMA-7 exec Cheryl Ching-Sy retraces how Maria Clara at Ibarra was born
Papalitan ito ngmega-serye na Mga Lihim ni Urduja na pagbibidahan naman nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.
Read: Kylie Padilla, inusisa tungkol sa Valentine's Day post ni Aljur Abrenica kasama si AJ Raval
