Aminado si Julie Anne San Jose na mas minahal niya ang kasaysayan ng Pilipinas nang bigyang buhay ang dalawang nobelang gawa ng pambansang bayani na si Jose Rizal sa Maria Clara at Ibarra.
Matagumpay na ipinalabas sa defunct mega-serye ng GMA-7 ang reimagined version ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Julie na may karanasan siya na kahawig sa Gen Z role ni Barbie Forteza sa show na si Klay.
"Kasi dati, ang Noli at Fili… Aminin na natin, kasi, noong nag-Rizal class ako nong college, hindi ko sinasadyang makatulog.
"Kasi, ito nga yung time na nagte-taping ako, tapos, didiretso ako ng school. Pero, alam ko naman ang buod ng dalawang libro."
Si Julie Anne ay nagtapos ng Mass Communication sa Angelicum College sa Quezon City noong 2016.
May pagkakataong nahuli siyang natutulog sa kanyang Rizal class noon.
Patuloy niya, "Tapos, napagalitan pa ko ng professor ko. 'Julie, natutulog ka na naman sa klase ko.'
"'Naku, sorry po, Sir, pagod lang po talaga ko.'
"Hindi naman ako na-bore, talagang pagod lang ako, hindi pa ko natutulog.
"Pero ano naman, okay naman siya. Naipasa ko naman ang klase."

ON AUDITIONING FOR MARIA CLARA AT IBARRA
Hindi na raw talaga malilimutan pa ng "Asia’s Limitless Star" ng GMA-7 na si Julie Anne ang Maria Clara at Ibarra kunsaan kinilala siya bilang isang mahusay na aktres.
Ilang beses siyang nagpangiti at nagpaluha sa mga manonood dahil sa pagbibigay-buhay niya sa katauhan ni Maria Clara sa mga libro ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
"I don’t know where to begin with," masayang reaksyon ni Julie Anne.
Unang naibalita sa PEP.ph Anatomy of a History Serye ng Maria Clara at Ibarra na napa-wow ang creators ng show nang magpadala ng audition piece si Julie noon.
READ: "Noli yarn?" How GMA-7's hit teleserye Maria Clara at Ibarra came about
READ: Team behind Maria Clara at Ibarra reveals who stands out best among impressive cast
Ayon naman kay Julie, "If it wasn’t for GMA na nag-produce ng ganitong klaseng show, nakakatuwa lang talaga.
"At saka siguro, kung hindi ako nag-audition, baka hindi ako si Maria Clara.
"Nag-audition talaga ko. Kasi isang araw, tinawagan ako if free ako sa ganito. Sabi ko, 'Okay naman po, wala naman akong work.'
"Tapos sabi, 'Okay ka lang ba na mag-audition for Maria Clara?' Sabi ko, 'Sige po.'
" Tapos, binigyan na nila ko ng monologue na Tagalog na may Espanyol na may Latin. Yung nagdarasal ako sa tore, yun po ang audition piece ko na may monologue."

Mabilis daw ang mga sumunod na pangyayari.
"Hanggang sa nag-audition ako. Tapos inaral ko yung Latin prayer at mga Espanyol.
"At first, hindi ko alam sabihin kasi, wala pa naman kaming lesson non at hindi ko alam kung matatanggap ako. Sabi ko, 'Sige, let’s give it a shot.'
"Tapos, wala namang nag-confirm sa akin. Biglang, 'O, may meeting tayo, Zoom. Ganito, ganyan.'
" Sabi ko, 'Nakuha ko ang role?' Ang surreal. Kasi, hindi ko talaga alam ang gagawin.
"Hanggang sa nag-sink-in na lang sa akin na, 'Oh my gosh, hindi ko alam. Kaya ko ba ‘to?’
"Yun talaga ang nasa isip ko, 'Kakayanin ko ba to?' Kasi ang bigat ng character."
ON OWNING HIS ROLE AS MARIA CLARA
Inamin ni Julie na na-pressure raw talaga siya sa role at na-excite rin.
"I’ve never done anything like this before, tapos, ang layo niya rin sa akin. So, kailangan ko siyang gawan ng character sketch, analysis. Ano ba mga nuances.
"And thankfully, nagawa ko naman siya at tinulungan naman ako nila Direk Zig [Dulay], yung mga writers. Tapos, siyempre, yung Spanish coach."
Marami rin daw ang nagtatanong sa kanya kung anong proseso ang ginawa niya para magampanan ng tama ang karakter ni Maria Clara.
"Hindi ko rin alam, hindi ko rin alam kung paano ko siya nagawa," natawang sabi niya.
"Basta sa set, ako, alam ko na ako si Maria Clara. And I also believe, the costume really helped.
"Kapag naka-costume ka kasi, magbabago lahat. Yung postura mo, pananalita mo, how you move. Alam mo kung papaano ang lahat."

Sa isang banda, nagtapos man sa telebisyon ang Maria Clara at Ibarra, mapapanood naman ito sa online streaming na Netflix simula April 14.
Sabi namin kay Julie, kahit na ilang teleserye at mga pelikula na rin ang nagawa niya, masasabing iba talaga ang nagawa sa kanya ng Maria Clara at Ibarra.
"Thank you po," nakangiting sagot niya.
"Nakaka-proud. Parang, 'Okay Julie, job well done.' Parang mapa-proud ka rin sa sarili mo.
"I really did my best para gampanan yong role dahil alam kong hindi siya ganon kadali at challenging talaga siya.
"Ang iconic ng role at face siya ng Pilipinas. Sa lahat ng history book natin, nando’n siya."
WHAT'S NEXT FOR JULIE ANNE SAN JOSE?
Isang bagong hamon para kay Julie ang susunod na tatanggapin niyang teleserye sa GMA-7.
Sabi niya, "Depende po sa role or depende sa character. Kasi, siyempre, kailangan talaga paghahandaan mo. Kahit anong character pa yan, kailangang paghahandaan.
"So I guess, yung pressure is kung gaano kabigat character or kung gaano kagaan ang character.
"Kasi, parang magsusuot ka na naman ng panibagong shoes, panibagong damit. But at the same time, nakaka-excite kasi don ako natuto sa mismong process ng paggawa."
Ang susunod na acting project ni Julie ay ang pelikulang pagtatambalan nila ni Rayver Cruz sa ilalim ng GMA Pictures, ang The Cheating Game.
Excited si Julie dahil hindi basta pa-tweetums lang ang mga karakter nila.
Kumportable siyang kapareha ang nobyong si Rayver?
"Oo naman," mabilis niyang sagot.
"Kasi, kapag mas kumportable ka sa tao, wala ka ng inhibitions, wala ka ng iisipin, e.
"Although siyempre, you have to acknowledge each other’s mood, ano ang pakiramdam ng isa’t isa.
"Pero, never naman akong nahirapang katrabaho si Rayver. Magaan katrabaho si Rayver."
ON HER LOVE LIFE
Noong nakaraang Valentine’s Day, naging bukas si Julie sa pagbahagi na kasama niya si Rayver at mga kapamilya sa pagdiriwang ng Valentine's Day sa isang resort sa Batangas City.
READ: Here's how these Pinoy love teams celebrated Valentine's Day
Wala raw problema kay Julie ang maging open sa kanyang love life ngayon.
"Yes, very comfortable,” pag-amin niya sa relasyon nila ni Rayver.
"Very happy kasi, masaya lahat. Masaya kaming dalawa. Masaya ang family, both families namin.
"At saka, tanggap. Yun ang pinaka-importante sa lahat."
Malaking bagay daw na suportado sila ng kanyang pamilya.
"Mahirap kasing gumalaw kapag maraming kontra, pero sa amin namang dalawa ni Ray, alam mo yung close kasi kaming dalawa ever since.
"Mas lalo ko siyang nakilala. Mas lalo naming nakikilala ang bawat isa. Mas naiintindihan namin ang isa’t-isa.
"Kaya parang masaya lang, wala kang iisipin kasi, kasi comfortable ka sa tao. Kilala mo ang tao for who he is."
