PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derrick, Elle Villanueva in 'Ligaw'

Derrick, Elle narrate how their love blossomed on the set of Return to Paradise
by Rose Garcia
Published Mar 26, 2023
Derrick Monasterio and Elle Villanueva for Return To Paradise
Despite their actions speaking louder than their words, Derrick Monasterio and Elle Villanueva clarify that their relationship is still at the "ligaw stage." Elle reiterates, “Meron kaming relationship which is very special now. Pero hindi pa po kami. Ligaw stage pa.”
PHOTO/S: Pau Gueverra

Kung pagmamasdan ang mga Sparkle artists na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva, marami marahil ang magsasabing mukhang “sila na,” pero pareho ang paglinaw ng dalawa na nasa “ligaw stage” pa lang daw sila.

Nakausap sina Derrick at Elle ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media sa naging contract signing nila bilang mga celebrity endorsers ng Dermplus Moisturizing Sunscreen sa Luxent Hotel kamakailan.

Ayon kay Elle, “Meron kaming relationship which is very special now. Pero hindi pa po kami. Ligaw stage pa.”

Natatawang hiniritan naman ni Derrick si Elle na, “Showbiz!”

Pero sabi niya rin, “Oo, ligaw stage, pero ine-enjoy lang ang company ng isa’t isa. Pero wala pa namang label. Kasi hindi pa naman niya ako masyadong sinasagot.

“Pero feeling ko malapit na.”

Si Elle naman ang natatawang humirit kay Derrick na, “Feeling!”

FINDING EACH OTHER AT THE RIGHT TIME

Ayon kay Derrick, nagsimula raw siyang magkaroon ng feelings o ma-in-love kay Elle noong ginagawa pa nila ang Return to Paradise, ang seryeng pinagtambalan nila sa GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sabi namin dito, ang alam namin, pareho silang may commitment sa iba. Si Derrick, meron siyang nililigawan noon at si Elle naman, balitang may karelasyon noong panahong yun.

Ano ang katotohanan doon?

“Siguro yung time na may someone ako that time, medyo dumating na kami sa point na malabo na ang nangyayari at hindi na kami ganung kasaya. Medyo nagdi-drift apart na kami,” lahad ni Derrick.

Sabi pa niya, “So, noong una naman kasi, parang hindi ko ine-expect na si Elle, magiging close ko. Ginagawa ko lang talaga ang work ko. Actually, clinose ko lang siya para maging comfy kami sa isa’t isa kapag may eksena. Pero wala, nagustuhan namin yung vibes ng isa’t isa.

“’Tapos, ending, parang naging ‘you and me against the world.’”

NOT A REBOUND RELATIONSHIP

Sa pagsabi niyang "you and me against the world" sila ni Elle, puwedeng isipin na hindi boto sa kanilang dalawa ang karamihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta ang pamilya nila, tulad ng mommy ni Derrick, okay ba si Elle dito?

“Yung mga ano lang… yung mga tao sa paligid-ligid. Pero like yung Mom ko, gusto naman niya si Elle,” saad ni Derrick.

Inamin naman ni Elle na noong ginagawa nga nila ni Derrick ang Return to Paradise, may boyfriend siya.

“That time, meron akong boyfriend. But then, medyo similar rin ang situation namin,” pag-amin niya.

“Actually, first meeting namin ng workshop, napag-usapan namin yun. We always talked about our personal relationship. Although before nung show, may nangyari kasi na hindi umaayon sa akin doon sa relationship ko with my ex.

“’Tapos, nag-drift away na lang din.”

Hindi kaya parang ‘love in rebound’ lang ang nangyayari sa kanilang dalawa?

“Well, kung ganito ang feeling ng rebound, gusto ko ng magkaroon ng rebound lagi,” buong ningning na sagot naman ni Derrick.

Nilinaw naman ni Elle na walang ano mang namamagitan sa kanila ni Derrick noong sila pa ng ex-boyfriend niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“No, parang impossible kasi, nung time na nasa island kami, close lang talaga kami. Nothing more than special than that. We were really close talaga.

“Nag-grow lang ang relationship namin and then, after ng show, around end of November, doon na siya nagsabi, doon na siya nagtapat.”

Naramdaman na rin daw ni Elle na may intensiyon na noon si Derrick. Pero ayon pa rin dito,

“Naramdaman ko, pero pareho kasi kaming kinu-close yung feelings.

“Kasi before, pareho kaming ayaw namin ng artista.”

ELLE NOTES POSITIVE CHANGES IN DERRICK

Dahil sinasabi nilang nasa ligaw stage pa lang sila, ano naman kaya ang mga dahilan pa para nga hindi pa sagutin ni Elle ang panliligaw ni Derrick?

“Kasi po meron siyang reputation na playboy,” natawang sagot ni Elle.

“Noong friends pa lang po kami habang nagti-taping, kinukuwento pa niya sa akin ang mga experiences niya. Kaya sabi ko, grabe naman ‘to, ang intense niya masyado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So for me, parang hindi ko talaga siya nakikita being my boyfriend nung time na yun. Unti-unti, pinapatunayan niya sa akin na he’s a good guy and surprisingly, ang laki ng in-improve niya. Pero sana, hindi siya sa una lang.”

Kinumusta namin si Elle kung ano ang mga pagbabago kay Derrick na nakita niya.

Ayon dito, “Well, unang-una, hindi siya puma-party. Pangalawa, yung routine niya every day, very consistent. Ang laki ng character growth niya. At kung ano ang gusto kong gawin, sinusunod niya.

“At saka, grabe yung effort niya. For example, nag-taping ako sa La Union, pinuntahan niya ako roon twice and then, he needed to go back here [Manila]. Grabe yung effort, nagugulat ako.”

NOT WORRIED ABOUT LOVE TEAM BILLING

Sa ngayon, may mga naririnig daw sila na may follow-up ang unang teleseryeng pinagsamahan nila.

Paano kung hindi na sila ang ipareha ng GMA Network sa susunod nilang proyekto? Malulungkot ba sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Well, oo, pero for our own growth din yun,” sabi naman ni Derrick.

“So, suportahan na lang. Palagi naman kaming nagkikita kahit hindi kami magkasama sa show. So, okay lang.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite their actions speaking louder than their words, Derrick Monasterio and Elle Villanueva clarify that their relationship is still at the "ligaw stage." Elle reiterates, “Meron kaming relationship which is very special now. Pero hindi pa po kami. Ligaw stage pa.”
PHOTO/S: Pau Gueverra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results