Jolina Magdangal hopes to make it to grand finals of Your Face Sounds Familiar

Jolina Magdangal, who values her family more than anything else, states her perspective about being a showbiz celebrity has changed. She says, "Kapag pala medyo grown-up ka na, ang iniisip na lang namin... trabaho para sa anak namin."


Hindi raw akalain ni Jolina Magdangal na marami ang matutuwa at kikiligin sa tambalan nila ni Carlo Aquino sa kanilang panghapong teleserye na Flordeliza.

Teenager na noon si Jolina ay bata pa lang si Carlo, kaya kahit daw ang actress-singer ay hindi inakalang darating ang panahon na magkakapareha pa sila.

Sabi ni Jolina, “Nakakatuwa kasi may following. Ang tawag sa amin, Arnold and Ida.

"Nakakatuwa kasi ang galing umarte ni Carlo.

“Nakakatuwa kasi may kilig.

“Natutuwa ako na nagkaroon ng followers. Natutuwa ako na marami ang nakaka-appreciate at marami ang kinikilig.

"Sa Twitter, ha, at saka kahit sa mga staff... meron sa staff na Team Arnold-Ida."

Dagdag pa niya, “Natutuwa ako and to think na si Carlo, bata sa akin yun, e.

“Ibig sabihin, ang galing niyang umarte para gawin niya akong little girl.

“Ang ganda rin ng role na napunta sa kanya bilang noong umpisa, lihim lang na nagmamahal na made-develop pala yun.”

Nagkataon din daw kasi na wala halos silang mga eksena ng ka-loveteam niya talagang si Marvin Agustin sa kuwento ngayon ng Flordeliza.

Ayon pa kay Jolina, “May asawa kasi siya sa story.

"Pero mahaba pa ang itatakbo ng kuwento, so hindi pa natin alam kung ano ang mga mangyayari.

“May asawa kasi kaya nilalagyan lang din ng anggulo na ito ang tama."

Sila ni Marvin, kumusta naman?

“Okey kami ni Marvin, yun nga lang, hindi kami nagkikita.

"Kapag nagkikita kami, nilalagyan niya ng mga nakakatuwang captions."


WORK AND FAMILY. Araw-araw ay napapanood si Jolina sa Kapamilya network.

Bukod sa Flordeliza, na mula Lunes hanggang Biyernes, mayroon pa siyang Your Face Sounds Familiar na napapanood naman tuwing Sabado at Linggo.

May balita ring may panibagong programa na naman siyang sisimulan.

Hindi ba siya nahihirapan lalo na’t may asawa at anak na siya?

Saad ni Jolina, “Yung hirap siguro, kasama ko lang palagi ang anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero minimal lang. Sanay ako na ganun.

“At saka siguro nag-a-adjust ako na dati pa naman, noong bata ako, araw-araw na may ginagawa.

“Pero ngayon nga, hindi ko puwedeng hindi intindihin ‘to.

“Pero gusto ko pa rin kahit na iniintindi ko siya, hindi ko napapabayaan yung kailangan kong gawin.

“Kung kailangan kong umiyak sa part na ‘to, kung kailangan mag-take na or sa Your Face… kailangan kong ma-rehearse ‘to.”


MAKING THE SCORE. Sa Your Face Sounds Familiar, isa si Jolina sa nakakakuha ngayon ng mataas na puntos mula sa tatlong judges.

Nanalo na si Jolina nang in-impersonate niya si Cher. Ano ang pakiramdam?

“Ang sarap, ang sarap!” bulalas niya.

“Kasi, ibig sabihin pala talaga, kapag nagaya mo nang bongga, maganda yung score na ibibigay sa ‘yo.

“Mas masarap yung feeling kasi naka-entertain ka na, tapos yung kalahati pa nun, mapupunta sa foundation na gusto mong matulungan.”

Pero naranasan na rin niyang mabigyan ng pinaka-kulelat na grade, nang bigyan siya ni Sharon Cuneta ng grade na 1.

Ano ang pakiramdam niya noon?

Sabi niya, “Noong una, since pilot yun, hindi naman sobra, pero nalungkot ako.

"Noong pangalawa, pangatlo na, kahit na mababa, parang okey na lang.

"Kasi, parang ang nangyayari sa amin ngayon, mairaos mo lang yung number mo nang maganda, feeling mo, nagawa mo.

“Kahit na ano pa ang ibigay nilang score, gusto mo, alam mo na na-perform mo nang maayos, okey na yun.

“At saka, parang naano na namin ang sarili namin na hindi kami nagko-contest dito.

“Nag-e-enjoy kami sa variety show na ito… kasi kapag na-pressure ka, baka hindi namin magawa.”

Hindi na siya nakakaramdam ng pressure ngayon?

“Hindi na,” sambit niya.

“Noong umpisa lang talaga, sabi ko, ayoko talagang mag-Lady Gaga kasi ang hirap niyang gayahin.

“Kasi kailangan nga maiba. Kung feeling mo, kayang-kaya ko, makikita mo ako dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, dapat hindi yun. Kaya ayokong mag-Lady Gaga.

“Tingnan mo si Jay-R, akalain mo bang mag-Pepe Smith yun, e, R&B yun, ‘di ba?

“So, dahil nakitaan mo ng bago, gulat.”

Patuloy ni Jolina, “Yung pressure, dahil sa sarili ko, hindi dahil sa laban namin.

“Hindi ako napi-pressure dahil ang galing nila.

"Sana magawa ko nang maayos, yun talaga.”


AIMING TO WIN. Nasabi ni Jolina sa presscon pa lang ng Your Face Sounds Familiar na hindi niya iniisip yung panalo.

Ngayon ba, gusto na niyang manalo sa grand finals nila?

“Oo,” pag-amin niya.

“Actually, kahit naman hindi manalo sa finals, pero sana makasama ako sa Top 4. Masayang-masaya na ako nun.

“Twelve weeks kasi na walang elimination, pero sa thirteenth week, yung top four na lang sa accumulated scores.

“Kaya sana, tumaas nang tumaas ang score.”

FROM SAS TO ASAP. Sa isang banda, tatlo silang mga dating magkakasama sa Kapuso network at sa musical show na Sunday All Stars na ngayon ay nasa Kapamilya network.

Halos magkakasunod na lumipat sa ABS-CBN sina Jolina, Kyla, at Jay-R.

May post pa nga silang lumabas sa Instagram na pare-pareho silang nasa ASAP 20.

Lahad ni Jolina, “Naglolokohan nga kami, 'Magpa-picture tayo tapos mag-hashtag tayo na SAS.'

“Pero kapag pala medyo grown-up ka na, ang iniisip na lang namin, like kami ni Kyla, trabaho para sa anak namin.

“Wala na yung mga ganun-ganun.

“Okey, nasa ASAP naman tayo ngayon, e, di ang saya. Wala na yung, 'Ano kaya ang masasabi?' Wala na.

“Siguro noong bata-bata pa kami. Pero ngayon, wala… magawa lang namin ang number na yun, masaya na kami.

“Masaya kaming nagkita kami dun, nagkatsikahan kami nila Jay-R.”

Simula ba nang lumipat siya sa ABS-CBN, may mga pangba-bash siyang nakukuha?

Nakangiting sabi niya, “Alam mo, wala. In fairness, wala.

“Siguro alam nilang ang tagal ko na rin naman sa industriya, na parang wala na akong kahit na anong network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, homegrown ako ng ABS at parang ang dami namang sumaya noong bumalik ako, ‘di ba?

“Siguro may nangba-bash, pero hindi ko lang din nababasa.

“Okey na lang din kasi mas marami ang natutuwa, like yung mga TFC subscribers, yung ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN