Ngayon ay eighteen years old na si Jillian Ward na nagkaroon ng isang pabulosong debut party noong February 25 sa Cove ng Okada Manila.
Ano ang maituturing ni Jillian na malaking pagbabago sa kanyang personal na buhay ngayong disiotso anyos na siya?
Pag-amin niya, “Sa totoo lang po, wala po masyado.
“Siguro po kasi since bata po ako nagwu-work na po ako, so alam ko na po yung mga responsibilities na kailangan ko pong… na naibibigay po sa akin.
“Siguro lang po mas may pressure po sa sarili ko, kasi siyempre gusto ko pong mag-improve pa, and gusto ko po na mas galingan ko pa, na mas marami pa po akong matutunan, since adult na rin po ako ngayon.
“So iyon po, mas may pressure lang po sa sarili, pero other than that po parang pareho lang din naman po.”
JILLIAN TAKES PRIDE IN HER DISCIPLINED UPBRINGING
Karamihan sa mga bagong nagdadalaga, mas binibigyan na ng kalayaan ng kanilang mga magulang; si Jillian ba ay katulad rin ng ibang mga babae?
Mas pinapayagan na ba siyang lumabas ng medyo hatinggabi na? Pinapayagan na ba siyang magmaneho na hindi kasama ng parents niya?
Lahad niya, “Alam niyo po, ever since po, never po akong lumabas na hindi ko po kasama either si Mama or si Papa or Tita ko po, ganun.
“So parang istrikto pero mas naiintindihan po nila ngayon na kunwari gusto ko pong gumala pero kasama ko pa rin po sila, at bawal daw po akong mag-drive kasi tatakas daw po ako,” at tumawa ang magandang Sparkle actress.
“At natatakot po sila baka kung ano daw po mangyari sa akin, pero si Mama’t si Papa po, sa totoo lang po, ngayon hindi po sila sobrang istrikto na, kasi nga po dahil nga lagi ko po silang kasama, marami na po akong natutunan sa kanila.
“So ako na po mismo sa sarili ko, ako na po yung nagsasabi na eto po yung gagawin ko, mali po yan, mali ito, ganyan, natuto na po sa ako sa kanila.
“So minsan nga po parang inaano nila lumabas ako, mag-enjoy daw po ako, pero sinasabi ko po hindi, gusto ko po muna na mag-focus sa work, ganyan.
“So ako na po mismo sa sarili ko may disiplina na po.”
JILLIAN TOO BUSY FOR LOVE?
Ngayong ganap na siyang dalaga, meron na bang umaakyat ng ligaw sa bahay nila?
Tumawa muna ang Sparkle/GMA actress bago sumagot.
Pag-amin niya, “Alam niyo po, nung nag-eighteen po ako, marami na pong tumatapang at tsaka nagpapa-cute, kaso po hindi po sila nanliligaw kasi hindi po ako nagpapaligaw pa.
“Gusto ko po kasi muna talagang mag-focus po sa sarili ko and sa work ko po and sa family, kasi naniniwala po ako, darating siya sa tamang panahon.
“Pero sa ngayon po ito yung binigay sa akin ni God, so gusto ko po talaga na ibigay yung best ko na talagang mag-focus po ako sa kung anong meron po ako ngayon.”
JILLIAN INVESTS HER HARD-EARNED MONEY WISELY
At dahil nag-birthday si Jillian, napag-alaman namin na mayroon siyang iniregalo sa kanyang sarili.
Kuwento ng dalagita, “Unang-una po, yung debut ko po kasi naging big celebration po siya, so iyon po, naging gift ko po siya sa sarili ko, gift siya sa akin ni Mama’t Papa dahil nakasama ko po lahat ng mga mahal ko sa buhay din, pumunta po sila.
“And a few weeks after my birthday po bumili po ako ng lote, kasi si Tito Dominic sobrang influential po niya sa utak ko, na sabi niya po, ‘You should invest, bumili ka ng lote, magpagawa ka ng ganito, ganyan,’ so naisip ko po, ‘Mama gusto ko pong gawin ito kasi feeling ko po it would be good for my future.’
“And si Mama’t Papa naman po sobrang understanding, kapag nga po meron silang ini-invest talagang tinatanong po nila ako, yung side ko, ano po yung gusto ko for my future, ganun, so ayun po.”
Kasama ni Jillian ang aktor na si Dominic Ochoa (bilang si Michael Lobrin) sa Abot Kamay Na Pangarap.
Sa direksyon ni LA Madridejos, mapapanood rin sa Abot Kamay Na Pangarap sa GMA sina Carmina Villarroel bilang Lyneth Santos, Dina Bonnevie bilang Giselle Tanyag, Richard Yap bilang RJ Tanyag, Pinky Amador bilang Moira Tanyag, Kazel Kinouchi bilang Zoey Tanyag, Wilma Doesnt bilang Josa Enriquez at marami pang iba.
