PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Hyun Joong anticipates PH wave

Kim Hyun Joong will hold a concert on Friday, April 28, 2023.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 27, 2023
Kim Hyun Joong expresses excitement for his Philippine comeback
Kim Hyun Joong on how 'Boys Over Flowers' changed his life: "Yung lahat [buong] buhay ko talaga nabago, hindi lang sa acting and also sa singing din."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube

Magkahalong excitement at saya ang nararamdaman ng South Korean star na si Kim Hyun Joong sa pagbabalik niya sa Pilipinas para muling makita ang kanyang Pinoy fans.

Sa Biyernes, April 28, 2023, nakatakda ang inaabangang The End of a Dream World tour concert ni Hyun Joong sa bansa. Gaganapin ito sa Metrotent sa Pasig City pasado alas-7 ng gabi.

Bago ang kanyang concert, bumisita muna si Hyun Joong sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 nitong Huwebes, April 27.

Dito ay personal siyang nakapanayam ng host na si Boy Abunda sa tulong ng kanyang translator.

Nagsimulang makilala si Hyun Joong nang mag-debut siya bilang miyembro ng K-pop boy band na SS501 noong 2005.

Noong 2011 ay kumalas siya sa grupo upang maging soloist.

Bukod sa pagsayaw at pagkanta, pinasok rin niya ang mundo ng pag-arte.

Noong 2009, napabilang siya sa cast ng hit Korean drama series na Boys Over Flowers, kung saan gumanap siya bilang si Yoon Ji Hoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasama niya rito sina Leen Min Ho (Gu Jun-pyo), Kim Bum (So Yi-jeong), Kim Joon (Song Woo-bin), at Ku Hye Sun (Geum Jan-di).

Naging hit ang seryeng ito hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Tinanong ni Boy si Hyun Joong kung paano binago ng Boys Over Flowers ang kanyang buhay.

Sagot ng 36-year-old Korean star (as translated by an interpreter), "Yung lahat [buong] buhay ko talaga nabago, hindi lang sa acting and also sa singing din."

Hindi kaila na ang Boys Over Flowers ang naging biggest break ni Hyun Joong.

HYUN JOONG EXPRESSES GRATITUDE TO HIS FILIPINO FANS

Malaki ang pasasalamat ni Hyun Joong sa kanyang Pinoy fans sa ipinapakita raw nilang suporta at pagmamahal sa kanya simula't sapul.

Patunay raw nito ang mainit na pagsalubong sa kanya sa airport pa lang.

Sabi niya, "Kakarating ko lang kaninang umaga at nagulat ako kasi may mga Filipino fans na nandoon sa airport [nag-aabang].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maraming salamat po sa mga suporta na ibinibigay niyo."

Naitanong din ang tungkol sa pagkahumaling ng maraming Pilipino pagdating sa Korean culture.

Ani Hyun Joong, isa sa mga nakikita niyang dahilan ay ang pagiging "energetic" ng mga Pinoy na hindi kayang tumbasan ng kahit sino man.

Saad niya, "Sobrang lakas ng energy ng mga Filipino, and in the near future, malapit na ring magkaroon ng Philippine wave kasi ang ganda ng energy ng mga [Pinoy]."

May ilang pagkakatulad din daw ang mga Pinoy at Korean na labis niyang ikinatutuwa.

"Sa Korea, sobrang daming karaoke kasi mahilig kumanta, maraming billiards, dito meron din.

"Yung mga tao [sa Korea], masayahin.

"Yung mga Filipinos, napansin [ko] masayahin [din silang tao]."

Hindi ito ang unang beses na dumalaw sa bansa si Hyun Joong.

Noong January 20, 2020, nag-perform siya sa Pilipinas para sa kanyang Bio-Rhythm tour.

Bukod sa Boys Over Flowers, ilan pa sa mga tumatak na drama series ni Hyun Joong ay Playful Kiss (2010) at Inspiring Generation (2014).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Korean star Kim Hyun Joong meets 74-year-old Filipina fan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Hyun Joong on how 'Boys Over Flowers' changed his life: "Yung lahat [buong] buhay ko talaga nabago, hindi lang sa acting and also sa singing din."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results