Andrea Torres and Mikael Daez lead cast of international TV series Blood In Dispute

Andrea Torres and Mikael Daez are handpicked to play lead roles in Blood in Dispute, an international TV series co-produced by GMA Network and Cambodia TV Network.


Paaalis papunta sa Phnom Penh, Cambodia, sina Andrea Torres at Mikael Daez ngayong Biyernes, April 17, para mag-shoot ng bagong mini-TV series na Blood In Dispute.


Mamamalagi sila roon hanggang sa May 7 para sa shooting at promo ng teleseryeng co-produced sa kauna-unahang pagkakataon ng GMA Network at ng isang foreign TV station, ang Cambodia TV Network o CTN.

Pinakaunang international series ito ni Andrea, kaya naman excited at masaya ang Kapuso actress.

Lahad niya, “Nagulat po ako kasi nag-visit lang po kami ni Mikael dun [sa Cambodia] dahil dun sa Sana Ay Ikaw Na Nga last year, kasama namin si Carla Abellana.

“‘Tapos nagulat din kami sa reaksiyon nila, kasi parang pareho sila ng mga fans sa Philippines kung mag-react, e.

“E, siyempre hindi naman namin yun country, so hindi namin in-expect na ganun ka-warm.

“‘Tapos, eto na nga, biglang nasundan, parang grateful lang talaga kasi panibagong experience.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa GMA Network Center noong April 14.


HANDPICKED. Wala raw silang pinagdaanang audition ni Mikael para sa nasabing proyekto.

“Kinuha na lang po nila kami based dun sa Sana Ay Ikaw Na Nga,” banggit ni Andrea.

Makakatrabaho nina Andrea at Mikael ang mga international actors na sina Khat Vaihang, Maes Thorn Sreynai, at Tep Rindaro.

Ang direktor nito ay ang acclaimed Canadian director na si Ken Simpson. Action/drama/romance ang tema ng Blood in Dispute.

Sabi pa ni Andrea, “Overwhelming siya, para ngang hindi pa nagsi-sink in masyado, siguro 'pag nandun na talaga.

“Pero siyempre kinakabahan, hindi mo alam kung ano ang ie-expect, wala kayong mapagtanungan.

“Pero parang mas gusto kong mag-concentrate dun sa yung positive, gusto ko lang maging grateful na ibinigay sa akin.

“Kasi minsan, kapag sobra kang kinakabahan, baka hindi ako makakilos!” at tumawa si Andrea.


LEAD STARS. Ano ang preparasyong ginagawa ni Andrea para sa show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“More on sa sarili siyempre, yung physical na appearance.

“Kailangan ipaano mo yung hair mo, yung mga ganyan, para lang pagdating dun, dire-diretso na, wala nang poproblemahin.

“Pero dun po sa character mismo, wala pa po, kasi wala pa kaming script, e.”

Hindi pa raw alam ni Andrea kung ano ang mga detalye tungkol sa karakter niya sa serye. Pero ang sigurado ay si Andrea ang lead actress sa show at si Mikael ang male lead.

Kaya ikinatutuwa rin ni Andrea na si Mikael ang kasama niya sa Blood In Dispute na ieere soon sa GMA at sa CTN mismo.

“Pang-apat na namin ito ni Mikael. Dire-diretso po kaming laging magkasama, e.”

Sa Cambodia na magbe-birthday si Andrea; sa May 4 ang kaarawan ng seksing Kapuso actress.

Kailangan daw na tapusin muna ni Andrea ang Blood In Dispute bago siya makagawa ng isa pa uling teleserye para sa GMA.

“Pati yung mga iba pong napag-usapan na gagawin na mga, kunwari pictorial or ano, pina-stop po muna para matapos muna yung sa Cambodia.”

Dahil pang-international na ang kapasidad niya bilang artista, sa tingin ba ni Andrea ay edge o lamang niya ito sa ibang female stars sa Pilipinas?

Sagot niya, “A, hindi naman... hindi naman po.

“Ano lang, parang blessed lang talaga na nabigyan ng ganung project.

“Alam ko naman ang GMA, 'pag kumukuha sila ng leading lady sa project, pantay-pantay pa rin naman ang chances.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN