Sa bagong TV5 sitcom na Jack and Jill Sa Diamond Hills, gumaganap sina Sue Ramirez at Jake Cuenca bilang mga pulis.
Sa tunay na buhay ba ay naging ambisyon ni Sue na maging policewoman?
“Cashier,” ang tumatawang mabilis na sagot ni Sue.
“Lahat ng batang babae nangangarap na maging cashier, di ba? Oo, lahat.”
Totoo ba, ang maging cashier ang childhood dream ni Sue?
“Opo, totoo po yun!
“Pulis parang hindi sumagi sa isip ko. Parang mas doktor.
“Pero di ba, kahit papaano ang dami-dami na naming napo-portray na characters kaya ang saya din po actually ng trabaho namin talaga. We get to be different types of people, even people that you didn’t even want to become, you become.
“So it makes you more humble, more understanding towards others also.
“So iyon, kahit hindi ko siya pangarap sobrang nag-e-enjoy kaming gawin,” pahayag pa ni Sue na nakausap namin sa face-to-face mediacon ng Jack and Jill Sa Diamond Hills sa TV5 media center nitong May 3, Martes ng hapon.
Kasama nina Jake at Sue sa Jack and Jill Sa Diamond Hills sina Ara Mina, DJ Onse, Nana Silayro, Nico Antonio, DJ Jhai Ho Hershey Neri, Willie Miller at Gardo Versoza.
Sa direksyon ni John ‘Sweet’ Lapus, ang Jack and Jill Sa Diamond Hills ay mula sa TV5, APT Entertainment at Cignal TV.
SUE ADMITS HER DREAM PROJECT
Dahil isa siya sa mga in-demand na leading ladies ngayon, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sue Ramirez kung sino sa mga veteran lead actors ang nais niyang makapareha.
Pag-amin niya, “Actually, sa totoo lang po, wala po akong listahan ng ganyan.
“Parang I really just wait for the projects to come to me.
“Siyempre meron tayong… ako ano bang mga gusto ko? Gusto kong mag-period na ano… [period film or series]. Yan, pangarap ko yan.
“Or biopic siguro, something na yung pag-aaralan mo talaga and hindi ka puwedeng magkamali kasi number one yung period history siya.
“And number two, pag biopic its facts e, so kailangan mo talagang aralin, how the person walks, how the person talks.
“Something na ganun ka-challenging siguro, yun yung pangarap kong gawin. Mahaba pa naman po ang tatakbuhin ng career ko, so hindi naman po ako nagmamadali.
“So iyon lang din yung maganda siguro at this point na hindi po ako nagmamadali talaga, kung ano man po yung ibigay o sino man po yung katrabaho willing ako na mag-work talaga.”
