Full force ang pamilya ni Vic Sotto sa pagsuporta sa pilot telecast ng bagong noontime show ng TVJ sa TV5.
Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline
Sa isang bihirang pagkakataon, dumagsa sila bilang live audience sa studio ng TV5 sa Reliance St. Mandaluyong City, ngayong Sabado ng tanghali, July 1, 2023.
Una na rito si Pauleen Luna, na kitang-kita ang pagiging emosyonal nang masaksihan na pati ang mister na si Vic ay naluluha sa first official day ng Dabarkads sa bago nilang tahanan.
Bagamat bahagi ng "Legit Dabarkads" si Pauleen, kapansin-pansing hindi siya sumalang sa stage.
Noon pa lang mediacon ng TVJ at Dabarkads sa TV5 ay hindi rin kasali si Pauleen.
Dahil kaya sa balitang buntis siya sa second baby nila ni Vic kaya pahinga muna ito sa trabaho?
Pero nananatiling buo ang suporta ni Pauleen sa Dabarkads dahil sumama pa rin ito sa studio.
Read: Pauleen Luna, buntis sa second baby nila ni Vic Sotto?
Si Pasig City Mayor Vico Sotto, anak ni Vic kay Coney Reyes, ay nagbigay-oras din sa historic lipat-bahay ng TVJ.
Read: Vico Sotto: 10 things you need to know about Pasig City's "ViVico"
Sa opening number ng show ay kasama sa ipinakitang throwback photos ang kuha ng TVJ kasama si Coney na isa sa original hosts ng Eat Bulaga!
Halatang enjoy si Vico, na isinantabi muna ang trabaho sa ngalan ng pamilya ngayong araw.
Ang mga anak ni Tito Sotto na sina Diorella, Romina, at Gian Sotto—na kasama ng asawang si Joy—ay nanood din sa studio.
Nakita rin sa camera ang kapatid nina Tito at Vic na si Maru.
Nakipag-tsikahan sa kanila si Ryzza Mae Dizon sa skit segment ng noontime show.

Full support din sina Oyo at Danica Sotto, mga anak ni Vic kay Dina Bonnevie, na nasa live audience rin.
Kasama ni Oyo ang misis na si Kristine Hermosa.
Naroon din ang asawa ni Joey na si Eileen Macapagal de Leon, pati na rin mga anak nila na sina Jako and Jocas.
