PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda recalls past doing GMA shows

Vice Ganda says his first major mainstream project was with GMA-7.
by Bernie V. Franco
Published Jul 7, 2023
Vice ganda
Vice Ganda recounts doing shows on GMA-7 before becoming a big star: “Yung mga panahon na yon na nandidito ako [sa GMA-7], parang ano yun, e, napakalaking achievement na sa akin yun dati. Coming from comedy bars parang yun na yung step namin para maka-mainstream kami, e."
PHOTO/S: GMA / @praybeytbenjamin on Instagram

Binalikan ni Vice Ganda ang mga panahong nakatuntong at nakagawa siya ng ilang proyekto sa GMA-7.

Itinuturing daw ni Vice na malaking achievement iyon ng kanyang career.

Bago naging malaking A-list star ng ABS-CBN, si Vice ay nagsimula bilang performer sa comedy bars.

Pagkatapos ay nabigyan siya ng mga projects sa GMA-7.

“Yung mga panahon na yon na nandidito ako [sa GMA], parang ano yun, e, napakalaking achievement na sa akin yun dati,” sabi ni Vice.

“Napakalaking achievement sa akin non,” giit ng It’s Showtime host sa interview ni GMA-7 reporter Nelson Canlas.

Ipinaliwanag ni Vice kung bakit big deal iyon.

“Di ba, pag nakikita ka sa mga stations tulad ng GMA, di ba, parang big deal yon?

“Coming from comedy bars parang yun na yung step namin para maka-mainstream kami, e.

“Kaya malaking achievement sa akin yon, yung mga panahong nandidito na ko. Ang daming nagdi-dream non.”

FONDEST MEMORIES IN GMA

Kamakailan ay nagkaroon ng partnership ang Kapamilya noontime show na It’s Showtime sa GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang noontime show ay nagsimulang mapanood sa GTV o Good Television, isang free-to-air TV na pagmamay-ari ng GMA.

“Punung-puno ako ng excitement. Wala akong masyadong naramdamang kaba, masayang-masaya lang talaga ako,” sabi ni Vice sa muling pagtapak niya sa GMA Network.

Read: GMA-7, ABS-CBN sign historic deal for 'It's Showtime' airing on GTV

Magaganda raw ang mga alaala ni Vice nang maging bahagi siya ng Sis (2001-2005), ang dating morning talk show ng GMA nina Janice de Belen, Gelli de Belen, at Carmina Villarroel.

“Ang saya non… Ang babait nina Janice, nina Carmina tsaka ni Gelli… Saka yung staff don mababait.

“Tapos yung ilan don naging mga kaibigan ko.”

Hindi rin daw niya malilimutan ang good memories niya sa SOP (1997-2019), ang dating Sunday noontime variety show ng GMA-7.

“Pinaka-favorite ko talaga pag nagi-guest ako sa SOP kasi most of the time pag nasa SOP ako, si Regine [Velasquez] ang kasama ko sa number.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, alam mo namang patron saint ko si Regine, di ba?

Inalala rin niya ang special number nil ani Anton Diva, na impersonator din ni Regine, para sa birthday special ng Asia’s Songbird.

vice ganda, regine velasquez, anton diva, ogie alcasid

(L-R) Vice Ganda, Regine Velasquez, Anton Diva, and Ogie Alcasid during Regine's birthday special on SOP.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yun yung mga isa sa mga hindi ko malilimutan, tsaka pinagmamalaki ko lagi yon. Kasama ko si Regine sa number.

“Madalas akong kinukuhang mag-guest for opening ng SOP noong mga panahong nakakapag-falsetto pa ako.”

Fondest memories daw ni Vice na makapag-guest siya noon sa mga paborito niyang GMA shows.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda recounts doing shows on GMA-7 before becoming a big star: “Yung mga panahon na yon na nandidito ako [sa GMA-7], parang ano yun, e, napakalaking achievement na sa akin yun dati. Coming from comedy bars parang yun na yung step namin para maka-mainstream kami, e."
PHOTO/S: GMA / @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results