Carla Abellana mum about her role in Pari 'Koy

Did Carla Abellana ever consider becoming a nun? "Sa role, puwede akong mag-madre," she says, emphasizing, "Ayokong mag-madre.”



Ayaw pang i-reveal ni Carla Abellana kung ano talaga ang magiging kaugnayan ng karakter niya at pagpasok niya ngayon sa primetime series na Pari ‘Koy.

Si Gabby Eigenmann ang lumalabas na karelasyon niya.

Pero kung matatandaan, umpisa pa lamang ng Pari ‘Koy, usap-usapan na magkakaroon ito ng leading lady at papasok sa kalagitnaan na halos ng serye.

“Meron, magkakaroon, may past sila,” ang pahayag naman ni Carla nang makausap namin kamakailan lang.

May relasyon ba sila ni Dingdong Dantes bilang Pari ‘Koy?

“Puwede rin namang magkapatid sila,” natawang sabi niya.

“Kasi marami ring flashback ang childhood ni Dong.

“Na nagkaroon ng affair ang father niya, nagkaroon ng maraming babae.

“Malay niyo, magkapatid pala sila.”

Balikbayan ang karakter ni Carla bilang si Michelle kaya raw hindi pa sila nagkikita sa mga eksenang ipinapalabas na sa Pari ‘Koy ni Dingdong.

Nag-react naman si Carla nang sabihin namin na posible kayang magkaroon ng twist sa Pari ‘Koy na baka kapag nagkita sila ni Dingdong, bigla itong umalis sa pagpapa-pari.

“Ang pangit naman yata nun, pari na siya 'tapos aalis siya?

“Hindi yata magandang lesson. Parang hindi maganda. Magagalit ang simbahan.

“Kinabahan ako run, lagot tayo sa CBCP [Catholic Bishops Conference of the Philippines],” natawa niyang sabi.

“Although, nangyayari yun na iniiwan nila ang priesthood or may mga anak sila.

“Napapanood ko yun, sa Jessica Soho…. Naku, lagot tayo,” sabi niya.


Itinanggi naman ni Carla na noong kabataan niya, pinangarap o inisip niyang maging madre.

Mabilis nitong sinabi na, “Sa role, puwede akong mag-madre.

"Pero hindi… hindi naman. Ayokong mag-madre.”

Anong klaseng karakter pa ba ang pangarap niyang magampanan?

“Gusto ko yung parang murderer, yung ganyan. Yung dark. Serial killer.

“Para maiba naman, suspense or action.”

Sa pagpirma niya ng bagong kontrata sa GMA Network, meron na ba siyang say pagdating sa creative?

“Si Tito Arnold [Vegafria] iko-communicate na lang niya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero si Tito Arnold yun, parang sa My Husband’s Lover, nagkaroon siya ng mga input, siya ang nag-suggest ng mga artists.

“Minsan naman sinasabi na niya sa akin, nakakasa na. Tina-trust ko naman siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN