Aminado ang Nigerian content creator na si Zombie Tugue—a.k.a. Daniel Oke—na lalong lumaki ang kanyang following matapos mapabilang sa TV5 noontime show na E.A.T.
Biglang nagbago ang buhay ni Zombie matapos niyang maging participant sa “Babala! ‘Wag Kayong Ganuun…” segment ng E.A.T. noong July 13, 2023.
Nakitaan ng potensiyal si Zombie at ngayon ay kasama na nina Jose Manalo at Wally Bayola sa "Sugod Bahay mga Kapatid" segment ng noontime show.
Binansagan pa nga ang tatlo bilang JoWaZom (Jose, Wally, Zombie).
Pero recently ay nakaladkad ang pangalan ni Zombie sa isang isyu na pinag-usapan sa social media.

Isang satirical at gossip account sa X (formerly known as Twitter) ang nag-post ng video clip mula sa "Sugod Bahay" segment nito lamang August 2, 2023.
Kinuha ito sa "Sugod Bahay" portion ng E.A.T. noong July 24 episode.
Sa clip, nag-joke si Jose ukol sa kulay ni Zombie.
Itinuro ni Jose si Zombie: “Ito kapag napanalunan mo sa bingo ‘to. Yan ang tinatawag na blackout.”
Read: Netizens call out Buboy Villar for cutting old woman off while thanking TVJ on 'Eat Bulaga!'
Makikitang hindi sinakyan nina Allan K at Miles Ocampo ang joke.
“Huy!” mabilis na reaksiyon ni Paolo Ballesteros na tila pagbabala kay Jose.
Mapapanood naman ang pagtawa ni Jose, Wallly, at Zombie.
Caption sa video clip: “RACISM LIVE ON TV! Pag show ng parents walang MTRCB!”
Meron nang 1.6 million views ang video sa X app.
[twitter:
RACISM LIVE on TV!
— Anima Cristi Fermin (@altcristyfermin) August 1, 2023
pag show ng parents walang MTRCB! pic.twitter.com/keH1tE6zoC
]
Samantala, maraming netizens ang nag-reply, at sumang-ayon na hindi nakakatawa ang naging biro ni Jose tulad ng naging reaction ng ibang hosts.
Matutukoy rin sa caption na patutsada ito sa MTRCB Chair na si Lala Sotto-Antonio, anak ng E.A.T. host na si Tito Sotto.
May kinalaman pa rin ito sa pagpapatawag ng MTRCB sa It’s Showtime patungkol sa icing joke nina Vice Ganda at Ion Perez kamakailan.
Read:
- MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment
- MTRCB, wala pang natatanggap na pormal na reklamo laban sa 'E.A.T.'
- MTRCB Chair Lala Sotto on parents Tito Sotto, Helen Gamboa's kiss on 'E.A.T.': “Wala po silang nilabag.”
- MTRCB Chair Lala Sotto affirms decision imposing violations against 'It's Showtime': "Magalit na kung sino man ang magagalit."
Narito ang ilang komento ng netizens kaugnay ng "racist" joke ni Jose.




Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph kay Zombie para kunan ng reaksiyon subalit hindi na ito sumagot.
Gayunpaman, mahihinuhang hindi ginawang big deal ito ni Zombie na sa kanyang recent posts ay tanging pasasalamat ang bukambibig dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng E.A.T.
