Judy Ann Santos reveals daughter Yohan wants to become an actress someday

Judy Ann Santos on her Mother's Day offering on MMK: "It’s high time na bumalik naman ako sa drama."



Nagbabalik ang Queen of Pinoy Soap Opera na si Judy Ann Santos sa Maalaala Mo Kaya pagkatapos ng pitong taon.

Huli siyang napanood sa longest drama anthology in Asia sa episode na may titulong "Lason" noong 2008.

"Medyo ang pagkakapareha niya lang with this story was sagad talaga sila sa hirap," ani Juday sa presscon ng Mother's Day offering ng Maalaala Mo Kaya.

"With the letter sender from 'Lason' episode, yun lang, pa-give siya ng slight sa mga anak niya. Siya yung bumigay, siya yung nag-distribute sa mga anak niya.

"Dito naman [her new MMK episode] it’s totally different. Talagang pinakita naman ng nanay na ‘to na hahanapin niya ag anak niya whatever it takes.

"So, talagang it’s a totally different story na talagang, kapag nagba-balanse ng dalawang pagiging ina? So, yun po.

"Ah, sa iba pa’ng mga episodes na ginawa ko sa MMK, sa nakita ninyo naman kami, parang, bumata lang ako nang bumata, haha. Pero yung face ko ganoon pa rin. Hahaha!

"For this episode, memorable talaga siya, e. Hindi mo makakalimutan ng kahit na ano'ng episode na ginawa mo kasi talagang tatatak siya sa puso mo. Tatatak siya sa eyebugs mo," paglalahad ni Juday.

Dalawang araw nag-taping si Juday sa kanyang episode sa MMK na mapapanood ngayong Sabado (May 9), 7:15 p.m.

Gagampanan ni Judy Ann ang karakter ni Belen, isang inang nawalay sa kanyang apat na mga anak.

Ano ang opinyon niya sa mga ina na nasa ganyang sitwasyon gaya ni Belen?

"Siguro ano, it really depends doon sa situation. Kung meron ka namang kapasidad na maghanap ng ibang paraan, siguro maghahanap ka talaga ng ibang paraan.

"Pero yung talagang walang-wala ka, at yun lang yung tanging way para mabuhay mo yung mga naak mo, wala ka rin sigurong talagang magiging choice kundi to live with that. Pero siguro nga dahil iba’t ibang tao tayo, iba't ibang atake tayo sa buhay, sadyang may mga tao at mga babae na talagang matibay ang loob na harapin ang kahit na ano’ng pagsubok na ibigay sa kanila.

"Bigat na bigat lang talaga ako dito sa letter sender namin 'to kasi talagang hindi siya sumuko up to the last minute. Talagang kinumpleto niya ang mga anak niya."


Ano ang emotional highlights ang ginawa niya sa MMK na tinamaan siya personally?

"Personally, uhm, hindi naman siya maikukumpara sa buhay ko ngayon. Siguro pwede ko lang siyang ikumpara doon sa ako bilang batang nawalan ako ng tatay, ganyan.

"Noong umalis ang daddy ko. It was, doon ako pinaka-naka-relate yung biglang sagad sa hirap.

"Hindi ako maka-relate sa pinagdaanan ng mga bata because it’s totally different.

"Pero, each and every breakdown scene it’s just one emotion that I’m going with, yun lang. At mukhang naitawid ko naman kasi hanggang pag-uwi ko, humihikbi-hikbi pa ako."

Bakit inabot ng pitong taon bago siya nakagawa ulit ng episode sa MMK?

"Bakit nga ba? Siguro sa schedule rin.

"Schedule, oo, and at the same time kapag minsan kapag magti-taping na biglang mapa-pack-up because nagkasakit ako or may part din sa staff, sa MMK na medyo hindi rin natuloy or minsan nagba-bagyo.

"Hindi lang talaga naga-align yung stars, in the past years. But there was always a time na pwede ako’ng mag-guest [pero] bigla na lang napa-pack-up at the last minute.

"Ito talaga yung nag-push through, uhm, dinasal ko rin naman na parang, ‘Lord, you know, kung gusto mo'ng gumawa ng MMK, bahala ka na. Matutuloy siya kung gugustuhin mo siya.’

"So, natuloy naman siya. Mainit, maulan, lapot, mabaho kami. Pero tuluy na tuloy naman kami and happy naman kaming natapos, at least."

Na-miss ba niya ang paggawa ng episode sa MMK?

"Actually, oo. Na-miss ko’ng umiyak. Hindi ko lang naisip na agad mauubos ang luha ko sa dalawang araw na taping. Haha!

"Uh, na-miss ko’ng umarte kasi I’ve been hosting for two years so, not that I am saying na hindi ako masaya. Sobrang saya nga ng hosting kaya nakalimutan ko’ng umarte.

"Yung ngayon, in all honesty, noong nakuha ko yung script ng MMK dalawang araw ako’ng hindi nakatulog kasi iniisip ko kung paano ko siya itatawid.

"Kasi inisip ko, ‘Bakit ito ang istoryang napili ko? Ang hirap-hirap pala ng role ko rito. Pwede namang iba.’ But I realized na dapat siyang gawin to get inspiration to other mothers as well out there.

"Nanibago talaga ako. Nanginig ang laman ko talaga."

Kasunod ba ng paglabas niya sa MMK ang paggawa ulit ng teleserye sa Kapamilya network?

"Hopefully, I’m keeping my fingers crossed kasama na pati sa paa na sana matuloy. Sana magdire-diretso. Hindi naman natin masasabi kasi 'di ba, you know, kapag minsan nag-taping na kayo, biglang hindi pa rin matutuloy.

"Ah, may mag sadya, may mga pagkakataon na ganoon yung nangyayari. But I'm hoping and praying na sana matuloy."


ON BEING A MOTHER. Ano sa palagay niya ang ma-enhance na mga qualities niya through the years bilang mother ng mga anak nila ni Ryan Agoncillo na sina Yohan at Lucho?

"Siguro it's patience and compassion kasi iba yung patience ng mother, e. Kahit gaano kapuyat, kahit gaano ka pagod, pagdating sa anak mo nawawala. Wala na yun.

"Hindi mo na pwedeng isipin yun. And for some reason, nagkakaroon ka ng extra energy basta sinabi mo para sa mga bata, 'Okay, tatayo ako.'

"Ah, mas naging, feeling ko mas naging witty ako. Kasi nage-English ako ngayon na ang hirap ako'ng umintindi.

"So, may pagkakataong dinadaan ko na lang sa humor ang ano ang pagiging nanay.

"But sa kabila ng lahat ng ito, I think it really made me a better person kasi may anak ako'ng babae. Kailangan ko'ng ipakita sa kanya kung paano maging babae mula sa tamang pananalita at basic hygiene, how you take care of yourself, how to deal with ano, with issues, with boys.

"May boys na kaming pinaguusapan. Masakit, 'di ba? Yung ganoon.

"Kailangan wide na yung kapasidad ng utak mo pagdating sa mga anak mo. At saka walang sakit.

"Bawal magkasakit, period."

What are her thoughts kapag nalalayo siya sa piling ng kanyang mga anak?

"Kahit naman isang araw lang ako'ng mawala sa tabi ng anak ko andoon 'yung, 'What are they doing now? Are they okay?'

"It's always like that. I never leave the house ng hindi ko alam ang kakainin nila sa isang buong araw na wala ako sa bahay, and they know that.

"Because even na wala ako sa bahay I want them to feel na malayo man ako sa kanila, ako pa rin 'yung gumawa ng food nila. "It's still mom who prepared everything for them and siguro yung pinakamatagal naming nalayo namin ni Ryan (sa kanila), kung ako lang, yung shooting ko ng Enteng. Nag-shooting kami sa isang malayong lugar. Nakalimutan ko na kung saan. I was there for three or four days? Hirap na hirap ako kasi nami-miss ko sila kasi para ako'ng naho-homesick, e, nasa Pilipinas lang naman ako. Nagtatrabaho lang din naman ako.

"Ah, siguro may mga ganoon lang din talaga na mga nanay. Yung a part of you is missing when you're not at home with your family.

"At saka may guilt factor lang na I could have been with them kapag nagkakasakit ng wala ka. Nandoon yung guilt na dapat ako yung nagpapainom ng gamot. Dapat ako 'yung nagpupunas sa kanya.

"May patulo ng luha moments ka kapag wala ka sa tabi ng pamilya mo.

"But then again, I am just really lucky kasi may partner ako na hinahayaan ako na magawa 'yung gusto ko'ng gawin.

"At the same time, siya rin, nagagawa niya yung gusto niyang gawin with the kids and me."

May advice ba siya na mabibigay kay Belen?

"Alam mo wala ako'ng mabibigay na advise sa kanya sa totoo lang. Kasi parang ako pa nga 'yung may natutunan sa kanya, e.

"Sa lahat nang pinagdaanan ko na pinagdaanan niya, na parang wala naman sa katiting dito sa istorya, 'no, siguro mahihiya ako sa kanya kung sa katiting na problema ko, gi-give-up ako kumpara sa pinagdaanan niya.

"Talagang hats-off ako kay Belen dahil siya yung epitome ng pagiging isang dakilang ina. Siya talaga yun."

Nagkaroon ba ng chance na nakausap niya si Belen?

"Actually, hindi. Hindi ko siya na-meet kasi, busy ata siya.

"Asan ba [siya]? Hindi, nasa Nueva Ecija sila. So, ayun.

"Busy siya anim ang anak niya. So, 'yun.

"But I would really love to meet her. Gusto ko'ng sabihin sa kanya na hindi ako makapaniwala na may taong kasing-tibay niya, sa totoo lang.

"Kapag napanood ninyo yung episode, you'll know kung ano po yung sinasabi ko."




PERFECT MOTHER? With all the things na naranasan niya as a mom and after portraying Belen, what do you think makes a perfect mom?

"Alam mo sa tingin ko, there's really no such thing as a perfect mother. Iba-iba kasi ng kapasidad ng pagigng isang ina.

"Sa pagsa-sakripisyo lang alone, sa mga anak at sa asawa, just to sacrifice your needs and your wants just to make your family happy is being a mother already."

The best person to say that she's a perfect mom ay kanila raw mismong mga anak. Naniniwala ba siya rito?

"Yung anak, siguro sa pagiging isang ina walang katapusan yung pagmamahal mo kasi hindi mo talaga masasabi kung kailan ka magiging perfect sa paningin ng mga anak mo.

"Pero ikaw bilang nanay, gusto mo siyempre yung perfect lalo na kapag may anak kang lalaki. Gusto mo'ng pahirapan yung magiging asawa niya.

"So, ikaw bilang ina, 'Ay, dapat, perfect ako. Mahihirapan 'tong magluto,' yung mapapangasawa ng anak mo. Dapat mas mahusay sa akin, mga ganoon.

"Ah, I'm just so lucky again kasi hindi naman mahirap alagaan at paligayahin ang pamilya ko.

"Just being with my family and spending time with them most of the time, and nakikita nila kung paano kami naghihirap ng tatay nila na mabigyan sila ng maayos na buhay.

"The appreciation alone, feeling ko at saka yung pagpapalaki na binibigay namin sa mga anak namin.

"Yun na ata ang greatest reward para masabi ko na siguro naman mabuting ina ako kasi marunong rumespeto ang mga anak ko't marunong gumalang sa lahat ng mga tao ako."


LESSONS FROM MOM. Ano naman ang mga natutunan niya sa kanyang ina na si Mommy Carol na nagagamit o naalaalala niya now that she's a mom too?

"Noong maliit ako palaging sinasabi sa akin ni Mommy, kapag nagka-anak ka, sasabihin mo tama ako like yung pagkain ng mabilis, matulog ng tanghali, maligo, mag-toothbrush, ganoon.

"Lahat 'yan nararanasan ko sa mga anak ko ngayon lalo na kay Yohan kasi babae.

"So, kapag nagsusumbong ako kay Mommy, 'O, 'di ba sabi ko sa 'yo, tama ako? Lahat ng ginawa mo sa akin, 'yun pala ang sabi niya. 'Lahat ng ginawa mo sa akin, gagawin sa 'yo ng anak mo. Kaya sabihin mo kay Yohan, huwag niyang gagawin sa 'yo ang ayaw niyang gawin sa kanya ng mga anak niya.'

"E, totoo pala talaga 'yun. Totoo yung mga pagtakas-takas, naalala ko yung mga ginawa ko noong bata ako. Hahaha!

"Totoo pala siya. Doon ko na-realize na dapat pala talaga naniwala ako sa Mommy ko.

"Dapat pala hindi ako nag-marunong. Dapat nakinig ako noong sinabi niya sa akin na magtapos ka ng pagaaral mo. Mag-aral ka ng mabuti."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


YOHAN WANTS TO JOIN SHOWBIZ. Ayon kay Juday, nararanasan niya ito ngayon sa 9-year-old daughter niya na si Yohan.

"Yun yung prosesong pinagdadaanan ko kay Yohan ngayon. Kasi nandoon siya sa she wants to go with me sa tapings.

"Basically, she wants to be an actress. Nandoon siya. So, sinasabi ko sa kanya, 'You have to study first. You have to finish your studies. 'Why? E, you didn't finish naman your studies?' 'Kaya nga, e. 'Yun na nga 'di ba? Kasi nga, e. Hahaha!

"[Sabi ko sa kanya]: 'Hirap na hirap ako'ng makipagdebate sa 'yo. Kasi nga hindi ko alam kung saan ako pupunta.'

"It's really hard. It's really really hard. But you know, at the end of the day, tatawanan mo na lang siya kasi nangyari na siya.

"Hindi mo na pwedeng ibalik yung mga pagkakamaling nagawa mo.

"All you can do is just face the music and challenge yourself to be a better person for your children."

Bukod sa Mother's Day presentation ng MMK ang episode ni Juday, birthday offering na rin 'to sa kanyang mga fans. Sa May 11 ang saktong birthday ni Judy Ann.

May naka-plano na ba siyang celebration for her birthday?

"Parang huminto na ako. Hahaha! Simple dinner lang po.

"Simple dinner lang with family and then, siguro ang pinakamagandang birthday gift na mmatatanggap ko this year is yung ma-feature ng Sofitel. [They featured] some of the recipes from my cookbook this Mother’s day.

"So, normally, during my birthday wala talaga ako dito. Palagi ako’ng nasa ibang probinsya or nasa ibang bansa, kasi yun talaga yung matagal ko nang bilin kay Tito Alfie [Lorenzo, her manager].

"Naka-paalam ‘yan decades ago sa kanya, talagang nawawala ako kapag birthday ko. Hahaha!

"Eto lang talaga parang I felt that I had to be here because I have so many things to do.

"Nandiyan yung nag-cook book ako and then, itong MMK. Parang it’s high time na bumalik naman ako sa drama.

"At the same time parang it’s time to face the music na you know, it’s not all the time na you can leave the country and spend birthdays.

"Ngayon, it’s time to give back at ipakita sa mga tao that I really appreciate the support and nandito ako. Hindi ako aalis."

Tampok din sa Mother’s Day special ng MMK sina Ian de Leon, Sam Concepcion, Kristel Fulgar, Celine Lim, Mariel Pamintuan, JB Agustin, Eva Darren, Crispin Pineda, Nikki Bagaporo, Neri Naig, Raquel Montessa at Tom Olivar sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN