Dingdong Dantes gets both kudos and ribbing for his role as a priest in Pari 'Koy

Dingdong Dantes says he derives inspiration from the GMA teleserye Pari 'Koy. “Parang the story itself is a reality check para sa mga nangyayari sa kapaligiran natin. I like the fact that I’m getting much learning and inspiration sa tema ng palabas."


Nakatatanggap ng magagandang papuri at reaksiyon ang primetime series ni Dingdong Dantes sa GMA Network na Pari ‘Koy.

Marami ang natutuwa sa “inspiring” na mensahe ng teleserye kung saan gumaganap ang Kapuso Primetime King bilang isang pari.

Pahayag ni Dingdong tungkol dito, “Kung ano ang pakiramdam ng umpisa, ganun pa rin siya, na-sustain namin ang tema.

“Na-sustain namin ang feel na gusto naming ibigay, pati yung natatanggap namin for each other.

“Parang the story itself is a reality check para sa mga nangyayari sa kapaligiran natin.

“I like the fact that I’m getting much learning and inspiration sa tema ng palabas.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa set visit ng Pari ‘Koy, sa San Lorenzo Ruiz Church, Bulacan, noong May 5.

"PARI 'KOY." Habang tumatagal, tawag na kay Dingdong ay "Pari ‘Koy."

Kapag dumarating nga siya minsan sa isang event, may mga kaibigan na binibiro siya at nagmamano o nagpapa-bless sa kanya.

Nakangiting pahayag naman ng aktor tungkol sa kanyang role bilang pari, “Basta ako naman, at least, once in my life, nagampanan ko.

“Ito yung mga buhay na hindi natin alam dahil nakikita lang natin sila tuwing Linggo siguro.

“Pero yung makasama, makahalubilo at malaman, ang nangyayari sa personal nilang buhay, e, bihira mong nalalaman at nakikita.

“Through this, malalaman mo na sila ay mga normal na tao.”

Pinangarap ba niyang maging pari noong bata?

“Hindi naman sumagi sa isip ko.”


CARLA ENTERS. Samantala, pumasok na sa Pari 'Koy ang karakter ni Carla Abellana bilang si Michelle, na dating nakarelasyon ni Kokoy.

Kumusta naman?

Sabi ni Dingdong, “Okey. It’s my first time to work with her.

“Sa Protégé nagkasama kami, pero ngayon lang talaga kami nagkatrabaho on-cam na umaarte.

“Malaking bagay na nakilala ko na siya even before.

“Siyempre kapag may mga social gathering, nagkikita kami dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We were once part of a same group of people.”

May nakaraan sila ni Carla sa kuwento. Paano ito iti-treat sa takbo ng kuwento dahil nagkaroon ng intimacy ang isang pari na tulad niya sa isang babae?

“Well, kung paano ang itatakbo ng istorya, hintayin nila, pero ‘yan ang isa sa mga bagay na ipapakita natin.

“These problems really happen. At ito ang mga resulta ng kanyang mga nakaraan.

“Paano ito makakaapekto sa kanyang vocation bilang pari?

“Paano makakaapekto ‘to na siya ang leader ng parokya at ano ang magiging tingin sa kanya ng mga tao?”

Hindi ba mawawala ang paghanga ng mga manonood sa karakter niya bilang pari?

“Posibleng mawala,” sagot ni Dingdong. “Pero those are the problems that he will face.

"Na kahit mawala na rin sa kanya yung respeto ng tao, dahil may kontrobersiya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN