Coco Martin to topbill TV adaptation of FPJ film Ang Probinsyano

Coco Martin will co-star with the widow of Fernando Poe Jr., Susan Roces, in the ABS-CBN adaptation of FPJ's Ang Probinsyano.



Si Coco Martin ang bida sa ABS-CBN remake ng Fernando Poe Jr. movie na Ang Probinsyano.

Bibigyang-buhay ni Coco ang papel na pulis na ginampanan ng yumaong King of Philippine Movies sa naturang 1997 film.

Ginawa ang announcement ngayong hapon ng May 18, Lunes, sa Restaurant 9501 sa ELJCC Building sa ABS-CBN, Compound.

Tinuturing ni Coco na malaking karangalan para sa kanya na gampanan ang papel na ginampanan dati ng Hari ng Pelikula.

Sa original movie version ng Ang Probinsyano, ang bida ay isang police officer na pumalit sa kanyang twin brother na napatay dahil sa isang drug bust operation. Gagawin niya ang lahat upang mahuli ang mga tao sa likod ng drug syndicate at ang mga corrupt policemen na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang kapatid.

“Bata pa lang po ako... ang lola ko kasi talagang solid [FPJ fan]. Nung bata ako, yung nakalakihan ko talaga ang manood ng Filipino classic movies, isa po do'n ang mga pelikula ni FPJ."

Ikinuwento rin ni Coco kung paano siya naging daan upang mapili ang nasabing pelikula na isa-telebisyon.

“Honestly, ako po yung nagbigay ng idea sa kanila kasi gusto po ni Ma'am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president] na gumawa ng isang police na istorya, dito nga po sa teleserye namin.

“And then nung sinabi nina Sir Deo [Endrinal, Dreamscape Entertainment busines unit head] na yun ang gusto ni Ma'am Charo and then sinabi ko po, 'Alam niyo po, may magandang pelikula si FPJ, Ang Probinsyano.' So yun, after that pinagusapan nila.”

Naging mahaba raw muna ang proseso bago sila nauwi sa desisyong gawing teleserye ang pelikula ni FPJ.

Ano namang paghahanda ang ginagawa ni Coco para sa teleserye?

“Matindi... matinding nerbiyos,” natatawang sagot ng versatile actor.

“Sabi ko nga po napakaswerte ko na kahit paano magagampanan ko ang isa sa pelikulang talagang tumatak sa ating mga Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre po malaki ang pressure sa akin na alam ko na never kong mapapantayan pero kahit papano mabibigyan ko ng justice yung character ko.

“Gusto ko sana tangkilikin ng manonood yung gagawin naming soap opera, ngayon po yung preparation po sa kaalaman po ng marami ang ginagawa ko more on drama and then nag-a-action din ako paminsan-minsan.

“And then sinabi ko talaga, sana magkaroon ako ng matinding training dahil iba si FPJ, iba ang ginagawa niya sa kanyang mga pelikula.

“Ayoko naman na mapahiya ako at kahit papano mapaghandaan ko.”

Sumasabak si Coco sa police training bilang preparasyon sa kanyang lead role sa teleserye.

Puspusan daw ang pag-aaral ng fight scenes, tamang paghawak ng baril, at iba pang aktibidad upang maging kapani-paniwala siya sa teleserye.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN