Jojo Alejar’s "The Good Night Show" begins third season


Jojo Alejar is now the host and producer of the late night talk show The Good Night Show, which airs every Monday on QTV-11.


Excited si Jojo Alejar dahil kagabi, April 7, ay nagsimula na ang third season ng kanyang late night talk show sa QTV-11. Ang dating show niya na Sobrang Good Night Show With Jojo A. All The Way ay may bagong titulo na The Good Night Show.

Orihinal itong napanood sa RJTV channel bago ito nalipat sa QTV-11, ang sister channel ng GMA-7.

Si Jojo na rin ang producer nito sa pamamagitan ng JOJOATV Entertainment Production. Mas nakakatawa at mas maraming surprises raw ang bagong season ng kanyang late night talk show.

Isa pa sa ikinatutuwa ni Jojo ay maganda ang rating nila sa kanilang oras. News program daw ang katapat ng kanyang talk show sa QTV-11 pero satisfied sila sa nakukuha nilang ratings.

"It's a big surprise for us kasi may rating talaga kami kahit papa'no. Ako mismo, hindi makapaniwala pero they showed us the statistics at patunay na may audience pala kami kahit gano'n na ka-late ng gabi. It means natutuwa pa rin sila sa akin kahit corny ang mga jokes ko," ngiti pa ni Jojo.

Hindi naman itinatanggi ni Jojo na inspired ang kanyang talk show sa mga late night talk shows sa U.S., tulad ng The David Letterman Show, The Tonight Show with Jay Leno, The Jimmy Kimmel Show at ang paborito niyang The Conan O'Brien Show.

May mga nag-label nga na masyado raw offensive mag-comment si Jojo sa ibang celebrities at pati sa mga local politicians natin. Para kay Jojo, he is doing it in his own funny way pero he does not mean to offend anyone.

"Wala namang intentions to offend anyone sa show namin. May mga situations lang naman na ginagawa ang ilan na in my own opinion are very funny kaya napag-uusapan namin.

"I don't diss anyone on purpose. Kapag may issue lang, we turn it into something entertaining. But when it comes naman sa mga politicians nating palpak sa kanilang mga trabaho, doon naman ako medyo serious mag-comment pero patawa pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ba ganyan din naman sa mga talk shows nila Jay Leno at Conan O'Brien? Mas grabe pa nga sila kasi pati presidente nila inookray nila on national television.

"Compared sa akin, tame pa ako kasi kahit paano ay may respect pa rin ako sa pagkatao nila. Yung hindi lang magandang trabaho nila ang pinu-point out ko and not them personally."

Sa Delta Theater na sa Quezon Avenue at ‘di na sa Teatrino, Greenhills magaganap ang tapings ng The Good Night Show ni Jojo Alejar.

Bukod sa pagiging talk show host, Jojo is also working as one of the screening members of the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN