Enrique Gil on shooting sensitive scene with Liza Soberano: "Ang pag-iisip namin nun walang malisya."

Enrique Gil is still reeling over the success of the just ended Forevermore, "Sobra, nationwide laging nasa number one spot lagi. Maraming salamat, kayo ang number one, kayong mga fans.”




Naging viral sa social media ang kuha ng larawan nila Enrique Gil at Liza Soberano sa isang eksena sa Forevermore kung saan nakahigang magkayakap ang dalawa at nabigyan ng malisya na nakahawak daw ang kamay ng aktor sa dibdib ng kapareha.

Sa naturang eksena, ang karakter ni Enrique na si Xander ay topless samantalang si Agnes (played by Liza) ay nakasuot ng sleeveless top. Pareho silang nabasa ng ulan at naglapit silang dalawa upang gamitin ang body heat para hindi sila ginawin.

Agad namang klinaro sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ni Enrique na walang katotohanan ang balitang ito at binigyan lang ito ng kulay ng ibang tao.

“Kung mapapanood ninyo uli sa I Want TV, walang nangyaring ganun.

“Nakahawak ako sa kamay niya kung makikita ninyo.

“‘Wag bigyan ng kulay, kitang-kita naman sa TV, panoorin ninyo sa I Want TV para malinaw.

“Saka sobrang lamig nun, grabe, kung ano ang pag-iisip namin nun walang malisya…

“Kungdi sana matapos yung eksena kasi sobrang lamig.

“Halos four in the morning, basa kami sa ulan, rain effect sa Baguio.

“‘Tapos sobrang lamig, ang hirap umarte nun, sobra,” paliwanag niya sa amin nung nakaraang Linggo sa ASAP 20.

NEW PROJECTS. Sa interview masayang nagbiro pa sa amin ang aktor na forever na sila ng kapareha.

“Okay kami, sobrang close namin ngayon, kaunting panahon na lang eighteen na siya.

“Opo, yun ang binigay niyang panahon.”

Dagdag pa niya na pabiro rin, “Given na yung panliligaw, at may understanding na forever na kami.”

Ibinalita rin sa amin ng aktor na magkasama sila ni Liza sa isang pelikula ng Star Cinema at isang nilulutong panibagong teleserye ng ABS-CBN.

“May movie kami, Just The Way You Are, sa June 17 na lalabas.

“After that may next project. It’s also a serye, malamang with Liza again.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TOP-RATING SHOW. Nagtala ng 39.4 percent ang finale ng Forevermore last Friday, May 22, sa Kantar-TNS Media ratings.

Ang finale week naman ng Forevermore ay naging No. 1 sa Mega Manila, batay sa AGB Nielsen data.

(Read: AGB Nielsen Mega Manila Household Ratings (May 18-21, 2015): Forevermore consistently lands on No. 1 slot during finale week)

Consistent hanggang sa huli ay mataas ang TV ratings ng nasabing serye at nagpapasalamat si Enrique na mula simula hanggang sa huli ay sinuportahan sila ng mga manonod.

Sabi niya, “It’s the best, nung una we never really expected… [it would be] this big, this crazy.

“Nung una palang nagulat kami na naging sobrang hit, gusto naming i-sustain hanggang sa dulo.

“Talagang inabangan ng tao kung may forever nga ba at yun nga may forever talaga.

“Sobra, nationwide laging nasa number one spot lagi.

“Maraming salamat, kayo ang number one, kayong mga fans.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN