Richard Gutierrez handpicked by Korean producers to host K-pop talent search

by Rose Garcia
Jun 8, 2015
Richard Gutierrez is impressed by the way Korean artists are trained to become pop artists. He will host KPop Icon Search Pinoy Edition (KisPinoy) that will be shown on TV5 starting July 11, with a two-part primer airing on June 27 and July 4.


Ang pagiging host sa ilang reality shows tulad ng Extra Challenge, Survivor Philippines, at ilang award-winning documentaries sa GMA Network ang posibleng naging pasaporte ni Richard Gutierrez para mapili na maging host ng kauna-unahang KPop Icon Search Pinoy Edition (KisPinoy) sa bansa.

Na-google lang daw ni Mr. Matthew Choi ng Yu&IQ Entertainment at NH Media ang pangalan at mga achievements ni Richard sa bansa kaya siya na talaga ang nasa isip ng Korean producers para sa naturang search. Ang talent search ay ipapalabas sa TV5 tuwing Sabado ng 9-10 p.m. simula sa July 11 pero, magkakaroon ng two-part primer sa June 27 at July 4.

Malayo sa imahe ni Richard ang pagiging K-Pop. Natatawa nga ito nang tanungin namin kung bilang host at hilingin siyang mag-perform, gagawin ba niya ang mag-K-Pop din?

Ayon kay Richard sa presscon at contract signing niya sa Jet Bistro para sa KisPinoy noong June 3, “Well, tingnan natin, but as of the moment, hindi,” natatawang sagot ng aktor.

Continue reading below ↓

Hindi naman daw maikakaila ni Richard kung gaano kasikat ang K-Pop ngayon.

Ayon dito, “Before pa akong mag-KisPinoy, aware na ako sa K-Pop dahil sa dami nilang fans. Alam ko kung gaano sila ka-popular, ang dami nilang fans. Nagugulat ako. At kahit na yung hindi Koreans, kabisado ang mga K-pop songs kahit na hindi nila naiintindihan.

“At yung quality ng music video nila, talagang high quality. Minsan mas maganda pa sa mga Hollywood. Hanga ako, mind-blowing talaga na ganoon sila ka-grabe na mag-train ng artist.”

Nakikita ba niya ang sarili na mag-trabaho rin sa Korea dahil sa pagiging host niya ngayon sa KisPinoy?

“We’ll see, we’ll see where it goes.”

Nasilip na rin daw ni Richard ang ilang nag-audition para sa show.

“I’ve seen some of our talents and we’re getting closer to our top choices. Marami ring nag-o-audition, pero now, ongoing pa rin ang audition sa KisPinoy.”

Hindi pa raw nakakapunta ng Korea si Richard sa kabila ng halos nalibot na yata niya ang buong mundo.

Continue reading below ↓

Kaya nae-excite raw siya na magpunta rito, kasama ang kanyang pamilya.

“Some of our family members will be going kasi, hindi pa kami nakakapunta ng Korea and it’s our first time to go to Korea and we’re very excited about it.”

Wala pa naman daw final date kung kailan sila pupunta ng Korea. Naimbitahan daw sila ng Yu&IQ Entertainment and NH Media, sila ang magdadala sa kanila doon. Itu-tour nila ang mga Gutierrez sa Korea and parang ipapakita nila kung ano talaga ang kultura ng K-Pop sa Korea.

Hindi lang daw sigurado si Richard kung maisasama sa It Takes Gutz to be Gutierrez Season 3 episode ang pagpunta nila sa Korea.

Sa isang banda, hindi man siguro aktibo si Richard ngayon sa paggawa ng mga TV shows sa local networks, maliban nga sa sa sisimulan niyang KisPinoy, masasabi namang napapanood siya talaga sa buong Asia dahil sa It Takes Gutz

Continue reading below ↓

Ang Korea raw ang isang bansa sa Asia na hindi napapasok ng It Takes Gutz… pero, dahil sa pagiging host nga niya ngayon K-Pop Icon Search Pinoy Edition na ipapalabas din sa Korea, sa buong Asia na talaga siya nakikilala.

Anong pakiramdam?

“Siyempre, it’s an honor, it’s a great opportunity. Noong pumunta kami ng Malaysia, hindi ko rin ine-expect na magkakaroon kami ng fan based sa Malaysia. Yung mga Malaysian fans.

“So, hindi mo talaga mae-expect kung ano ang boundaries. Limitless yung boundaries natin. It’s better for us, especially for me na it’s important to be seen, not just in the Philippines but also in Asia.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gutierrez is impressed by the way Korean artists are trained to become pop artists. He will host KPop Icon Search Pinoy Edition (KisPinoy) that will be shown on TV5 starting July 11, with a two-part primer airing on June 27 and July 4.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results